Kabanata 27

6.2K 253 38
                                    


Suminghap ako ng sariwang hangin nang makalabas ako sa building kung nasaan ang unit ko.

Namataan ko si Ria na halatang inaabangan ako. Sinabihan niya kasi ako kagabi na isasabay na niya ako sa pagpasok sa opisina.

"Bakit ganiyan ang mukha mo? Nakatulog ka ba?" Bungad na tanong sa akin ni Ria nang makasakay ako sa sasakyan niya.

"Eh si Daddy..." Huminga ako ng malalim at saka ko hinugot sa bulsa ko ang iPhone ko. "Nag-text sa akin si Attorney, sinusumpong na naman ng matinding allergy si Daddy, saka kailangan ko ulit siyang mapa-check up sa doktor." Sabi ko pa kay Ria na tahimik na nakikinig habang nagmamaneho.

"Baka naman.. Uhm, kasi kukulangin 'yung pera ko... Pwede ba akong makahiram sa'yo ng kahit three thousand?"

Bumuntong hininga naman si Ria, "Mabuti na lang at tapos na ako sa bayarin ko sa kuryente namin.. Sige, phihiramin kita.. Pero please, magpahinga ka din.. Mukhang wala ka nang tulog eh." Nag-alala pa niyang sabi sa akin.

Habang nasa biyahe ay ikinwento ko rin sa kanya ang nangyari kagabi aa unit ko. Hindi pa nga siya makapaniwala na nalooban ang tinitirhan ko.

Mabuti na lang at nahuli ng mga pulis ang magnanakaw na nagtangka sa condo unit ko.

"Mabuti na lang at walang nangyari na masama sa iyo.. Kung hindi, dagdag gastusin at alalahanin mo pa iyan.. Naku! Mabuti na lang talaga at nahuli ng mga pulis ang magnanakaw na iyon!"

"Mabuti na lang talaga.."

Nang makarating kami sa office ay nakita namin ang aming head na tila busy sa kanyang ginagawa.

"Miss Ria and Miss Mia. Go to your desk now. Dadating ang ating big boss anytime, do your job."

"Yes Ma'am." Sabay na sagot namin ni Ria.

Hindi ko alam kung ano ang naisipan ng aming big boss kung bakit siya pupunta sa site namin. Sa pagkakaalam ko kasi ay naka-base ang big boss namin sa ibang bansa.

Pumunta na ako sa desk ko at saka nagsimulang gawin ang trabaho ko. Mabuti na lang at hindi ako gaanong natabunan ng gawain dahil hindi naman ako nag-iiwan ng mga pending jobs ko.

Si Ria naman ay nasa kabilang banda mula sa pwesto ko. Busy rin siya sa paggawa ng nga trabaho niya.

Nakaramdam lamang ako ng gutom nang sumapit na ang tanghali. breaktime na naman kaya kailangan ko na munang lagyan ng laman ang tiyan ko.

Kasama ko ngayon si Ria sa foodcourt at kumakain.

"Si Ma'am Irish pala 'yung sinasabi na dadating nating big boss. Anak iyon ng totoong may ari ng company na pinapasukan natin."

Napatango ako, "Parang hindi ko pa siya nakikita." Sabi ko kay Ria.

"Oo nga... Ako din naman, pero narinig ko na ang pangalan niya sa co-employee natin." Aniya pa.

Nang makabalik kaming dalawa sa aming trabaho ay saka ko ulit sinimulan ang mga gawain ko.

Bandang alas-dos ng hapon ay saka naman lumapit sa aming pwesto ang head namin.

"Guys! She's here!" Sabi niya.

Sabay-sabay kaming tumayo mula sa pagkakaupo. Inilibot ko ang aking paningin at agad kong nakita si Ma'am Irish na napalilibutan ng dalawang body guard. Madali ko naman siyang nakilala dahil sa kilos pa lang ng dalawang body guards na todo bantay pa sa kanya.

"Good afternoon, Ma'am.." Magiliw naming bati kay Ma'am Irish.

Ngumiti naman siya sa amin, "Good afternoon."

Nagsimula na siyang maglakad patungo sa office ng president.

Ewan ko ba kung bakit sinundan ko ng tingin si Ma'am Irish.

Nang makabalik ako sa pagkakaupo ay agad kong ginawa ang trabaho ko. Gusto ko na kasing matapos ang trabaho ko para sa araw na ito dahil mahirap naman kung matatambakan lang ako.

Marami na akong nai-file na mga documents at kailangan ko lang na kunin ang flashdrive ko na naiwanan ko sa desk ni Ria kanina nang yayain ko siya na mananghalian kami sa foodcourt.

Naglalakad ako patungo sa kinaroroonan ni Ria nang saktong may makabungguan ako.

Balak ko sanang sungitan ang nakabanggaan ko ngunit nang makita ko na nakasuot siya ng uniform na pang pulis ay saka ako marahang yumuko.

"Sorry, Sir..." Hingi ko ng paumanhin sa pulis na kaharap ko.

Nang mapadako ang aking paningin sa kanya ay saka naman namilog ang mata ko, "Oh my god..." Bulong ko sa aking sarili.

Siya...

Siya...

Siya yung pulis sa....

"Miss.." Seryosong sabi ng lalaki sa akin. Ngayon ko lang napagtanto na nakaharang pala ako sa dadaanan niya.

"Ah.. Eh..." Nauutal pa ako habang nakatingin sa uniform niya, gusto ko lang kasing malaman kung ano ang pangalan niya, "Ford."

"Get out of my way." Tanong sa akin ng pulis na kaharap ko.

Umiling-iling ako sa kanya at saka marahang ngumiti, "Uhm.. S-Sorry po." Sabi ko at tumabi sa gilid para naman makadaan siya.

Napupuno kasi ng desk ang bawat paligid dahil sa dami ng empleyado at sa dami ng mga trabaho na ginagawa.

Nagsimula ng maglakad ang pulis at hinabol ko naman siya ng tingin.

Ang sungit naman.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon