Kabanata 37

5.2K 223 43
                                    

Sa muling pagmulat ng mata ko dahil sa matinding pagsakit ng ulo ko ay walang ibang pumasok sa isipan ko kung hindi ang mukha ni Hunter habang tinatawag ako ng 'Pech'

Muli kong ipinikit ang mata ko at saka huminga ng malalim.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito ngayon, Hindi ko naman alam ang dahilan kung bakit dumadalas na naman ang pagsakit ng ulo ko.

Pagkatapos kong kumain ng tinapay ay saka naman ako narinig na may kumakatok mula sa pintuan ng aking condo.

"Hello there?! Yuhooo!"

Sinasabi ko na nga ba at si Hunter ang taong iyon. Bago pa nga ako makalapit ng tuluyan sa pintuan ay naririnig ko pang kumakanta-janta pa si Hunter na tila ba hindi nanggaking sa hospital.

Nang buksan ko ang pintuan ay sumalubong sa akin si Hunter na todo ngiti pa, habang may hawak-hawak na teddy bear.

"Hi, Mia..." Aniya sabay kindat sa akin.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa kanya, "O pasok na ho,"

Tumawa siya at saka naman ako inakbayan, "Alam mo, Mia. Gustong-gusto talaga kita." Aniya pa, napatingin ako sa kanya, napabitaw siya mula sa pagkaka-akbay at saka ako tiningnan ng seryoso.

"Sa lahat ng pagkakataon, gusto kita. Kahit hindi mo tanungin, gusto kita, at kahit ayaw mo, mahal na mahal kita, noon pa." Seryosong saad niya sa akin.

Napatitig ako sa kanya at unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin, hanggang sa magdikit ang labi naming dalawa.

Dahan-dahan at ramdam na ramdam ko ang emosyon. Siguro nga, totoo ang nararamdaman kong gusto ko rin si Hunter at hindi ko na kayang ipagka-ila pa ang bagay na iyon.

Pagkatapos ng halik na iyon at saka ako niyakap ng mahigpit ni Hunter at saka naman sa akin iniabiot ang teddy bear na hawak niya.

"Para sa'yo... Ingatan mo siya ha, kasi matagal nang nasa akin iyan at iniingatan ko pa rin siya." Aniya pa.

Tumango naman ako, "Salamat at nag-abala ka pa sa pagpunta dito. Ano na nga palang nararamdaman mo ngayon? Galing ka pa sa hospital pero dito ka pa dumiretso. Ang tibay mo rin eh!" Natatawang sabi ko sa kanya, habang patungo sa kusina para makapaghanda ng makakain.

"Eh, hindi ko naman kasi matiis na hindi kita makita." Aniya habang napapakamot sa kanyang batok na tila ba nahihiya.

Marami pang mga pakulo si Hunter sa akin. Nakakatuwa lang isipin na unti-unti na ring bumubuti ang lagay ni Hunter.

Naka vacation leave din siya sa trabaho niya kaya ilang linggo rin siyang walang pasok.

Ilang linggo na ang nakalilipas ay mas lalo pang bumubuti ang samahan naming dalawa ni Hunter, mas lalo pang lumalalim ang aming samahan.

Si Quinn Maya naman ay panatag na ang loob sa tuwing kami lang dalawa ang magkasama, nakapagpalagayan na rin kami ng loob na dalawa.

Kadalasan, ay sinusundo ako ni Hunter pag pauwi na ako mula sa trabaho, at siyempre ay kasama ni si Maya na galing din sa school.

Sa tingin ko ay wala namang problema sa bata dahil masaya naman si Maya kapag kasama ako sa mga lakad nila at kapag nago-overnight ako sa bahay nila o di kaya naman ay sila ang nago-overnight sa condo ko.

Si Hunter naman ay tuloy pa rin ang pag inom ng mga gamot at pagpapa-check up sa doktor, pero bumubuti na naman ang kanyang lagay at hindi na rin siya nahihimatay tulad nitong nakaraan. Kailangan lang talaga niyang sundin ang payo ng doktor.

Ngayon ay kauuwi lang namin dito sa bahay, si Maya ay nakatulog na at tanging kaming dalawa na lamang ni Hunter ang gising.

Napapansin ko na tila ba hindi siya mapakali mula sa kinauupuan niya, nanunuod kasi kami ng palabas dito sa sala.

"Bakit parang di ka mapalagay diyan, Hunter?" Tanong ko sa kanya.

Napatingin naman siya sa akin at napakamot sa ulo, "Eh kasi love...."

"Yes?" Tanong ko pa, nabibitin kasi ako sa sinasabi niya.

"Birthday ni Allan ngayon, eh... Gusto ko sanang pumunta. Pwede ba, love?"

Huminga naman ako ng malalim at saka tumingin sa wall clock.

"9 o'clock na, ano sa tingin mo ang oras ng curfew mo?"

Napanguso naman si Hunter, "9."

"Eh bakit ka pa aalis?"

"Eh kasi diba..." Pansin ko ang pagiging malungkot ni Hunter, "Birthday ni Allan."

Napairap naman ako, "Siguraduhin mo na hindi ka mambababae. Sinasabi ko sa'yo hunter..."

Yumakap naman siya sa akin, "Love naman, alam mo namang ikaw lanh ang love ko, kayo ni Maya."

"O siya," Tumayo ako at saka ni-ready ang gamit niya, "Itong gamot mo, dalhin mo. Wag ang hindi mo iinumin ang gamot mo, importante 'to. Alas dose dapat nandito ka na."

"Pwede bang 1 na lang?" Aniya pa, "Hindi naman ako nainom, makiki-jamming lang ako. Nandoon ang tropa."

"Okay na." Ngumiti ako, "Mag-ingat ha. Itext mo ako, san nga ba ulit iyan?"

"Sa BGC, sa Palace." Sagot niya.

Bago pa siya sumakay sa sasakyan ay muli siyang lumapit sa akin hanggang sa maramdaman ko ang pagdikit ng labi niya sa labi ko.

"Bye love, I love you."

"I love you. Ingat ka ha."

"I will,"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon