Kabanata 5

9.5K 322 34
                                    

Feeling worried.

'Yan ang status ko sa facebook ko ngayon. Nag-aalala kasi ako para kay Pech. Hinahanap na pala siya ng pamilya niya, Nakakaramdam din ako ng pagka-guilty. Kasi alam kong hinahanap si Pech pero ayoko naman siyang ibalik sa pamilya niya.

Hawak ko ang cellphone nang may mag-pop up sa notification ko. Nag-comment pala si Allan sa status ko.

Allan XD

POWER!

huh? Ano daw? Power? Ano 'yon? Bahala na nga. Nababaliw na siguro ang kaibigan kong iyon.

Napalingon naman ako sa tabi ko. Si Pech, mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.

Magkatabi na kasi kaming dalawa sa kama ko. Nakaka-awa naman kasi siya kung sa labas ko lang siya patutulugin.

Napabuntong-hininga na lamang ako habang tinititigan ang maamong mukha niya, "Good night, Pech."

KINAUMAGAHAN ay maaga akong nagising. Tulog pa si Pech, maaga pa naman kasi talaga. Ala-singko pa lamang ng umaga.

Nagluto na ako ng almusal namin ni Pech at pagkatapos ay inihanda ko na rin ang susuotin kong uniporme sa school.

Feeling student.

Hindi lang feeling student, dahil estudyante naman talaga ako. Criminology student pa nga eh.

Pagkatapos ng school ko mamaya ay didiretso naman ako sa trabaho ko sa McDonalds.

Feeling Angel.

Wala lang, feeling ko lang angel ako. Kasi napakabuti kong tao. Imagine?! Nagtatrabaho habang nag-aaral?! Kapag siguro na deads ako ay kukunin ako ni Lord para maging guardian angel.

And speaking of Angel....... Tulog pa rin ang Anghel kong si Pech. Mahimbing na mahimbing pa rin siyang natutulog sa kama ko.

Hindi rin naman nagtagal dahil naalimpungatan na siya mula sa pagkakatulog. Namamangha pa nga akong nakatitig sa kanya dahil sa angkin niyang kagandahan.

Marami naman akong crush, pero iba kasi itong si Pech. Kapag kasi nagdidikit ang balat ko sa balat niya ay bigla akong nanginginig.

Wala naman akong epilepsy.

"Good morning, Pech!" Masayang bati ko sa kanya habang kinukusot niya ang mata niya.

Tulad nga ng inaasahan ko ay hindi na naman siya sumagot.

Habang kumakain kaming dalawa ay panay ang daldal ko sa kanya, "Pech.. Oo nga pala, mamaya ay papasok na ako sa school ko tapos pagkatapos naman ng school ko ay papasok na rin ako sa trabaho ko." Sabi ko sa kanya.

Nakatitig lamang siya sa akin habang ngumunguya, "Dito ka lang sa bahay, ah? Iiwanan kita ng pagkain at huwag na huwag kang magpapapasok ng kahit na sino dito sa bahay." Sabi ko pa.

Mukha namang na-gets niya ang sinabi ko kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko.

Nang matapos akong kumain ay saglit lang akong nagpahinga at pagkatapos ay naligo na ako.

Halos kalahating oras nang matapos akong maligo. Nagbihis na ako ng uniform ko kaya naman poging-pogi na naman ako nang humarap ako sa salamin.

Muntik pa akong mapamura nang may gwapo akong nakita sa salamin.

Kinuha ko ang bag ko at saka nilapitan si Pech na ngayon ay naghuhugas ng mga pinagkainan namin.

"Pech, papasok na ako sa school." Paalam ko sa kanya, "Uulitin ko.. 'Wag kang magpapasok ng kahit na sino dito sa bahay." Sabi ko pa sa kanya.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon