"Good morning, Mia." Pagmulat na pagmulat pa lamang ng mata ko ay narinig ko kaagad ang baritong boses na siyempre ay nagmula kay Hunter.
"Kamusta ang tulog mo?" Tanong pa niya sa akin.
"Okay naman.." Simpleng sagot ko.
Muli kong nasulyapan ang kanyang pantay-pantay na ngipin na sobra sa pagkaputi.
"Nagluto ako ng almusal natin. Tulog pa si Quinn at mayamaya pa ang gising niya. Kung gusto mo, kumain ka na.. Inihanda ko na ang pagkain na para sa'yo." Ani pa niya.
Tumango ako, "Hindi na, aalis na ako. Salamat ha."
Hinawakan niya ang aking balikat at saka muling nagsalita, "Wait.. Uh, eh kasi.. Sayang naman 'yung mga pagkain na inihanda ko kung hindi ka kakain. Kaya, sige na. Kain na tayo."
Napabuga ako sa hangin kasabay ng aking pagtango, "Sige na nga."
Masarap naman ang tulog ko kagabi. Ako lang naman mag-isa sa kwarto dahil nagkatabing natulog si Quinn at Hunter kagabi.
Habang kumakain kami ni Hunter ay hindi ko maiwasang mapatitig sa maamo niyang mukha.
"Para talagang.. Parang nakilala na kita, dati pa.." Wala sa sariling sabi ko habang nakatingin sa kanya, "'Yun nga lang, hindi ko alam kung saan ba talaga tayo nagkita." Pahabol na sabi ko pa.
"Ah..." Napakamot naman siya sa kanyang ulo, "Baka naman imagination mo lang iyan? Ikaw kasi, ngayon lang naman kita nakita." Sabi pa niya.
Muli akong napahinga ng malalim.
Siguro nga..
Siguro nga ay imagination ko lang na may kilala na akong Hunter dati pa.
Pero, "Kasi Hunter... Nagka-amnesia ako, iyon din ang sabi sa akin ni Papa.."
Kumunot ang kanyang noo, "Huh? H—Hindi ko alam. Malay ko ba diyan. Anyway, ipagpatuloy na natin ang pagkain. Masarap ito eh."
Ipinagpatuloy namin ang pagkain hanggang sa matapos ay ramdam kong hindi mapalagay si Hunter, para bang nanginginig siya at tila ba nanlalamig kahit na hindi naman nakabukas ang aircon.
"Okay ka lang?" May pag-aalalang sabi ko sa kanya.
Tumango siya at dahan-dahang tumayo pero dahil sa sobrang panghihina niya ay bumigay siya kaya bumagsak siya sa sahig na dahilan ng pagsigaw at pagkataranta ko.
"Hunter!"
Mabilis akong lumapit sa kanya, at sinampal sampal ang pisngi niya para magising pero hindi na niya binubuksan ang mata niya.
"Hunter! Hunter!"
"Daddy!"
Nagising na rin si Quinn na umiiyak nang makita niya ang Daddy niya na nakahandusay sa sahig.
"Hunter! Gumising ka!"
Agad kong kinuha ang cellphone ni Hunter na nakapatong sa kanyang bulsa at sakto naman na tumatawag si Allan.
Mabilis kong sinagot ang tawag, "Hunter nandito na si—"
"Allan... Si Mia 'to. Emergency. Si Hunter hindi na gumigising!"
Mabilis ko ding nakita ang susi ng sasakyan ni Hunter na nasa may sofa. Pinasakay ko si Quinn sa sasakyan at saka ko pwersahang binuhat si Hunter.
Sobra ang kaba ko na tila ba dumadagundong ang puso ko sa matinding kaba.
Basta ang natatanging alam ko lang sa ngayon ay kailangang madala ko sa Hospital si Hunter.
Patingin-tingin ako sa back seat kung saan naroon si Hunter na naka-unan kay Quinn na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin.
"Baby Quinn.. Tahan na baby, magiging okay din si Daddy." Kinakabahan at halos bulol na sabi ko na sa kanya.
Halos sampung minuto rin ang byahe nang makarating kami sa Hospital.
Tinulungan kaagad kami ng mga nurse na naka-standby sa may emergency station.
Nanlumo ako nang makita ko si Hunter sa kalagayan niya. Halos dilat na ang kanyang mata na tila ba wala ng buhay.
"Misis, bawal po kayo sa loob." Sabi sa akin ng doktor na pumasok na sa loob ng kwarto ng ospital.
Napahawak ako sa aking dibdib at saka niyakap si Quinn na hanggang ngayon ay umiiyak.
Narinig kong tumunog ang cellphone ni Hunter na nailagay ko pala sa bulsa ko.
Agad kong sinagot ang tawag ng malaman kong si Allan ulut ang tumatawag.
"Nasaan kayo? Wala na kayo dito sa bahay!" Pansin ko ang pagkataranta sa boses niya.
"Ano daw ang sabi? Nasaan?" Narinig ko din ang boses ni Peter sa kabilang linya, "Shét! Ano daw?!"
"N—Nandito kami sa Hospital... Hindi ko pa alam hindi na kami pinapasok sa emergency room.
"Okay papunta na kami.. Si Quinn, nandiyan ba?"
"Oo.. Iyak ng iyak ang bata." Sabi ko habang pinapatahan si Quinn.
Nang matapos ang tawag ay saka ko hinalikan sa noo si Quinn. "Baby, tahan na.. Medyo napagod lang siguro si Daddy kaya nandito siya." Kalmado nang sabi ko sa kanya.
"Iiwan po ba niya t—tayo?"
Mabilis akong umiling, "No.. No.. No.. Hindi niya gagawin iyon. Magiging maayos din ang lahat." Sabi ko pa.
Unti-unti naman siyang tumahan. Nakatulog na rin siya sa bisig ko.
Ilang saglit pa ay nakita ko sila Allan at Peter na tumatakbong lumapit papunta sa amin.
"Si Hunter?!" Tanong ng hinihingal na si Allan.
Itinuro ko ang emergency room, "Nasa loob. Nandon din ang mga doktor." Sabi ko sa kanya.
"Mia.. Sige na, magpahinga ka na muna.. Alam naming pagod ka na rin.. Kami na muna ang bahala kay Quinn.." Ani Peter.
Bago pa ako makasagot ay lumabas na ang doktor,
"Ikaw ba ang asawa ng pasyente?"
Umiling ako, "Kaibigan niya po ako."
"Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin para mailigtas ang pasyente. Ngayon, natuklasan namin na mayroon siyang congenital heart disease. May butas ang kanyang puso at palaki ito ng palaki."
"Shít! Dok, akala namin ay naging okay na siya?" Ani Allan. "Naospital na rin kasi siya dati at sabi ng doktor ay hindi naman daw kritikal ang lagay niya."
"Pero.. Hindi niya ipinagpatuloy ang pagkonsulta sa doktor at pag inom ng mga gamot kaya siguro marahil mas lalong lumaki ang butas sa kanyang puso."
"K—Kamusta po si Hunter?" Kinakabahang tanong ko sa doktor.
"Kritikal ang lagay ng pasyente."
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria