Kabanata 26

6K 260 116
                                    

Matapos kong tumawag sa pulis ay saka ako naghanap ng matataguan. Gusto ko sanang pumuslit palabas ng unit ko, kaya lang ay baka makita ako ng magnanakaw.

Bakit ba naman kasi sa dinarami-rami ng mananakawan ay ako pa!

Kung minamalas ka nga naman.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay sobrang kinakabahan na ako. Para bang dumadagundong ang puso ko sa kaba lalo na nang makita ko ang isang lalaki na palabas sa kwarto ko bitbit ang isang bag..

Doon niya siguro pinasok lahat ng mga ninakaw niya.

Pumikit ako at saka huminga ng malalim. Ilang saglit pa ay nakarinig na ako ng ingay.

"Itaas mo ang mga kamay mo!"

Oh my god! May pulis na nga!

Nakita ko kung paano posasan ng pulis ang magnanakaw. "Sumama ka sa amin sa presinto."

"Sir! Teka! Teka! Hindi po..."

"May karapatan kang manahimik. Anumang sasabihin mo ay maaaring gamitin laban sa'yo. Kung wala kang abugado, may abugado ang pamahalaan na aasiste sa'yo. " Sabi ng arresting officer sa lalaking magnanakaw.

"Hindi po! Sir! Hindi po ako magnanakaw!"

Lumabas na ako mula sa pinagtataguan ko. Nakita ko ang apat na pulis na unipormado. Kausap nila ang magnanakaw.

"Uhmm... Sir, ako po 'yung may ari ng unit." Sabi ko sa kanila, lumingon naman sa akin ang dalawang pulis.

"Ikaw pala ang may-ari——PECH?!" gulat na sabi sa akin ng dalawang pulis na kaharap ko.

Pech??

Bakit Pech? Hindi naman Pech ang pangalan ko... Pero ewan ko ba kung bakit pamilyar sa akin ang salitang iyo. Siguro ay napanaginipan ko lang iyon dati.

"Pech?! Ikaw nga!" Sabi ng isa pang lalaki sa akin.

Lumapit ang dalawang pulis sa akin at saka ako mahigpit na niyakap. "After all this time! Nandito ka na! Alam mo ba ang nangyari kay hun—" Sabi ng lalaki na hindi naman pamilyar sa akin.

Nakita ko ang pagsiko ng isa pang lalaki sa kanya, may binulong ang lalaking iyon sa kasama niya.

"Ah... Hehehehe! Ikaw pala iyan.. 'Yung anak ni Senator Del Valle. Kinalulugod po namin na marespondehan ang unit niyo." Sabi sa akin ng lalaki, tinignan ko ang uniform niya at nabasa ko ang pangalan niya.

Macapagal.

Nguniti naman ako sa kanila, "Salamat po sa inyo. Sasama pa po ba ako sa presinto?" Tanong ko sa kanila.

Nakita ko pa ang uniform ng kasama ni Macapagal, nabasa ko ang nakasulat sa suot nila, Mercado.

"Kailangan mong sumama para makapag-file ka ng kaso sa suspek." Sabi pa nung Mercado sa akin.

"Allan, Peter! Paki-assist na lang si Miss Del Valle." Sabi ng isang pulis na ngayon ay palabas na ng unit.

Allan at Peter pala ang pangalan nila.

"Sir yes sir!" Sabay na sabi ni Allan at Peter.

Nang kami na lang tatlo ang nasa unit ay saka muling nagsalita si Allan, "Tara na po sa presinto, Ma'am.."

Habang pasakay kami sa mobil ng pulis ay panay ang bulungan ng dalawang pulis, "Sabihin mo na kasi..." Bulong ni Peter kay Allan pero narinig ko pa rin naman.

"Tumigil ka nga diyan, Peter, baka marinig ka ni Mia.." Bulong din ni Allan.

Gusto kong matawa aa ginagawa nilang pagbubulungan pero hindi ko magawa. Baka kasi bigla akong ikulong ng mga ito dahil sa sala ng pagiging tsismosa.

Hindi ko aakalaing pulis pala ang dalawang pulis na kasama ko dito sa police mobil. Mukha kasi silang mga artista sa ibang bansa.

Hanggang sa makarating sa istasyong ng pulis ay in-assist pa rin ako ng dalawa. Kinuhanan ako ng statement at itinuloy ko na rin ang pagsampa ng kaso sa lalaking magnanakaw.

Sa tingin ko ay nasa isang oras akong nasa istasyon ng pulis. Gabi na at kanina ko po gustong ihiga ang katawan ko sa kama at ipikit para makatulog na ako.

Nang matapos sa pag file ng kaso ay nagpaalam na ako kina Allan at Peter, "Maraming salamat sa inyo.. Mauuna na ako, maaga pa kasi ang trabaho ko bukas." Sabi ko sa kanila.

Tumango naman silang dalawa at saka tumayo sa kinauupuan, "Hatid ka na namin sa labas, off-duty na naman kami ni Allan." Sabi naman ni Peter.

Ewan ko ba kung bakit napaka-bait sa akin ng dalawang ito. Kahit na ngayon lang naman kami nagkakilala.

Naglalakad kami palabas ng istasyon nang tumigil sina Allan at Peter.

"Sir!"

Napatigil din ako sa paglalakad nang makita ko kung sino ang kaharap ko. Naka-suot siya ng uniform ng pulis at sa tingin ko ay mataas ang ranggo niya dahil sinasaluduhan siya ng lahat ng pulis na nadadaanan niya.

"Tapos na ang off niyo?" Tanong ng lalaking iyon kila Allan at Peter.

Mukhang hindi ako napansin ng lalaki dahil busy siya sa pakikipag-usap kay Allan at Peter, naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Tungkol iyon sa trabaho.

Pero teka?

Bakit pa ako nandito?

Kailangan ko ng umalis. Kanina pa pala ako inaantok kaya kailangan ko nang bumawi sa tulog.

Bago ako tuluyang lumabas sa istasyon ay lumapit ako sa tatlong nag-uusap.

"Uhm... Excuse me po." Magalang na sabi ko sa tatlo.

Ibinaling ko ang aking tingin kay Allan at Peter, "Mauuna na ako sa inyo na umuwi.. Salamat po pala." Ani ko pa sa kanila.

Tumungo ako hanggang sa magtago ang mata namin ng lalaki. Napansin ko pa ang pagkagulat niya nang makita niya ako, tumango ako sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Mauuna na po akong umuwi." Sabi ko pa sa kanya.

"Hunt.. Di namin ine-expect na siya pala..." Hindi ko na inintindi pa ang pinag-uusapan ng tatlo dahil naglakad na ako palabas ng istasyon.

Nakaka-antok na talaga. Kailangan ko na ring magpahinga para bukas.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon