Kabanata 7

8.1K 269 39
                                    

Wala naman kaming klase ngayong araw dahil nga mayroong darating na bisita.

Si Senator Del Valle ang magiging guest speaker ng school program namin.

Wala naman akong gagawin sa program na iyon dahil feeling ko naman ay hindi kailangang um-attend ang tulad kong pogi kaya naman nagpasya na lang ako na umuwi na muna ng bahay.

Mamaya pa naman ang pasok ko sa trabaho ko kaya mas better siguro kung samahan ko muna si Pech na maglaro ng barbie sa bahay.

Speaking of barbie... What the heck?! Bakit ba panay ang pasok ng barbie na iyon sa utak ko?!

Nang makarating ako sa bahay ay pawis na pawis ako. Sobrang hot ko sigurong tignan, kaya nga kanina habang naglalakad ako sa may tabi ng estero ay panay ang tingin sa akin ng mga babes sa labas. Sure ako na napopogian sila sa akin.

Nakita ko naman si Pech na natutulog sa sofa.

Wala ako sa sariling napangiti. Syet! Hindi talaga ako makapaniwalang hindi na ako virgin!

And speaking of virgin.... Si Pech pala ay hindi na rin virgin dahil ako ang naka-una sa kanya. Kaya nga feeling ko ang bangis-bangis ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka ko naman siya kinuhanan ng litrato habang natutulog siya ng mahimbing.

Hinintay kong magising si Pech, kaya naman nanuod na muna ako ng power puff girls na palabas sa t.v. favorite ko nga rin pala ang PPF, pero hindi ako bakla ah?

Habang nanunuod ako ay napansin kong gumalaw si Pech mula sa kinahihigaan niya. Gising na pala siya.

"Uhm, Pech... Mamaya, sure tayo sa special clinic, pero bago iyon. Bibilhan na muna kita ng mask para hindi ka makilala ng mga tao." Sabi ko sa kanya.

Tulad nga ng inaasahan ay hindi na naman sumagot si Pech.

Napahinga ako ng malalim bago ako muling nagsalita, "Mia." Tawag ko sa kanya.

Mia ang tunay na pangalan ni Pech, Mia Del Valle. Ang gandang pangalan, pero mas nagagandahan naman ako na Pechay o Pech na lang ang pangalan niya.

Tumingin naman sa akin si Pech pero wala pa rin naman siyang reaksyon nang banggitin ko ang tunay na pangalan niya.

Pagsapit ng hapon ay nagpaalam na ako kay Pech para naman pumasok ako sa trabaho ko.

Feeling hardworking.

Habang nasa biyahe ako patungo sa trabaho ko ay nag-status naman ako sa facebook ko ng feeling hardworking. Nakaka-proud lang kasi dahil ang hardworking ako.

Wala pa ngang isang minuto ang status ko ay nag-comment na kaagad ang kaibigan kong si Peter.

Peter Macapagal

Ang sipag naman ng tropa natin Allan Pangilinan! Kunin ka na sana ni Lord!

Napa-iling na lamang ako dahil sa kalokohan ng lokong kaibigan ko. Nag-angry reaction ako sa comment niya.

Nang makarating ako sa McDo ay nilapitan naman kaagad ako ni Macey. Ang ka-trabaho ko, at hindi naman sa pagmamayabang ay feeling ko nga... Crush ako ni Macey dahil ang lagkit niyang makatitig sa akin.

Feeling pogi.

Balak ko sanang mag-post ng feeling pogi sa facebook ko. Kaya lang, baka maraming hindi sumang-ayon sa akin dahil hindi naman talaga ako feeling pogi. Dahil ako ay tunay na pogi!

Nung isang araw kasi, nabalitaan ko sa facebook na nag transform na pala si Marlou into Xander Ford!

Kung minamalas ka nga naman! Sa dinarami-rami ng apelyidong pwede niyang gayahin ay 'yung poging apelyido ko pa!

Kapag nakita at nakaharap ko talaga ang Xander na iyon ay babasagin ko ang mukha non!

Pero, ang astig ah! Pumuti siya, kuminis at talaga nga namang tumangos ang ilong.

"Hindi ka naman yata nakikinig sa akin." Si Macey pala. Kinakausap ako.

Ngumiti naman ako, "Ah... Ano nga ba ulit ang sinasabi mo?"

"Kasi.... Sinabi sa akin ng kaibigan mong si Allan at Peter na crush mo raw ako?"

Huh?

Hindi ko alam kung tunay ko nga bang kaibigan sina Allan at Peter! Humanda ang dalawang ulupong na iyon kapag nagkita kami!

Nai-kwento ko lang naman sa kanila na maganda si Macey at wala naman akong sinabi na gusto ko siya!

Dahil si Pech nga ang gusto ko!

"Gusto mo ba ako?" Tanong pa niya na ikinangiwi ko pa.

Aaminin ko, dati.. Talagang nagagandahan ako sa kanya. Kaya lang, ngayong nakilala ko si Pech at nang dumating siya sa buhay ko ay sa kanya na lang naka-sentro ang buhay ko.

Feeling good boy, 'di ba?

Napakamot naman ako sa ulo ko bago ako sumagot sa tanong niya, "Macey.. Mabait ka. Iyon lang 'yun."

Napansin ko ang paglungkot ni Macey kaya nag-feeling sad na rin ako. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa at saka nag-status, "Okay na, Macey.. Pa-like ng status ko, ah?"

Bago pa siya makasagot ay nagtungo na ako sa dining area para simulan ang trabaho ko.

Tulad nga kasi ng status ko kanina sa facebook ay feeling hardworking ako kaya paninindigan ko iyon para kay Pech.

Habang nagluluto ng fries ay nagke-kwentuhan kami ni Mark na katrabaho ko. Wala kasi si Manager kaya nakakapagdaldal ako. Hehehe!

"Alam mo, pre.. Ang laki ng problema ko ngayo." Sabi ni Mark sa akin. Hehehe! Hindi ako ang nagsabi non dahio feeling ko, maliit labg naman ang problema ko.

"Ano 'yon, pre?"

"Nabuntis ko kasi 'yung girlfriend ko, pre. Hindi ako nakagamit ng condom nung nag-ano kami." Sabi niya sa akin.

Napatango naman ako, pero nang magsasalita na sana ako ay bigla naman akong may naalala.

Patay!

Hindi naman ako gumamit ng kapote nung nag-ano kami ni Pech!

"Ganoon ba iyon, pre? Kapag di gumamit ng condom, mabuntis ang babae?" Tanong ko pa sa kanya. Sinisigurado ko lang naman ang naiisip ko.

Tumango si Mark, "Oo pre.. Malaki ang tsansa na mabuntis ang babae.. Teka? Hindi mo alam?"

"Alam ko naman, tol. Sinisigurado ko lang." Sabi ko pa sa kanya.

"Akala ko hindi mo alam eh, sa mukha mong iyan. Mukhang marami ka na ngang babae na napaligaya."

Marami ba 'yung isa? Eh si Pech nga lang ang napaligaya ko. Hehehe!

Pero... Lagot ako nito! Malaki ang chance na mabuntis si Pech! Paano na lang kapag nahanap na siya ni Senator Del Valle?

Kailangan ay makagawa ako ng paraan para maiwasan si Senator Del Valle! Mahal ko si Pech, hindi ito puppy love. Dahil handa akong magkaroon ng maraming anak at masayang pamilya kasama siya.

Feeling inspired.

Dahil wala si Manager ay nag-status ulit ako sa facebook ko. Inspired dahil kay Pech, hehehe! Sana nga mabuntis siya.

Yahoooo!

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon