Feeling JLC!'Yan ang status ko ngayon—Si John Lloyd Cruz! Magaling kasi siyang umarte kaya siya ang gagayahin ko.
Ang tagal ngang magising ni Pech.. Gusto ko na talagang umacting. Hehe!
"Bro! Tingnan mo 'to! Binabalita si Pech sa T.V!" Sigaw nila Allan na nasa may salas ng beach house.
Kaya naman agad akong tumakbo patungo sa kanila at nang makarating ako sa pinaroroonan nila ay agad ko namang narinig ang balita sa T.V.
Mayroong Press conference si Senator Del Valle tungkol sa pagkawala ni Pech.
Hanggang sa matapos ang press conference ay hindi ko man lang narinig ang pangalan ko. Ang laging sinasabi ni Senator Del Valle ay hindi niya alam kung nasaan ang anak niyang si Mia.
"Bakit kaya hindi ipina-televise ni Senator Del Valle ang pangalan mo, Hunter?" Kunot-noong tanong ni Allan sa akin.
"Hindi kaya.. Hindi kaya may ibang pinaplano si Senator." Ani Peter.
Kibit-balikat ako.
"Hindi natin alam kung anong balak ni Senator, kaya ngayon pa lang.. Dapat ay handa ka na sa lahat, Hunt." Sabi ni Charlene.
"Tama... Tutulong kami sa'yo, Hunter. Don't worry. Ang pamilya ko ay mayroong security agency. Magpapadala ako ng ilang body guards dito para bantayan kayo ni Mia..." Ani Marian.
Feeling thankful!
Sobrang nagpapasalamat ako dahil bukod sa mayroon na akong Allan at Peter ay nadagdagan pa ng Charlene at Marian. Kaya naman habang malakas anv wifi dito ay nag-status ulit ako. Feeling thankful! #friends
Ang swerte ko sa kanila.. Kung hindi ako pinalad na makasama ang tunay na pamilya ko: nakahanap naman ako ng mga tunay na mga kaibigan.
Ang sabi din sa akin nila Allan, since malapit na akong maka-graduate ng criminology. Sila nang bahala sa mga requirments ko.
Kasalukuyan akong nanunuod ng mga funny videos sa facebook nang lapitan ako ni Peter.
"Gising na si Pech at mukhang hinahanap ka." Mahinang sabi niya sa akin.
Tumango ako at saka inialis ang pagkakangiti ko, "Kunwari galit ako di ba?" Tanong ko pa sa kanya.
"Oo, pero huwag naman yung sobrang galit. 'yung tampo lang.. Tingnan natin kung talagang may epekto ba talaga sa'yo si Pech mo." Sabi pa ni Peter.
Nakita ko sila na pumwesto sa may isang bahagi ng kusina. Nag-thumbs up pa nga sila sa akin.
Ako naman ay huminga ng malalim.
Ngayon ko lang malalaman kung pwede na ba talaga akong mag-artista kaya gagalingan ko talaga!
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na tumabi sa akin si Pech.. Inihanda ko ang sarili ko at bago ko pa siya balingan ng tingin ay pinaseryoso ko muna ang mukha ko.
Pero.. Muntik na akong mapamura sa isip ko nang magtagpo ang tingin naming dalawa.
Para bang nawala ang pagkakunot ng noo ko at gusto kong idikit ang labi ko sa labi niya.
Gusto ko ring hawakan ang kamay niya at dalhin iyon sa labi ko upang halikan iyon.
Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya pati ang baby na nasa sinapupunan niya.. Kaya lang ay kailangan ko pa lang maging artista ngayon.
Dito kasi masusukat kung may pakialam ba talaga sa akin si Pech.
Napatingin ako saglit kila Peter na nasa may kusina. Nakita ko pang itinuro nila ang labas, gusto yata nila na magkaroon kami ng privacy ni Pech.
"Ang sarap ng tulog mo ah.." Sabi ko at ngumisi, iyon bang parang nagtatampo.
Isinandal naman ni Pech ang ulo niya sa akin, at ako naman.. Hahawakan ko na sana ang mukha niya, mabuti na lang at naalala kong artista nga pala ako ngayon.
"Pwede ba, Pech?! Huwag mong idikit iyang mukha mo sa akin?! Naiinis kasi ako!" Pero syempre, joke lang iyon. Hehehe!
Naramdaman ko naman na natigilan si Pech at unti-unting inilayo ang ulo niya mula sa balikat ko.
"Ako Pech... Handa kong gawin ang lahat sa'yo! Nagpakatanga ako! Kahit na mali, ginawa ko pa rin kasi mahal kita! Isinakripisyo ko pati ang pag-aaral ko para lang maipaglaban ka, pati kinabukasan ko ay masisira na, pero tuloy pa rin ako." Mabilis ang bawat paghinga ko.
Hindi naman ako binigyan ng script ni Peter, lahat ng sinabi ko ay nasa isip ko lang. Hindi ko naman inaasahan na totoo na pala ang lahat ng ito. Akala ko kasi hanggang acting lang ako.
"Pech..." Napa-iling-iling ako kasabay ng pagpatak ng luha ko, "H—Hindi naman pwedeng ako lang ang nagmamahal sa ating dalawa. Masakit iyon para sa akin, sobra.. Kasi parang binibiyak yung puso. Hindi naman pwedeng mahal kita pero ibang tao ang mahal mo.. P—Pech.. H—Hindi ko kaya..."
Hindi ko na talaga mapigilan pa ang pagbagsak ng luha ko kaya nagtuloy-tuloy na iyon pababa sa pisngi ko.
Iyakin na kung iyakin pero hindi ko na kayang pigilan pa. Masyado na talaga kasi akong nasasaktan.
Nananatiling nakatitig lang sa akin si Pech na nakakunot pa ang noo.
"P—Pech... Sobrang sakit kasi... Ibang lalaki naman pala 'yung nasa isip mo. K—Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan ngayon.. Gusto ko nang umiyak kanina pa kaso ayokong mapahiya sa mga kaibigan ko, Pech."
Huminga ako ng malalim bago tuluyang tumayo mula sa pagkakaupo, pero bago ko pa maihakbang ang sarili ko ay nararamdaman ko ang bisig ni Pech na nakayakap sa akin.
Umiiyak siya, dahil ramdam ko ang pag-alog ng balikat niya habang nakayakap sa akin. Naririnig ko rin ang sunod-sunod niyang pagsinghot.
"Magpapahinga na muna ako sa kwarto, Pech. Masyado lang na masakit ang heart ko." Ani ko pa.
Muli ko sanang ihahakbang ang sarili ko nang mas lalo pang diniinan ni Pech ang pagkakayakap niya sa akin na tila ayaw akong umalis sa tabi niya.
"H—Hunter...."
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria