Kabanata 38

3.3K 159 51
                                    

Alas dos na ng madaling araw nang naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Bumangon ako mula sa pagkakahiga pra tingnan kung narito na si Hunter, pero nang silipin ko ang garahe ay hindi ko nakita ang sasakyan ni Hunter.

Tiningnan ko rin ang kwarto ni Quinn, sinilip ko siya sa loob at mahimbing naman siyang natutulog.

Pagkatapos kong i check si Quinn ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko.

Wala man lang text na galing kay Hunter. Hindi ba niya alam na alas dos na ng madaling araw?

Nagpapa recover pa nga siya dahil halos kakagaling lang n'ya sa hospital pero heto at todo gimik pa siya.

Nag aalala lang naman ako.

Tawag ako ng tawag sa kanya pero hindi naman niya sinasagot ang lahat ng tawag ko.

Kaya nagpasya ako na magbihis para sundan si Hunter. Sinigurado ko na sarado ang lahat ng pintuan at naka activate sa cellphone ko ang CCTV ng buong bahay.

Humanda ka sa akin Hunter...

Nagbook ako ng Grab, 10 mins pa ang dating sa harapan ng bahay. Hindi na nga ako makapag hintay kaya paikot ikot na ako dito sa garahe ng bahay.

Hanggang sa dumating na ang Grab at agad akong sumakay.

Habang nasa daan palabas ng subdivision ay napakunot pa ang mata ko, tinignan ko ang sasakyan na naka park sa gilid ng daan.

Hindi ako puwedeng magkamali, ang sasakyan ni Hunter.

"Kuya! Wait lang po!" Ang sabi ko sa Grab Driver, "Baba lang po ako saglit," Ang sabi ko sa kanya.

"Okay po, nandito lang po ako, Ma'am. "

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad akong naglakad patungo sa sasakyan ni Hunter na nakaparada sa gilid ng kalsasa.

Sumilip ako sa loob at halos mawalan ako ng hininga sa gulat ng makita ko si Irish na nakaupo sa harapan ni Hunter habang si Hunter naman ay hinahalik halikan ang dibdib ni Irish.

Hindi ko makapaniwala sa nakita ko.

Ang akala ko ba ay magkapatid silang dalawa?

Mariin akong napapikit kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Pagmulat ko ng mata ko. ay nakita ko si Hunter na nanlalaki ang matang nakatingin sa akin. Para bang hindi siya makapaniwala na nasaksihan ko ang kababuyan niya.

"Tangina mo," Nanggagalaiti kong sabi at agad na nagtatakbo pabalik sa sasakyan,

Nang makarating ako sa sasakyan ay sinabihan ko ang Grab driver na ihatid na lang ako sa bahay ni Ria.

Hindi naman kasi ako puwedeng umuwi sa condo unit ko dahil paniguradong puountahan ako ni Hunter doon.

Habang nasa biyahe ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nasaksihan ko. Si Irish at Hunter ay may ginagawang milagro.

Napili akong lokohin ni Hunter, para saan?

Bakit pa niya ako niligawan?

Bakit pa niya sinabing mahal na mahal niya ako?

Panay ang pagbagsak ng luha ko, nararamdaman ko rin ang unti unting pagsakit ng ulo ko.

Hay, sa wakas nakita ko na si Hunter.

Gustong-gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal pero hirap na hirap ako sa pagsasalita, ni hindi ko nga kayang sabihin kung ano ang gusto kong sabihin.

Hindi ko na nga matandaan kung bakit mayroon ang sakit, at kung bakit ako nagka amnesia, basta ang alam ko lang ay kasama ko si Hunter ngayon...

Ang lalaking pinatunayan kung gaano talaga niya ako kamahal.

Nasa hospital ako ngayon, hindi ko alam kung bakit...

Hmmm..

At may kasama rin pala akong lalaki na nagpakilalang tatay ko..

Nakita kong parang may binabasa sa papel si Hunter, ano na naman kayang sasabihin ng love ko? Napapaisip tuloy ako.

"Hunter.. Ano nga ulit iyong sasabihin mo?" Tanong ng nagpakilalang papa ko kay Hunter,

"Pech... I love--" Hindi na nya natapos pa ang sasabihin nya kasi para siyang kinakabahan na ewan.

"Hunter... Sige na, sabihin mo na ang gusto mong sabihin kay Mia." Malumanay at nakangiting sabi ng nagpakilalang tatay ko kay Hunter.

"P-Pech.. Simula noong una kitang makilala, p-pinaglaruan na kita, g-ginawa kitang girlfriend kahit na may girlfriend akong i-iba.."

Napakunot ang aking noo. Lubos kong naiintindihan kung ano ang. sinasabi niya, may problema ba siya? Bakit nya sinasabi sa akin ang bagay na iyon?

Naiiyak ako, bakit ganito?

Bakit niya ako niloko?

Dahil ba mukha na akong baliw?

Dahil ba may sakit ako?

"Pech, K-Kalimutan mo na ang lahat sa atin.. N-Nagawa mo ngang kalimutan yung nakaraan mo.. M-Mas maganda na kalimutan mo na ako para mabawasan yung sakit.. H-Hindi kita..."

Gusto kong malaman ang dahilan. Pinilit kong magsalita, kahit napakahirap, kahit napakasakit.

"H-Hunter.... Bbaba-ba-bakit mo na-nanasasabi yan?" Panay ang pagbuhos ng luha ko.

Gusto kong malaman ang dahilan.

Sagutin mo ako mahal ko, sagutin mo ako.

Napailing si Hunter at lumabas siya kasama ng mga tauhan ng palaking nagpakilalang tatay ko.

Iyak ako ng iyak, hanggang sa naramdaman ko na may papel sa tabi ko.

Ito 'yung hawak ni Hunter kanina.

Mia, sa una pa lang niloko na kita. May gilfriend ako habang tayo, naghanap ako ng iba kasi wala kang kwentang babae. Kaya sana, sa oras na umalis ako dito ay kalimutan mo na din ako. Huwag ka ng umasa na babalikan pa kita kasi hindi naman talaga kita mahal. Ipapalaglag ko ang anak mo dahil hindi ko kayang magkaroon ng anak na ikaw ang nanay.






"Shit!! Ma'am, mag seat belt po kayo! Nawawalan ng balanse ang sasakyan ko!" Para bang biglang nawala ang lahat ng nararamdaman ko sa katawan ko nang marinig ko ang sinabi ni Driver.

Bago ko pa makapag seatbelt ay nakita kong malapit na naming mabangga ang isang 16 wheeler truck na papasalubong sa amin.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon