Kabanata 6

8.4K 284 32
                                    

Pagmulat pa lamang ng mata ko ay nakangiti na kaagad ako. Hehehe! Ang astig naman!

Hindi na ako virgin!

Tinignan ko sa tabi ko si Pech at agad akong napabangon mula sa pagkakahiga nang hindi ko naman makita sa tabi ko si Pech.

Sinuot ko ang boxer short ko bago ako lumabas ng kwarto.

"Pech?! Yuhoooo! Where are you?!" Hehehe! Oh, 'di ba? Ang galing kong mag-english? Hindi naman kasi ako naniniwala sa sinabi ng mga kaibigan kong si Allan at Peter na kapag gwapo daw ay hindi magaling sa english.

Eh, bakit naman ako? Pogi, tapos magaling naman sa english?

Speaking of english..... May assignment nga pala ako sa english! Wengya! Mamaya na ang pasok ko sa school eh! Kaya dapat ay magawa ko na ang assignment ko.

"Pech?! Nasaan ka na ba?! Are you there?!" Heheheh, english ulit iyon. Ang bangis ko ba?

"Pech!"

Oh! There she is! Naroon lang pala siya sa may sala ng bahay at naglalaro ng barbie.

What the?! Paano niya nakita ang barbie ko?!

Huwag nang bigyan ng malisya ang barbie na iyon ah? Regalo ko dapat iyan sa inaanak ko na kapitbahay ko. Kaya lang ay lumipat na pala sila ng bahay. Hindi ko tuloy nabigay.

Hindi ko na muna pinakelaman si Pech sa paglalaro niya. Bahala siyang mag-enjoy sa barbie na iyon, basta ako.. Nag-enjoy ako sa ginawa naming dalawa kagabi.

Nagluto ako ng almusal. Masarap na naman ang ulam namin ni Pech.

Itlog na pula.

Favorite ko rin kasi ang itlog na pula. Ang sarap kasi ng lasa, at feeling ko nga ay favorite na rin ni Pech ang egg.

Nang matapos kong magprepara para sa almusal naming dalawa ni Pech ay tinawag ko na siya.

"Pech... Kakain na muna tayo." Sabi ko pa sa kanya habang nakangiti. Hehehe! Feeling heaven kasi ako sa ginawa naming dalawa kagabi kaya happy talaga ako.

Nagulat naman ako nang bigla siyang tumango, "Kuya..."

What the hell?!

Noon naman ay hindi siya nagrerespond sa mga sinasabi ko! Pero ngayon?! Tumatango na siya! Normal na naman ang pagtawag niya sa akin ng Kuya, bukod kasi sa 'Pagkain' at iba pang words ay iyon lang naman ang naririnig ko sa kanya.

"Nakakarespond ka na sa akin! Epekto ba iyan ba iyan halik ko kagabi sa'yo?" Masayang sabi ko habang yakap-yakap siya.

Hindi na siya sumagot.

Habang kumakain kami ay nagdadaldal pa rin ako. Way ko iyon para mawala naman ang boredom sa paligid.

"Oo nga pala, Pech... Mamaya pagkatapos ng trabaho ko ay dadalhin kita sa Special Center. May kakilala kasi akong doktor na maaaring makatulong sa kalagayan mo." Sabi ko sa kanya.

Napagisip-isip ko kasi na mas maganda kung nasa maayos na pag-iisip si Pech. Kahit na hindi ko alam kung mayroon ba siyang amnesia, gusto ko lang naman na maging maayos si Pech.

Basta bahala na, kapag naging maayos si Pech ay ipaglalaban ko siya. Hindi ko na siya pakakawalan.

"Mamaya ah? Papasok muna ako sa school, at pagkatapos ay sa trabaho naman... Pero bandang alas otso ng gabi naman ay pupunta tayo sa Special Center na sinasabi. Libre lang naman doon at wala tayong babayaran, kakilala ko naman ang doktor." Sabi ko pa kay Pech.

Ang Papa kasi ni Allan ang doktor doon. Sana lang ay hindi niya makilala si Pech, pero gagawa naman ako ng paraan kung sakali man na makilala nila si Pech.

Ang totoo niyan ay hindi ko pa nasasabi kay Allan at Peter ang tungkol kay Pech, kaya nga nagdadalawang isip pa ako nitong mga nakaraang araw kung dadalhin ko ba sa Special Center si Pech.

"'Yung pagkain mo para sa tanghalian at hapunan. Okay na, nai-ready ko na... Kakain ka na lang." Sabi ko habang isinusukbit ang backpack sa likuran ko.

Lumapit ako sa kanya at saka siya hinalikan sa malambot na labi niya.

"Alis na ako."

Feeling wonderful.

Habang nasa jeep ako ay nagbukas ako ng facebook ko at nag-status ng feeling wonderful. Wala lang, feeling ko lang kasi ang wonderful ng buhay ko simula nang makilala ko si Pech.

Nang makapasok ako sa eskwelahan ay agad akong nangopya ng assignment sa kaklase kong nerd.

"Oy, pre! Bakit ka gumagawa ng assignment? Wala naman tayong prof dahil may dadating na bisita dito sa school natin." Ani Peter.

Napa-yes naman ako! Sa wakas! Walang prof!

"Bakit? Sino bang dadating dito sa school?" Tanong ko pa kay Peter.

"Si Senator Del Valle.. Siya kasi ang guest speaker ng school natin mamaya.." Sagot pa niya.

Namilog ang mata ko sa narinig ko.

Senator Del Valle?

"Oh? Bakit parang namumutla ka, pre? May sakit ka ba?" Sabi ni Allan habang tinatapik-tapik ang balikat ko.

Umiling ako at paulit-ulit na napalunok, "M—Mga tol? Siya 'yung may nawawalang anak, 'di ba?"

Sabay na tumango si Allan at Peter, "Oo.. Bakit mo natanong? Nakita mo na ba si Mia? Bro! Isauli na natin dahil malaki ang pabuya ni Senator!"

Pasimple kong pinunasan ang pawis ko sa noo ko.

"M—Magkano ang pabuya?"

"Two million, pre!"

Two million? Para kay Pech?

Mariin akong pumikit at muling umupo sa upuan ko. "Bro! Okay ka lang ba talaga?"

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-open ng facebook, "Feeling sick. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." Sabi ko sa kanila.

Dalawang milyon ang pabuya para kay Pech.

Sigurado naman ako na sa oras na ito ay maraming tao na ang nagkukumahog para lang malaman kung nasaan ba si Pech.

Pero para sa akin, hindi naman pera ang basehan para lumigaya.

Hindi ko ibibigay si Pech, dahil akin lang siya. Si Pech lang ang happiness ng life ko.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon