Kabanata 21

5.5K 219 40
                                    

Isang linggo na lang ang hihintayin ko at graduation ko na. Hindi ko man makukuha ang diploma ko ay kukunin naman iyon ng mababait kong mga kaibigan.

Excited na rin akong kumuha ng lisensya para maging ganap na isang pulis.

Magdadalawang linggo na rin kaming nandito ni Pech sa isang beach resort at kung minsan ay dinadalaw pa kami ng nga kaibigan ko.

Hindi ko naman maipagkakaila na sa patagal na patagal ng pagsasama namin ni Pech ay mas lalo ko pa siyang minamahal.

'Yun oh!

Feeling ko tuloy ay ang corni-corny ko. Pero alam ko naman na totoo naman ang nararamdaman ko para kay Pech.

Wala pa ring nagbabago kay Pech. Kung paano ko siya nakilala noong una naming pagkikita ay ganoon pa din siya. Hindi pa rin nakakapagsalita, pero kung minsan ay nananaginip siya at umiiyak.

Wala naman akong ideya kung bakit nangyayari sa kanya iyon.

Hindi ko pa nga naitutuloy ang pagpapagamot kay Pech dahil kulang ang pera ko. Sa umaga ay pumupunta ako sa palengke para maging tagabuhat at nagkakaroon naman ako ng pera pero hindi naman iyon sapat sa amin ni Pech.

Hindi ko nga rin maipasyal si Pech sa may bayan dahil natatakot naman ako na makilala si Pech ng mga tao.

Pero sa susunod na dalawang buwan ay pupunta kami ni Pech sa doktor para malaman ang kalagayan ng baby naming dalawa. Gusto ko na rin kasing malaman kung babae ba o lalaki ang anak naming dalawa.

Narealized ko din na kapag lalaki ang naging anak namin.. Hindi na pala Isagani ang ipapangalan ko sa anak namin. Masyado kasing makaluma at parang ang epik kaya.. Siguro, pag-iisipan ko muna kung ano ba ang magandang pangalan.

Kasalukuyan akong naglalaba ng mga damit namin ni pech. Nandito ako sa likod bahay, habang si Pech naman ay busy sa panunuod sa telebisyon.

Paborito niya kasing manuod ng Pokemon.

Magtatanghali nang matapos ako sa paglalaba ng mga damit. Pati nga ang pagsasampay ay kinarir ko na rin.

Well, ito naman kasi ang karaniwan kong ginagawa noon pa kahit na hindi pa kami magkakilala ni Pech. Dahil wala naman akong ibang kasama o pamilya na kasama ko sa bahay ay ako ang kumikilos para sa sarili ko.

Sanay na naman ako sa kalagayan ko na katulad ng sa ganito.

Nagluto na rin ako ng paborito naming pagkain ni Pech.. Ang nilagang manok na may maraming Pechay!

Pagkatapos kong maghain sa lamesa ay tinawag ko na si Pech, "Pech! Kakain na tayo, mahal ko!" Hehehe! Ang sweet ko ba?

Ramdam ko ang saya habang kumakain kami ng sabay. Araw-araw naman akong masaya basata makasama ko lang si Pech.

"Pech... Bukas, pag-uwi ko galing sa palengke. Magse-celebrate tayo ah?" Masaya at excited na sabi ko sa kanya.

Napansin ko naman ang bahagyang pagkunot ng noo niya, kaya muli akong nagsalita.

"Kasi... April 20 bukas! Birthday ko na!" Hehehehe!

"Bukas ko na rin sasabihin sa 'yo kung ilang taon na ang gwapong kaharap mo ngayon."

Bukas ko na sasabihin kay Pech na twenty three na ako bukas! Baka kasi mas lalo siyang ma-excite.

Si Pech kaya... Kailan kaya ang birthday niya?

Hay.. Gusto kong malaman.

Mamaya, tatawagan ko si Peter para itanong sa kanya ang bagay na iyon. Mabilis kasi ang wifi sa bahay nila kaya mabilis rin siyang makakapag-search, sure naman kasi ako na nasa google ang pangalan ni Pech.

"Excited na ako, Pech! Pwede pa-kiss?" Tanong ko sa kanya.

Hindi pa siya sumasagot ay lumapit na ako sa kanya. Marahan kong hinawakan ang tiyan niya.

"Hi baby! Hehehehe! Birthday na ni Daddy bukas!" Sabi ko at ibinaba ko sarili ko para mapantayan ang tiyan ng mahal ko.

Marahan ko iyong hinalikan.

Pagkatapos ay saka ko naman ako muling tumayo at nang makita ko ang nakakabighaning mukha ni Pech ay mas lalo akong kinilig.

Idinikit ko ang labi ko sa malambot na labi niya, "Nararamdaman ko na..... Magiging masaya tayong dalawa. I love you! Pa-kiss ulit, love. Hehe!"

Yahoooo!

Birthday ko na bukas!

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon