Kabanata 30

6.2K 283 95
                                    

Ewan ko ba kung anong kapangyarihan mayroon si Hunter, kung bakit niya ako napapayag na matulog sa bahay niya at sa mismong kwarto pa niya.

Wala naman akong nagawa, kahit na kasi gusto ko ng umuwi. Hindi ko naman maisip kung paano ako makakauwi sa condo ko, oo nga at medyo pamilyar ako sa lugar at sa siyudad kung nasaan ako, pero sa oras na ito. Delikado na ang umuwi ng nag-iisa, lalo na at uso pa naman ang mga kawatan.

Kasalukuyan akong nakahiga sa malambot na kama habang nakatagilid patalikod kay Hunter. Gusto kong gumalaw dahil namumulikat na ako sa pwesto ko pero tiniis ko na lang ang lahat. Natatakot kasi ako na biglang magising si Hunter.

Mabuti na lang at rest day ko bukas sa trabaho. Ang problema ko lang talaga bukas ay kung paano ko masisingil si Hunter sa abala na idinulot niya sa akin.

"Hmmm.."

Halos mamilog ang mata ko sa gulat nang naramdaman ko ang pagpatong ng kamay at pati na rin ng hita ni Hunter sa akin.

Sa puntong ito ay yakap-yakap na niya ako! at gusto ko sanang magmura dahil may nararamdaman akong matigas na bagay na bumubundol sa may bandang tiyan ko.

Hindi ko na matiis pa kaya unti-unti akong humarap sa kanya para ayusin ang pwesto naming dalawa.

Ang bango niya, wala akong maamoy na kahit na anong amoy ng alak sa kanya.

Anong brand kaya ang ininom niya kanina?

Inaantok na rin ako, sa kakaisip ko ng mga bagay-bagay ay hindi ko na rin namalayan na maga-alas dos na pala ng madaling araw.

Madali na rin akong nakatulog dahil sa pagod ko.

NAALIMPUNGATAN ako ng may tumamang sikat ng araw sa pisngi ko. Galing iyon sa nakabukas na bintana at ang sikat ng araw ay direktang tumatama sa pwesto ko.

Nilingon ko si Hunter sa tabi ko pero wala na siya kaya agad akong bumangon para makatayo.

Mabuti na lang at sa banyo ay mayroong mouthwash at saka ako nagmumog at saka naghilamos para magmukhang presko naman ang aking mukha.

Nang makalabas ako ng kwarto ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng second floor.

Marami akong nakikita na paintings na nakasabit sa dingding. Mayroon din naman akong nakikita na apat na pintuan.

Napahinga ako ng malalim nang may marinig ako, "Yes, love. Ready to work. I am just.... yeah.. yeah.... Yup! I love you so much, okay?"

Boses iyon ni Hunter kaya agad na rin akong bumaba at nakita ko siya na nakatayo sa harap ng isang magandang salamin habang inaayos ang kanyang pang unipormeng pang pulis.

"Gising ka na pala.."

Tumango ako at saka naman nahihiyang muling tumingin sa kanya. "Pasensya ka na.. Kung, dito pa ako natulog sa kwarto mo. N—Nakakahiya... Hindi ko alam na may asawa ka pala talaga... A—Akala ko kasi ay kwento-kwento lang." Nahihiya kong sabi sa kanya.

Dahan-dahan siyang tumango at diretso ang mga nata na nakatingin sa akin, "Kumain ka muna.. Sayang ang inihanda kong almusal kung hindi ka kakain."

"Pero.... Baka kasi.. Dumating na 'yung asawa mo."

Umiling siya at naglakad palapit sa akin, "Nothing to worry about. Hindi alam ng misis ko na may bahay ako dito."

Mariin akong napapikit at muling napahinga ng malalim dahil sa sinabi niya, tama nga kaya ang iniisip ko? na dito niya dinadala sa bahay na ito ang mga babae niya?

Mukha kasi siyang babaero.

Ngumiti naman siya ng nakakaloko, "Sige na.. Sabay na tayong kumain." Natatawang sabi niya.

Ang gwapo niya sa ngiti niyang iyon. Simula ng makita ko siya noong una pa ay ngayon ko lamang siya nakita na ngumiti ng katulad ngayon.

Wala na akong nagawa kundi ang kumain na kasabay si Hunter. Hindi ko akalain na may talent naman pala sa pagluluto ang lalaking kasabay kong kumain ngayon.

"Siya nga pala... Kung hindi mo po mamasamain ang itatanong ko sa iyo. Bakit po hindi alam ng asawa niyo na may bahay ka dito?"

Tumikhim siya at seryosong tumingin sa akin, "Wala akong asawa, girlfriend meron. Misis lang ang tawag ko sa kanya."

Napatango-tango ako, gusto ko pang magtanong ulit kaya kinuha ko na ang pagkakataon kong ito. "Pero... Noong una po kasi kitang nakita sa police station.. May kasama kang batang babae, anak mo po ba iyon?" Curious kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya at saka tumango, "Anak ko siya sa una kong girlfriend na iniwan at kinalimutan na ako."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Para bang may bumabarang kung ano sa lalamunan ko para hindi ako makapagsalita.

Napatahimik ako at ganoon din si Hunter.

"Pasensya na po, Sir... Sa naitanong ko." Pagpapaumanhin ko sa kanya.

"Wala namang problema. Ang mahalaga ngayon ay kasama ko ang anak ko at hindi niya ako iniwan tulad ng Nanay niya." Sabi niya at saka muling nagsalita, "Sige na.. kain pa ng marami diyan.."

Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatitig sa napakagwapo niyang mukha. Napakaswerte sana ng babaeng una niyang minahal pero kinalimutan lang pala siya.

Ano kaya ang dahilan kung bakit siya kinalimutan at iniwan?

Kung itatanong ko pa kasi sa kanya iyon ay masyado na naman iyong pribado.

"Anyway, Huwag mo akong tawagin na "Sir" at Huwag kang gumamit ng "po" sa akin."

Tumango ako, "Okay.." Sabi ko at bahagyang napangiti.

"Ayan ganyan nga.." Aniya.

"Kinakabahan kasi ako sa'yo. Para ka ring galit. Hindi ko alam kung sa paanong paraan kita makakusap." Sabi ko pa.

Natatawa siya habang kinamot naman ng isa niyang kamay ang makapal ng niyang kilay, "Ganon lang talaga ako sa maganda." Natatawang sabi niya.

"Naku! Eh, may girlfriend ka na, eh!" Sabi ko habang pilit pinipiligalan ang pagngiti ko.

"Bakit?" Tumaas ang kilay niya, "Masama bang magka-crush sa tulad mo? Crush lang naman eh?"

Tumawa na ako, "Mahirap na. Huwag kang ganyan, dahil may girlfriend ka."

"Okay po." Sagot niya at saka kinuha ang cellphone niya na nakapatong sa mesa, "Pwede ba kitang i-add sa FB?"

"Sure.. Mia Del Valle ang pangalan ko." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya at saka nag-type sa cellphone niya, "Nice to meet you pala.. Ako naman si Hunter Ford, iyon din ang pangalan ko sa facebook. Pa-accept na lang."

Hinugot ko ang cellphone mula sa bulsa ko at saka nag open ng facebook, Tinignan ko ang listahan ng mga nag friend request sa akin at agad ko namang nahanap ang account ni Hunter.

Napakunot ang noo ko sa nakita ko, "Bakit picture ng pechay ang nasa profile picture mo?"

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon