Kabanata 40

2.4K 84 51
                                    


Sa sobrang tindi ng sakit ng ulo ko ay nagising ako mula sa pagkakatulog. Grabe, ibang klase ang sakit. Napasigaw ako at napahawak sa ulo ko.

Unti unti ko na ring naalala lahat. Shít! Kaya pala pamilyar sa akin si Hunter at ng mga kaibigan noong una pa lang, dahil matagal ko na silang kilala. Bakit hindi man lang nila sinabi sa akin?

Siya pala.. Si Hunter ang ama ng dapat sana ay anak ko. Iniwan niya ako sa hospital noon dahil ang sabi niya ay may iba siyang mahal. Grabe! Hindi niya alam na buntis ako ng mga oras na iyon? Gago siya! Gago siya!

"Shít, paano ba 'to?" Hindi pa rin humuhupa ang tindi ng sakit sa ulo ko.

Tumingin ako sa taong natutulog sa sofa, si Ria pala! "Ria!!! Gising!" Ang sabi ko habang hawak ang ulo. "Ria!"

Nakita kong kumamot sa ulo si Ria at nang imulat nya ang mata niya ay nakita niya ako kaya agad siyang bumangon. "Oh my!! Tatawag lang akong doktor, Mia!" Ang naaalarmang sabi niya sa akin.

Mabilis na tumayo si Ria at tumakbo palabas ng kwarto para tumawag ng doktor.

Muli kong ipinikit ang mata ko kasabay ng pagdaloy ng luha ko. Pinilit kong ikinalma ang sarili ko hanggang sa ako ay tuluyang nakabalik mula sa pagtulog.

NAALIMPUNGATAN ako nang marinig ko ang boses ni Ria, "Bakit ngayon ka lang dumating? Nagising si Mia kanina."

Nakita ko si Ria na nakahalukipkip habang kausap ang lalaking ayaw kong makita, "Bumili lang ako ng mga pagkain at prutas.. Saka inayos ko rin yung bill ni Mia."

"Oh siya, uuwi na muna ako. Hinintay lang talaga kita, teka? Okay ka lang ba talaga?" Ang tanong pa ni Ria kay Hunter.

"Oo naman.. Sige na, ako na lang ang magbabantay kay Mia. Wala namang problema sa akin." Ang saad niya pa.

Muli kong ipinikit ang aking mata. Hanggang sa narinig ko ang tunog ng pintuan na sumara.

Nagulat ako nang may humawak sa kamay ko. Sigurado naman akong si Hunter iyon.

Bakit ba kasi nandito ang lalaking ito?

Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya at narinig ko ang pagbuntong hininga niya, "Pech. Sana okay ka na, sana okay na tayo."

Gusto kong matawa sa sinasabi niyang okay ako, okay ba? Eh siya nga ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon sa hospital. Siya rin ang dahilan kung bakit masakit ang ulo ko ngayon at siya ang dahilan kung bakit nawala ang anak ko.

Kasalanan niyang lahat.

Gumalaw ako ng kaunti para iparamdam na gising na ako. Nang dahan dahan mong iminulat ang mata ko ay nakita ko siyang naalarma na parang hindi alam ang gagawin.

"G—Gising ka na pala, pec—Mia... Uhm, Mayroon palang pagkain dito, ito oh.. Gulay, saka. bumili din ako ng prutas mo. Sige na, ako na bahala ako na ang magpapakain sa'yo."

Hindi ko siya inimik.

"Uhmm, H'wag kang mag alala.. Ang sabi ng doktor na nakausap ko ay okay ka na, okay na rin 'yung mga hospital bills mo, ako na ang nagba—"

Lumunok ako para magkaroon ng pwersang makapagsalita, hindi ko na siya pinatapos pa sa sasabihin niya, "Alam mo, Hunter? Hindi kita kailangan. Umalis ka na lang."

Umiling siya at saka pilit na ngumiti, "Sige.. Kain ka lang muna."

Inilapit niya ang kutsarang may pagkain sa bibig ko.

Kinuha ko ang kutsara at saka iyon ibinalik sa plato na hawak niya.

"Sinabi nang hindi kita kailangan! Pwede ba?!"

Napayuko siya, "G—Gusto lang naman kitang kumain, kasi dalawang araw kang tulog. N—Nag aalala lang ako sa'yo."

Tumawa ako ng pagak habang galit na nakatitig sa kanya, "Nag-aalala?"

Tumingin siya sa akin. Hindi sumasagot.

"Kung nag-aalala ka pala, bakit iniwan mo ako noong mga panahong kailangang-kailangan kita? Bakit noong mga panahong sira ang ulo dahil sa tindi ng mga naging problema ko ay inabuso mo ako?"

Namilog ang mata niya sa gulat, "N—Naaalala mo?"

Mariin kong pinunasan ang luha ko, "Umalis ka na lang."

Naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit. "Hindi ko ginusto na iwanan ka, Mia.. Maniwala ka, sobrang hirap. Sobrang sakit para sa akin. Pero wala akong magawa dahil wala akong lakas."

Pinwersa ko ang aking sarili na itulak siya at nang maitulak ko siya ay buong pwersa ko siyang sinampal.

"Wala kang lakas, Hunter? Nahihibang ka ba sa mga sinasabi mo? Kailangan kita noong mga panahong kailangang kailangan kita, pero ano? Iniwan mo ako para sa ibang babae?"

"Hindi totoo iyan, Pech. Hindi totoo iyan."

Umiling ako, "Pwede bang itigil mo ang pagtawag ng Pech sa akin?"

Tumango siya, "S—Sorry.."

"Ngayon, pwede ka nang umalis. Kaya ko na ang sarili ko." Ang sabi ko sa kanya.

Umiling siya bago nagsalita, "Kahit ngayon lang. Pag naihatid na kita sa bahay mo, mapapanatag na ako. Kahit ngayon lang." Ang mahinang sabi niya.

Hindi na ako umimik. Ayoko na rin naman siyang kausapin dahil puro kasinungalingan lang ang lumalabas sa bibig niya.

Tinotoo nga niya ang sabi niyang hindi siya aalis hangga't hindi pa ako nakakauwi sa condo ko. Hindi na rin ako nakikipagtalo pa sa tuwing tutulungan niya akong pumunta ng banyo, siya rin ang nag aasikaso ng pagkain at ng iinumin ko. Bantay niya rin kung anong oras ako dapat na uminom ng gamot.

Walang imikan, hindi ako nagsasalita at ganoon din siya. Kikilos lang siya kapag alam niyang may kailangan ako.

Nanunuod ako sa t.v at hindi ko alam kung ganoon din siya. Basta ang alam ko lang ay naroon siya sa sofa at pilit na oinagkakasya ang kanyang sarili doon. Gabi na at medyo inaatok na rin ako.

"Patayin mo nalang ang t.v kapag matutulog ka na." Ang sabi ko.

Nang lingunin ko siya ay nakita kong malungkot ang mukha niyang nakatitig sa akin. Saglit na napakunot ang noo ko nang makita kong mabilis na pinunasan ni Hunter ang mukha niya. Ngayon ay sigurado ako na umiiyak siya.

Binalot ko ang kumot sa katawan ko.

Napapaisip tuloy ako. Si Irish siguro ang dahilan kung bakit ipinagpalit ako ni Hunter. Si Irish din siguro ang nanay ni Quinn.

Ngayon ay alam ko na.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon