Kabanata 9

7.4K 262 31
                                    

Hehehehe!

Buti na lang ay nailayo ko si Pech doon sa lalaking mukhang bisugo na iyon.

Paano kaya nagong boyfriend ni Pech ang lalaking iyon? Mukhang isda!

May gana pang mambabae, panget naman. Hehehe! Pero okay lang, mas maganda nga iyon para tuluyan na silang maghiwalay ni Pech.

Pero...

Pero bakit mukhang masaya pa yata ang boyfriend ni Pech na wala siya? Masaya pa dahil may kaakbay pang babae? Eh babaero naman pala ang lokong iyon eh!

Ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa ni Pech? Nakita ko kasi si Pech kanina na umiiyak habang nakatitig doon sa lalaki.

Sa pagkakatanda ko pa nga ay ang pangalan ng lalaki ay Vince. Ang baho! Mas swabe pa rin talaga ang pangalan ko, Hunter!

Nandito kami ngayon ni Pech sa isang night bazaar malapit sa terminal ng mga tricycle. Balak ko sanang ilibre si Pech ng pagkain kay naghanap kami ng makakainan.

Mabuti na lang talaga at naka-suot ng facemask si Pech at naka-suot din ng maganda at mabango kong jacket na ipinahiram ko pa sa kanya.

"Pech.. Gusto mong barbeque?" Heheheh, hindi na naman siya sumagot, it means na gusto nga niya.

Kaya naman sinabi ko sa babaeng tindera ang order ko na dalawang barbequ, "Ate! Dalawa ha? Bigyan mo na rin ako ng discount para mabangis."

Nag-smile naman ang tindera sa akin, "Tutal gwapo ka naman.. Sige, bibigyan kita ng discount."

Oh, 'di ba... Sinabi ko na nga ba at nadadala ko sa mabangis na karisma ko ang mga babae. Sa gwapo ko ba namang ito, malamang isang kindat ko pa lang ay baka himatayin na ang mga girls.

Si Pech na nga lang ang matibay eh, hindi naman siya nahihimatay sa tuwing kinikindatan ko siya. Parang wala lang.

Speaking of Pech...

Wait?!

Where's Pech?!

Kanina ay hawak-hawak ko lang ang kamay niya ah?

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko bago mag-status.

Pech! Where are you?! I'm here! Waiting for you! :)

Oh, 'di ba.. English na naman iyan. Maganda iyon para mas lalong ma-turn on ang mga girls sa akin.

Pero, wait... Masyado na yata akong natutuwa sa paggamit ng facebook. Kailangan ko munang hanapin kung saan bang sulok ng earth nagtungo ang aking Pechay.

Bumaling ako kay Ate na nagtitinda na ngayon ay halos tumulo na ang laway sa kakatitig sa malaman at maskulado kong katawan, "Ate! Babalikan ko na lang po ang binili ko." Nagmamadali kong sabi sabay karipas ng takbo habang patingin-tingin sa paligid.

Nararamdaman ko ang unti-unting pagbilis ng puso ko sa kaba. Hindi ko maipaliwanag, basta ay kinakabahan ako sa posibleng maging kahihinatnan kung sakali ngang mawala si Pech sa piling ko.

"Pech! Nasaan ka? Dito na me!" Hehehe! Sigaw iyan. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao, pero okay lang. Gwapong tulad ko naman ang tinitignan nila.

"Pech!"

Feeling worried!

Patay! Nasaan nga si Pech?! Bakit.biglang nawala?! Kumurap lang ako ng ilang beses ay nawala na ang Pechay ko?!

"Pech!"

Feeling ko talaga babagsak na ang luha ko, hehehe! Pero di ako bakla ah? Pwede namang umiyak ang mga gwapong tulad ko, ah?

"Pech!"

Wait.... Napatigil ako sa pagtingin sa paligid nang mamataan ko ang pamilyar na lalaki malapit sa kinaroroonan ko.

Teka lang?!

'Yun yung lalaking boyfriend ni Pech! Bakit nandito na naman ang ulupong na mukhang isdang iyon?!

"Pech!" Halos mamilog ang mata ko sa matinding kabang nararamdaman nang makita ko si Pech na papalapit sa lalaking mukhang isda kaya naman bago pa siya tuluyang makalapit ay tumakbo na ako sa kinaroroonan niya at mabilis na hinila ang kamay niya.

Napansin naman iyon ng lalaki na wait.... Ano nga ba ulit ang pangalan ng ulupong na iyon? Vince?! Yuck!

Lumapit sa amin si Vince habang nakakunot ang noo, "Pare... May problema ba?" Tanong niya sa akin kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay ni Pech na makulit.

Umiling ako, "Wala pre.. Itong girlfriend ko kasi nagtatampo sa akin. Hehehe!" Sabi ko pere syempre, joke lang naman.

Tumango naman si Vince na ngayon ay nakatitig na kay Pech kaya bago pa niya tuluyang makilala si Pech ay hinila ko na kaagad siya palayo sa lalaking iyon.

Nanggigigil ako.

Habang naglalakad ay itinuro ni Pech ang nagtitinda ng barbeque pero nawalan na ako ng gana.

"Uuwi na tayo!"

Naghanap ako ng tricycle na masasakyan at saka kami mabilis na sumakay ni Pech.

Habang umaandar ang tricycle ay napansin ko pang nakatitig sa akin si Pech.

Napa-hinga ako ng malalim bago inis na nagsalita, "Ano?! Gusto mo nang umuwi sa inyo?! Iiwan mo na ako?! Mag-isa na lang ulit ako!"

Pinatigil ko ang tricycle at muling binalingan ng tingin si Pech.

"Baba."

Binitawan ko ang kamay niyang kakaapit sa braso ko.

"Baba." Ulit ko pa sa sinabi ko.

Umiling naman siya ng paulit-ulit at kasabay non ay ang pagbuhos ng masaganang luha niya.

Muli naman akong napabuntong hininga, "Ano? Iiyak ka na lang ba diyan?! Akala ko ba gusto mo nang umalis?! Gusto mo na akong iwan?!"

Nakayakap lamang sa akin si Pech habang umiiyak. "H—Hindi.... Hindi.."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. What the fudge, men?! Nagsalita si Pech ng bagong word!

"Hehehe! Okay po." Sabi ko pa, sinabihan ko ang driver na muling imaneho ang tricycle. "'Yan ang gusto ko, kapag galit ako magsalita ka lang.. Para mas mabilis ang paggaling mo, h'wag mo kasing pigilan 'yang nararamdaman mo."

Hindi na naman sumagot si Pech.

"Basta, kung aalis ka at iiwan ako.. Huwag naman 'yung biglaan kasi sobra talaga akong kinabahan kanina. Sa totoo nga lang, ayoko nang mawala ka pa sa tabi ko."

Hehehe! Eww, hunter. Mukhang tinamaan ka na ni kupido.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon