"KINALIMUTAN na nga ako ng ex boyfriend ko eh. Wala na akong pakialam sa kanya! Gago siya dahil iniwanan niya ako!" Ani Ria, kaibigan ko at katrabaho ko."Hayaan mo na si Ohm, Ria. Malaki na siya at sigurado naman na tayo na alam niya ang ginagawa niya. Hindi siya ang nararapat sa'yo." Sabi ko pa sa kanya.
Nandito kaming dalawa sa isang fine dining restaurant sa Makati. Kakatapos lang ng duty namin sa trabaho.
"Oh siya... Makisabay ka na muna sa akin pauwi... Bakit mo ba kasi binenta yung sasakyan mo?" Tanong pa sa akin ni Ria.
Noong isang linggo nang maibenta ko sa isang may-ari ng malaking tindahan ang sasakyan kong Ford Ecosport ko. Nag-iisang sasakyan ko pa iyon na regalo pa sa akin ni Daddy noong nakaraang taon.
Napilitan lang ako na ipagbili ang sasakyan ko dahil lumubog na kami sa maraming utang. Si Daddy, matapos ang naging termino niya sa pagiging Senator ay mabilis siyang naipakulong ng mga kanyang nakatunggali sa politika.
Napatunayan din sa Korte na nagkasala si Daddy sa kasong pagnanakaw ng pera ng bayan, kaya nitong nakaraang buwan lang, lahat ng ariarian namin, lahat ng bahay at lupa na sa amin nakapangalan ay hindi na namin pagmamay-ari.
Kaya ngayon, kailangang-kailangan ko ng pera pambayad para sa condo unit ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin tapos na mabayaran. Sinisingil na kasi ako kaya naman napilitan kong ibenta ang sasakyan ko.
'Yung sinasahod ko naman sa kompanya bilang Operation Manager ay hindi sapat dahil ang halos lahat ng iyon ay napupunta para sa pang-araw-araw ni Daddy sa kulungan, may iniinda na rin siyang sakit kaya naman tuloy lang ako sa pagpapagamot sa kanya.
Si Vince, ang naging ex boyfriend ko, Matapos maalis sa pwesto bilang senador si Daddy at matapos makulong ni Daddy at kunin ng gobyerno ang mga ariarian namin ay hiniwalayan na rin niya ako. Naka-move on na naman ako sa kanya. Para sa akin kasi, ang taong nang-iwan ay wala nang pagkakataon pang bumalik pa sa akin. Hindi ko rin dapat sila habulin dahil wala naman na akong pakialam sa nga taong nang-iiwan.
"Eh alam mo naman na marami akong binabayaran, Ria. Pati yung Private Attorney ni Daddy ay kailangan ko ring bayaran sa susunod na linggo. Sunod-sunod ang gastos ko."
"Hindi ko alam kung anong kamalasan ang dumadating sa'yo at kung bakit napakarami mong problema ngayon. Alam mo, Mia... Marami ka nang naranasan na mga pagsubok, iyong una nga ay nawalan ka ng alaala, tapos ang natatandaan mo lang 'yung lalaking nang-iwan sa inyo na magiging anak niyo sana? Gusto mo bang hanapin natin iyon?" Aniya pa na mabilis ko namang pinigilan.
"Ayoko.. Ni-hindi ko nga alam kung anong pangalan ng lalaking iyon. Medyo nakakalimutan ko na rin ang hitsura niya, sa totoo lang nakakalimutan ko na siya kung hindi mo lang pinaalala ngayon." Sabi ko pa sa kanya.
Apat na taon na ang nakalipas nang umayos na ang kalagayan ko. Bumalik na sa normal ang lahat, bumalik na rin ang alaala ko pero kapag pilit kong inaalala ang mga panahong kasama ko ang lalaking iyon ay hindi ko na matandaan pa ang iba pang detalye.
Sa pagkakatanda ko lang, paggising ko simula nang iwan ako ng lalaking iyon ay nawala na pati ang magiging anak namin. Ang sabi ni Daddy, mahina daw ang kapit ng bata kaya hindi iyon nag survive.
Hanggang ngayon, pinagluluksaan ko pa rin ang pagkawala ng anak ko. Hindi ko matanggap na nawala ang baby ko sa akin.
Wala na rin akong pakialam sa kung anong buhay mayroon siya ngayon.
Para sa akin, ang pangyayari kung saan nakasama ko siya ay nangyari lang sa panaginip ko, panaginip na dapat ay ipagsawalang bahala na lang.
"Teka, Mia... Bibili lang ako ng gulay, favorite kasi ni Mommy ko ang gulay. Wait!" Sabi pa ni Ria nang maka-daan kami sa harapan ng isang tindahan ng gulay."
Ipinikit ko ang aking mata kasabay ng paghinga ko nang malalim at saka ko muling iminulat para tumingin sa lugar kung nasaan si Ria.
Pabalik na siya dito sa sasakyan niya at nang makapasok siya ay nakita ko ang mga ipinamili niya.
"Bumili ako ng Patatas, Sibuyas, Kamatis, Kalamansi at Pechay.." Sabi ni Ria sa akin.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang salitang ayaw ko namang marinig.
Nagsimula na sa pagmamaneho si Ria hanggang sa maihatid na ako ni Ria sa condo ko. Nagpaalam na rin ako sa kanya at nagpasalamat.
"Kita na lang tayo sa trabaho bukas, Mia!" Ani Ria nang makababa ako ng sasakyan.
"Thanks, Ria.."
Umihip ako ng hangin habang naglalakad papasok ng building.
Hanggang sa makapasok ako sa loob ng aking unit. Nag-iisa, at walang kasama. Bukas, haharapin ko na naman ang panibagong araw at pagsubok sa buhay ko.
Tutungo sana ako sa banyo nang may marinig akong kaluskos.
Mukhang hindi lang ako ang nandito sa condo! Nang silipin ko kasi ang kwarto ko ay nakita kong gulo-gulo ang gamit ko.
"Oh my god....." Napasandal ako sa dingding at saka dahan-dahang naglakad patungo sa likod ng sofa.
Kailangan kong magtago.
Kailangan kong tumawag ng pulis!
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria