Kabanata 29

5.7K 238 51
                                    

Hindi ko alam kung bakit nga ba ako pumayag na ihatid ang lalaking ito sa bahay niya. Well, oo.. Sinabi niya sa akin kanina na babayaran niya ako sa abala niya sa akin pero, ewan ko ba. Hindi ko na maipaliwanag.

Nandito ako ngayon sa driver seat ng mustang ni Sir Hunter. Tama nga ako, pulis siya at may isa na siyang chief officer. Nalaman ko lang na chief officer siya dahil ipinakita niya sa akin ang I.D niya.

Marunong naman akong magmaneho ng kotse kaya wala naman sa akin ang magmaneho ng sasakyan.

Malaki ang Makati City pero mabuti na lang at mabilis naman akong maka-pick up ng mga lugar. Pamilyar din naman ako sa Makati dahil minsan na rin kaming napatira sa siyudad na ito noong hindi pa nakukulong si Daddy.

Oo nga pala, si Daddy. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na ulit siyang dalawin. Sa katunayan nga, tuwing sabado ay naroon ako sa kulungan para bisitahin siya. Normal lang ang buhay niya sa kulungan. Hindi nga siya tinuturing na VIP kahit na naging senador siya.

Inaalala ko rin ang kalusugan niya. Pasulpot-sulpot na kasi ang sakit niya. Minsan nga ay tumatawag pa sa akin si Attorney dahil nahihirapan na si Daddy sa iniinda niya.

Kaya heto, panay ang trabaho ko. Kaya kahit itong paghahatid sa lasing na pulis na ito ay pinatulan ko na. Sana lang ay bayaran nga niya ako.

In fairness naman, may angking kagwapuhan ang pulis na kasama ko. Para nga siyang artista, iyon nga lang, taken na.

Ang sabi kasi sa akin ng kaibigan kong si Ria ay asawa pala ng pulis na kasama ko ngayon ang aming bossing na si Ma'am Irish.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Nakupo! Paano kung naroon na sa bahay nila si Ma'am Irish at magulat na lang siya na makita si Hunter na kasama ako?

Anong sasabihin ko?

Na driver for hire ako?!

Driver for one ride?!

Geez..

Itinigil ko ang sasakyan sa harapan ng isang maganda at magarang bahay. Ito nga 'yung address na nakalagay sa I.D ni Hunter.

Tumikhim muna ako bago tapikin sa balikat si Hunter, "Uhmm... Sir. Nandito na po tayo sa bahay niyo. P-Pwede bang, uhmm... Bayaran niyo na po ako?"

Napansin ko ang hirap na pagmulat ni Hunter, ang hirap talaga kapag lasing.

Ano ba naman kasing dahilan kung bakit siya naglasing?

"Sir... Ano na po?" Pahabol na tanong ko pa sa kanya.

Sana lang ay bayaran nga niya ako, kung hindi niya ako babayaran ay uupakan ko talaga ang isang ito! kahit na pulis pa siya!

Namilog na lamang ang mata ko nang hugutin ni Hunter mula sa bulsa niya ang wallet niya at may kinuhang lilibuhin na papel at saka naman iniabot sa akin.

Nang makuha ko ang pera ay pasimple ko naman iyon na binilang. Limang libo?!

"Stay safe." Ani Hunter at saka iika-ika na lumabas mula sa sasakyan niya.

Bigla naman akong nakaramdam ng pagka-guilty nang makita kong bumagsak sa semento si Hunter sa lupa kaya agad ko siyang nilapitan.

Tinulungan ko siyang makatayo pero sa bigat niya ay napasama ako sa pagkakasalampak sa lupa. Nagkauntugan pa ang noo naming dalawa at ramdam kong tumama ang matangos na ilong niya sa pisngi ko.

Bigla naman akong nahiya kaya mabilis akong tumayo at saka ko siya tinulungan para makatayo din.

"Tulungan ko na kayong makapasok sa loob ng bahay niyo. Mukha kasing hindi mo talaga kaya, Sir.."

Tumango-tango naman si Hunter na tila tanga, lasing nga talaga. "Yeah.. Yeahh. Yeahh."

Hindi na dapat ako magulat pagkapasok naming dalawa sa bahay niya dahil naranasan ko rin namang mapatira sa magandang bahay noong mga panahong maganda pa ang buhay ko kasama ng pamilya ko pero hindi ko talaga maiwasan ang pagkamangha kong ito.

Ibang klase.

Mayaman nga talaga ang pulis na kasama ko.

"Saan po ang kwarto niyo?" Tanong ko sa kanya.

"2nd floor.."

Hindi na ako umimik pa sa sinabi niya. Mukha namang bumalik na sa wisyo si Hunter.

Pero teka?

Nasaan ang asawa niyang si Ma'am Irish?

Mukha kasing kami lang dalawa ang tao dito sa bahay. Gabi na rin at hindi ko maisip ng mabuti kung ginagabi ba talaga ng pag-uwi si Ma'am Irish?

"J...Just open the door."

Napatigil ako nang makita ko ang pintuan sa harapan namin. Binuksan ko ang pintuan ng kwarto habang patuloy ko namang inaakay si Hunter.

"Sir? Lasing ka ba talaga?" Tanong ko sa kanya pero bigla akong napaisip sa itinanong ko.

Hindi ko dapat kasi itatanong iyon sa kanya pero hindi ko kasi mapigilan. Nagdadalawang isip kasi ako kung lasing ba talaga ang lalaking ito o hindi.

"What?"

Mabilis akong umiling, "Wala po, Sir.. Sige na po.. Mahiga na po--" Hindi ko na natapos pa ang pagsasalita nang magulat ako dahil biglang hinubad ni Hunter ang suot niyang kulay asul na polo shirt.

Nakita ko tuloy ang mala-perpektong katawan niya. Oh fudge!

Sa models, sa billboards, sa magazine, sa television ko nga lang nakikita ang abs na kagaya kay Hunter!

"Sir... Uhmm.." Napalunok ako nang tumingin sa akin si Hunter ng seryoso, "Uhmmm.." Ano ba kasing sasabihin ko.

"Stay with me for this night."

Muli akong napalunok nang masaksihan ko kung paano siya magpunas ng pawis niya. Ghad! Lasing ba talaga ang pulis na ito?

Muli sana akong magsasalita nang bigla siyang humilata sa kama habang pikit ang mata. Nananatili lang siyang nakahubad habang ako naman ay nakatitig sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa lagay niya ngayon. Mukha kasi siyang may dinadala na problema ngayon.

Ihahakbang ko na sana ang paa ko palabas ng kwarto nang marinig ko si Hunter na muling nagsalita, "Just... Just stay with me.."

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon