Ito ang araw kung saan malalaman ko na ang resulta sa isinagawang test na para kay Pech.
Nandito kami ngayon ni Pech sa clinic, at habang naghihintay kay Dok at kumakain naman si Pech ng piattos, konti na nga lang ang laman, eh. Ayaw pang mamigay sa akin.
"Pech, pahingi naman niyang piattos, ako naman bumili niyan eh." Sabi ko pa sa kanya.
Binalingan naman niya ako ng tingin bago niya iniabot sa akin ang piattos, napangiti naman ako. Eh, hindi naman pala talaga madamot.
Pero wait??
Nasaan ang laman?
Napahinga na lamang ako ng malalim at saka itinapon ang basura na ibinigay sa akin ni Pech.
"Mr. Ford, kayo na po ang susunod." Sabi ng Nurse sa akin.
'Yan na naman! Naaalala ko na naman si Xander Ford dahil sa apelyido ko! Nakakainis talaga!
Nasisira ang apelyido ko dahil sa pinipig na iyon! Hehehe, "Okay po."
Ilang saglit pa ay pumasok na kami sa loob at binati ko naman kaagad si Dok.
"Good Morning po."
Ngumiti naman si Dok sa akin. Hehehe, ang galing! Magkamukhang-magkamukha talaga sila ng kaibigan kong si Allan.
"Narito na ang resulta sa isinagawa kong test para kay Mia Del Valle." Sabi ni Dok, nawala naman ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang tunay na pangalan ni Pech.
Napakamot ako sa ulo ko bago magsalita, "Ah, Dok... Hindi po Mia ha? Pech po ang tawag ko sa kanya." Paalala ko kay Dok Gab. Baka naman kasi nakalimutan na niya ang sinabi ko sa kanya noong nakaraang araw.
Pinaupo ko si Pech sa tabi ko na busy sa paglalaro sa cellphone ko. Pinahiram ko kasi sa kanya ang phone ko para hindi na magkulit.
"Eh, Dok.. Ano na po ba ang resulta?" Hindi na kasi ako makapag-hintay na malaman kung ano ba ang kalagayan ni Pechay.
"Mayroong traumatic disorder si Pech, mayroon din siyang amnesia at iyon ay tinatawag na selective amnesia: kung saan, pili lamang ang mga naaalala niya and the rest, wala na.. Nakalimutan na niya."
Napahinga naman ako ng malalim sa narinig ko, "Ano po ang dapat kong gawin kay Pech?"
"Ire-refer ko siya sa kakilala kong psychiatrist, sa ngayon ay kailangan ni Pech na pumunta sa counseling at mayroon din akong ibibigay na gamot sa kanya."
Napakamot naman ako sa ulo ko, "Libre po ba 'yung gamot?"
Tumango naman siya, "Wala ka nang po-problemahin. Ako nang bahala, sa ngayon ay kailangan mo munang alagaan si Pech at naniniwala naman ako na gagaling din si Pech."
"Sana nga po."
Nang matapos kami ay dinala ko si Pech sa KFC. May extra pa kasi akong pera. Lagi na lang kasing lutong ulam o kaya naman ay itog, sardinas o di kaya naman ay pechay lang ang ulam namin na sinasawsaw sa patis.
Syempre, nilagyan ko si Pech ng facemask at kabilin-bilinan ko sa kanya na huwag na huwag niyang tatanggalin iyon dahil magagalit ako sa kanya.
Habang kumakain kami sa KFC ay panay ang daldal ko sa kanya. Tinanong ko pa nga siya kung gusto niya ng fries pero hindi sumagot kaya naman bumili na lang ako na para sa kanya.
Nang makabalik ako at iniabot ko sa kanya ang fries, akma na niyang isusubo ang isang fries nang bigla siyang mabuwal.
Naalarma tuloy ako kaya kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko.
Feeling alarmed.
Nakaka-alarma naman kasi, bakit naman kaya mabubuwal si Pech sa ganitong pagkakataon? Eh malinis naman 'yung lugar, at saka ang sarap ng pagkain.
"Dadalhin kita sa CR, Pech."
Pinagtitinginan kami ng nga tao nang makapasok kami sa CR ng mga girls. Hehehe! Pero okay lang 'yan, wala naman kasi kaming gagawin ni Pech dito, unless kung may gusto siyang gawin sa akin.
Panay ang suka ni Pech kaya naman kinakabahan na ako. Baka kasi kung ano na ang nangyayari sa kanya.
Kaya naman habang sumusuka si Pech ay muli kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Peter na kaibigan ko.
"Oh, pre?! Bakit ka napatawag?! Pucha naman oh! Busy ako!"
Kung kasama ko lang si Peter ngayon, malamang ay sinuntok ko na sa ilong ang ang lokong iyon.
"May itatanong lang kasi ako 'tol."
"Spill it."
Hehehe! Sabi na nga ba at makikinig din sa akin si Peter, "Uhm, kasi may kakilala akong babae na sumusuka. Ano gagawin ko?"
"Baka naman may sakit? Ipa-check up mo kaya?"
Napakamot naman ako sa ulo ko, galing nga kami sa clinic kanina at wala namang nakitang iba ang doktor maliban sa traumatic disorder at selective amnesia.
"Hindi, iba 'to pre.. Pansin ko kasi nang bigyan ko siya ng fries bigla siyang nabuwal."
"What the fuck?!"
"Ha?"
"Gago! Kapag ganyan ang babae! Isa lang ang pwedeng mangyari! Buntis iyan!"
What the Pech?!
Buntis si Pech?!
"Teka, pre?! Sino ba 'yang babae? Girlfriend mo ba?! Akala ko ba wala kang GF?!——" Hindi ko na pinatapos pa si Peter na magsalita dahil sa tuwa.
Kaya naman agad akong nag-facebook at nag-status.
Feeling positive.
Kasi buntis si Pech, at sobrang saya ko. Hehehe! Ang astig!
Napabaling ako kay Pech na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa kanya at dahil wala ang facemask niya ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
"Oh my god?! Si Mia! Ang anak ni Senator!"
Agad na namilog ang mata ko sa narinig. Napalingon ako sa mga taong nasa likod lang namin.
"Sabihin natin ito sa mga pulis!"
Agad kong hinila si Pech palayo sa lugar na iyon. Pero bago pa kami makalabas ay humarang na ang mga guards ng KFC sa amin ni Pech.
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria