Kabanata 13

6.4K 223 22
                                    

Madaling araw nang magising ako para ipaghanda ng almusal si Pech. Maaga akong nagising ngayon dahil mayamaya lang papasok na rin ako sa school ko.

Feeling rich!

Status of the day ko 'yan ngayon. Hehehe! Woah! Kasi naman feeling ko talaga mayaman ako dahil sa ganda ng condo na tinutuluyan ko ngayon.

Ang astig nga eh, ngayon lang ako nakapag-overnight sa ganitong klase ng lugar! Pasalanat talaga ako at mayroon akong mababait na kaibigan.

Habang naghahanda ako ng almusal namin ni Pech ay bumabalik sa isipan ko ang mga nangyari.

Hindi ko rin maiwasan na kabahan lalo na at wala naman talaga akong kalaban-laban sa oras na matunton ni Senator Del Valle kung nasaan si Pech.

Ilang beses ko na itong sinabi pero ayoko talagang mapalayo kay Pech. Siguro nga baliw na ako, pero ito kasi ang gusto ko.. At mas lalo lang akong mababaliw kung mawawala si Pech sa piling ko.

Feeling cheesy.

Hindi ko na iyan inistatus dahil nagp-pm sa akin si Peter ngayon-ngayon lang. Naiinis siya dahil ako na lang daw ang laman ng newsfeed niya.

Naramdaman ko ang presensya ni Pech sa likuran ko kaya naman agad akong humarap at ngumiti sa kanya.

"Good morning, my Pech."

Hehehe! Ang sweet ko ba? Eh kasi naman good naman talaga ang morning ko ah?

Speaking of good... Oo nga pala, "Papasok na ako, Pech.. Maliligo lang ako tapos papasok na.. Be good ha?"

As usual, hindi na naman siya sumagot.

"Tapos mamaya na rin ako magpapaalam sa bossing ko.. May ipon naman ako dito at pagkakasyahin ko na lang muna para sa ating dalawa. Mas maganda kasi kung mas mababantayan pa kita." Sabi ko pa sa kanya.

Tahimik ko na siyang pinagmamasdan habang kumakain ng masarap na hotdog at itlog.

Ang sarap niyang panuorin, para lang akong nanunuod ng isang magandang pelikula.

Napakunot ang noo ni Pech na tumingin sa akin na tila ba nagtatanong kung bakit ko siya tinititigan.

Pagak akong ngumiti, "Sige lang... Kumain ka lang, mahal. Pinagmamasdan lang kita, mas nabubusog kasi ako sa tuwing nakikita kita."

Ang sarap sa feeling ng ganito. Sana ay hindi na matapos.

Pagkatapos niyang kumain ay saglit ko siyang sinamahan sa living room para manuod ng palabas sa television. Ilang saglit pa ay nagtungo na ako sa banyo upang maligo at pagkatapos ay nagbihis na ng school uniform ko.

Kinuha ko ang bag ko at isinukbit sa aking balikat, "Pech.." Tawag ko sa kanya.

Tumingin naman siya sa akin.

Idinikit ko ang nakakaadik na labi ko sa noo niya, "Kapag may kumatok sa pinto.. Huwag na huwag mong pagbubuksan. Kasi kapag umuwi akk ay hindi ako kakatok dahil mayroon akong sariling susi." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Wala kang ibang papapasukin, at huwag na huwag kang lalabas, okay?"

Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi niya. Ngumingiti siya!

Lumuhod ako upang mapantayan ko ang tiyan niya, marahan kong pinaghahalikan iyon.

"Baby.... Papasok lang sa school si Papa, okay? Relax ka lang diyan... Babalik si Papa.. I love you."

Ang sarap talaga sa feeling ng ganito. Iisipin ko pa nga lang na magkakaroon na ako ng pamilya ay para bang sasabog na ang puso ko sa labis na saya.

Hinawakan ko ang pisngi ni Pech, bago ko tuluyang inilapit ang mukha ko at idinikit ang labi ko sa malambot na labi niya.

"I love you.."

Nang makarating ako sa school ay hindi mawala ang ngiti sa labi ko kaya ang dalawang kaibigan ko ay nagtataka na sa akin.

"May ginawa ka kay Pech no? Kaya ka siguro nakangiti na parang bangag diyan.." Ani Allan sa akin.

Umiling ako, "Masaya lang ako, kasi sa wakas.. Nahanap ko na rin 'yung babaeng mamahalin ko at babaeng makakasama ko aa paggawa ng magandang pamilya."

"Kingina, si Hunter na good boy! Nakahanap na din ng chicka babes!" Natatawang sabi nila sabay akbay sa akin.

"Maraming salamat sa tulong niyo ah? Kung hindi dahil sa inyo, baka wala na sa akin si Pech.."

"Magkakaibigan tayo, ang magkakaibigan ay nagtutulungan. Hindi ka namin iiwan sa ere, 'tol." Anilang dalawa.

"Basta sa outing natin! Malapit na! Excited na ako! Kasama namin ang mga girlfriends namin.." Ani Peter.

Tumango ako, "Isasama ko rin si Pech.."

"Isama mo talaga, hindi pwedeng hindi dahil maiinggit ka lang sa amin ni Peter dahil mauroon kaming kayakap na babae tapos ikaw ay wala!" Natatawang sabi ni Allan.

"Basta ninong kami sa baby mo ah?" Ani Peter sa akin.

Agad akong tumango, "Oo pre.. Naka-reserve na kayo."

Naging normal naman ang buhay ko sa eskwelahan. Natapos ko nga ang isa naming quiz na perfect ako, feeling ko tuloy matalino ako.

Kaya naman hinugot ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at pinicturan ang result ng quiz ko at saka in-upload sa facebook.

Nag-check ako sa newsfeed ko at madalas kong nakikita ang litrato ng mga kakakilala ko na kasama nila sa picture ang girlfriend nila.

Ako kaya? Kailan ko kaya maia-upload sa facebook ang picture ko with Pech? Gusto ko kasi sanang ipaalam sa lahat ng tao sa mundo na akin lang si Pech..

Pero mukhang malabo, maraming hadlang.

Sa hirap ng buhay ko, sa oras na malaman ni Senator Del Valle na ang may hawak pala kay Pech ay isang mahirap pero pogi naman na lalaki, pihadong iisipin ni Senator na walang magiging magandang kinabuksan ang anak niya sa piling ko.

Kaya ngayon palang, sisimulan ko na ang pagbabago.

Kaya naman muli kong binuksan ang facebook ko at saka nag-status muli. Bahala nang makulitan sa akin ang mga kaibigan ko dahil sa status ko.

Pero habang palabas ako ng school at hawak ang cellphone ko para mag-status ay pansin kong tila may sumusunod sa akin.

Kinukutuban ako..

Mukhang may hindi magandang mangyayari.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon