Nakaramdam ako ng matinding pananakit ng ulo nang magising ako. Hihikab pa sana ako dahil feeling ko ay napasarap ang tulog ko, kaya lang ay narealized ko na wala pala ako sa tabi ni Pech!
"Gising na si Hunter!"
Shít!
Oo nga pala! Kinidnapped ako ng mga lalaking hindi ko naman kakilala.
"Paano niyo nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko sa mga lalaking sa tingin ko ay mahigit sa lima at lahat sila ay nakapalibot sa akin.
Tumawa ang isa at ipinakita sa akin ang hawak niya at halos mamilog ang mata ko nang makitang hawak-hawak ng lalaking iyon ang I.D ko sa school!
"Hunter Ford, tama?" Tanong pa sa akin ng lalaking hawak ang I.D ko.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango, "Ano bang kailangan niyo sa akin?"
"Saan mo dinala si Mia Del Valle? Hindi mo ba alam na anak siya ni Senator Del Valle? At hindi mo ba alam na ikakasal na siya dapat sa boyfriend niya?"
Halos mapatigil ang mundo ko sa aking narinig, "B-Boyfriend?"
"Oo... Hindi mo ba nabalitaan na ikakasal na sila ni Vince? Kaya ngayon, saan mo dinala si Ma'am Mia Del Valle?"
Ikakasal na si Pech?
Hirap akong igalaw ang sarili ko dahil nakatali ang katawan ko sa isang poste. Gusto ko sanang kunin ang cellphone ko para mag-status ng feeling hurt, kaya lang ay nasa bulsa ang phone ko.
Unti-unti ko ring nararamdaman ang pagkirot ng puso ko. Hindi man pisikal pero sa emotional feelings ko, iyon ang masyadong naaapektuhan.
Mahal ko si Pech at hindi ko kayang maipagkaila iyon. Katunayan nga ay handa kong itaya kahit na sarili kong buhay para sa kanya.
Kaya lang.... Kaya lang bakit ganito? Ikakasal na pala siya. Alam ko naman na may boyfriend siya na Vince ang pangalan, nakita na nga namin ni Pech iyon noong nakaraan.
Hindi ko naman inaasahan na ikakasal na pala silang dalawa. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
"Saan mo dinala ang anak ni Senator Del Valle?"
Napa-sigaw ako sa labis na sakit nang maramdaman kong may matigas na bagay na ipinalo sa katawan ko. Isa iyong paddle na ginagamit sa hazing.
"Ano, Ford?! Nasaan si Mia?"
Hirap na hirap na ako. Bugbog na rin ang katawan ko pero hindi pa rin tumitigil ang mga lalaki, "Ayaw mo ba talagang magsalita?"
Sa mga oras na ito ay nananalangin na lamang ako na sana ay nasa maayos na kalagayan si Pech at sana ay mapuntahan ako ng dalawa kong kaibigan.
Kung bakit naman kasi missing in action si Allan at Peter kung kailan kailangang-kailangan ko sila ngayon.
"Nand'yan si Bossing!" Sabi ng isang lalaki at iyon ang naging dahilan kung bakit saglit na tumigil sa pambubugbog sa akin ang mga lalaki.
Halos nakapikit na ang dalawang mata ko at pakiramdam ko ay may lumalabas na ring dugo sa ilong ko.
Pilit kong iminulat ang mata ko at naaninag ko ang isang panilyar na pigura ng lalaki. Iyon ay walang iba kundi si Senator Del Valle.
"Anong pangalan ng lalaking ito?" Rinig kong tanong niya sa mga lalaki.
Kahit nga paglunok sa sarili kong laway ay hindi ko na magawa.
"Senator, siya po si Hunter Ford."
Naramdaman kong.may pumisil ng mahigit sa mukha ko kaya napasigaw na naman ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"Saan mo dinala ang anak ko?!"
Feeling giving up?
'Yan sana ang status of the day ko ngayon kung hawak ko lang ang cellphone ko. Hindi ko na kasi talaga kayang lumaban dahil sa mga injury ko sa katawan ko.
May alam naman ako sa mga self defense, dahil criminology ang kursong kinukuha ko, kaya lang ay sa sobrang daming mga tauhan ni Senator Del Valle ay talagang hindi ko sila kakayanin.
Isa pa ay nakatali ang katawan ko sa isang poste kaya talagang hindi ako makakalaban sa kahit na isa man lang sa kanila.
"Saan mo dinala si Mia?!"
Pilit kong nilakasan ang loob ko at sunod-sunod na umiling sa kanya.
"H-Hindi ko po alam kung nasaan--"
Sa lakas ng pagkakasuntok sa akin ni Senator Del Valle ay natanggal ang pagkakatali ng katawan ko sa isang poste at tuluyan na akong napahiga sa malamig na sementadong sahig.
"P-Pech.." Bulong ko sa sarili ko habang pilit akong tumatayo.
Naramdaman ko ang paghawak ni Senator Del Valle sa kwelyo ko, "Saan mo dinala ang anak ko?! Saan mo dinala si Mia?!"
Lord... Please, help me.
"Blaire, kunin mo ang baril." Rinig kong sabi ni Senator Del Valle.
Awtomatikong napamulat ang mata ko nang marinig ko iyon.
Nakita ko pang iniabot ng isang lalaki kay Senator ang isang baril at bago pa ako makapagsalita ay itinutok niya ang baril sa akin.
"Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka. Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan ang anak ko."
"S-Sir..." Muli akong napalunok baho magsalita, "M-Mahal na.. M-Mahal ko po si M-Mia.."
Napasigaw ako sa matinding sakit nang maramdaman kong may tumamang bala ng baril sa may bandang hita ko.
"Gago ka! Hinding-hindi ako papayag na mapupunta ang anak ko sa walang kwentang taong katulad mo! Kaya sabihin mo na sa akin kung nasaan si Mia!"
Ayoko.. Ayokong sabihin.
Kahit na patayin pa niya ako ngayon. Hindi ko iyon kayang sabihin.
"Sir! Sir! Nakita po ni Antonio si Mia sa may food court ng isang condo!"
Shít!
Walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang kalagayan ni Pech.
Bago ako umalis sa condo kanina ay sinabihan ko siya na huwag nang lumabas dahil may iniwan naman akong pagkain sa kanya.
"May humahabol po sa sasakyan ni Antonio! Dalawang lalaki." Sabi pa ng isang lalaki.
"Patayin niyo na iyon." Ani Senator Del Valle.
Biglang pumasok sa isipan ko si Allan at Peter?! Sigurado ako na wala namang ibang susunod kay Pech, maliban kay Allan at Peter. Iyon nga lang ay naunahan sila ng mga tauhan ni Senator Del Valle.
Ilang minuto ang nakalipas ay mas lalo kong nararamdaman ang pagkirot ng halos buong katawan ko. Pakiramdam ko nga ay mawawalan na ako ng dugo dahil sa dami kong malalalim nasugat na natamo.
Ilang saglit pa ay nakita kong ipinasok ng ilang mga armadong lalaki ang isang pigura ng babae at para bang nawala ang lahat ng sakit na nararamdaman ko nang makita ko si Pech na umiiyak at pilit na nagpupumiglas sa may hawak sa kanya.
"P-Pech..."
"M-Mia, anak...."
Tuluyan nang.bumagsak ang luha ko nang makita kong napatingin sa kinalalagyan ko si Pech. Napakunot pa ang noo niya habang tinititigan ako pero nang marealized niya na ako nga ang lalaking nakahiga sa malamig na semantadong sahig ay mabilis siyang tumakbo palapit sa akin.
Feeling in heaven...
Pwede na akong pumunta sa heaven ngayong naramdaman ko ang yakap ng pinakamamahal ko.
Iyak lang ng iyak si Pech habang yakap-yakap ako. Gusto ko sanang abutin ang labi niya para mahalikan siya, kaya lang ay hindi na kinaya ng katawan ko at iyon na lamang ang huli kong natatandaan.
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria