Kabanata 4

8.9K 339 48
                                    

Yahoooooo!

Sa wakas at tapos na rin ang duty ko. Eight hours din akong nagtrabaho at ngayon ko pa lang nararamdaman ang pagod ko.

Feeling tired.

'Yan ang ipopost ko mamaya sa facebook ko — feeling tired kasi pagod naman ako sa trabaho ko.

Mabuti na lang at pay day ko ngayon.

"Pareng Hunter! Uuwi ka na ba? Hindi ka ba sasama sa amin? Inuman lang." Sabi sa akin ng ka-trabaho kong si Jack.

Umiling naman ako, "Pasensya na Tol. May gagawin kasi ako ngayon." Good boy yata ako! Hehehehe

"Sige pre, nextime na lang." Sagot niya naman sa akin.

Uwian time na! Lumabas na ako sa McDonalds na masaya. May laman kasing pera ang bulsa ko.

Speaking of uwian.. Kailangan ko na pala talagang umuwi dahil baka kung ano na ang ginawa ni Pech sa bahay ko.

Kaya naman sumakay na ako sa Jeep. Mabilis lang naman ang biyahe, wala naman gaanong traffic.

Nang makauwi ako sa bahay ay binuksan ko kaagad ang pintuan.

Halos manlaki naman ang mata ko nang makita kong napakalinis ng bahay. Ibang klase!

Kahit yata alikabok ay mahihiyang lapitan ang bahay ko. Ibang klase talaga si Pech!

"Pech? Where are you?!"

Hehehehe! Tama ba 'yung english ko? Feeling ko kasi mali eh. Sabi kasi sa akin ng mga kaibigan ko na si Allan at Peter noon na boplaks daw sa english ang mga poging katulad ko.

Kaya nga, I don't believes in theirs!

"Kuya!"

"Pech! Saan ka galing?! Basang-basa ka!" Sabi ko nang makita kong basang-basa siya.

Oo nga pala. Dapat ay masanay na ako na Kuya, pogi o di kaya naman ay pagkain lang ang nababanggit niya.

Ewan ko kay Pech kung anong trip niya sa buhay. Basta, next time. Kapag sinipag ako ay tuturuan ko ulit siya ng mga bagong words.

Pumasok ako sa kwarto at kinuha ko naman ang tuwalya niya at pagkatapos ay binigay ko iyon sa kanya, "Pumunta ka sa banyo! Maligo ka na at aalis tayo." Sabi ko sa kanya.

Nakapagpahinga naman ako kahit na sandali. Hindi naman ako pwedeng matulog na lang dahil pupunta pa kami ni Pech sa Palengke dahil ibibili ko siya ng mga damit at isa pa ay sa karinderia na rin kami kakain.

Nang matapos si Pech na maligo ay tumayo na ako mula sa kinauupuan ko.

"Okay na ba? Pupunta pa tayong palengke." Sabi ko sa kanya na tila ba inaantok.

Feeling sleepy.

'Yun nga, feeling sleepy dahil napagod ako sa buong araw na ito. Pero no choice eh, kailangang umalis at samahan si Pech na bumili ng mga damit na maisusuot niya.

Naglalakad kaming dalawa ni Pech patungo sa palengke. Malapit na lang naman ang palengke mula sa bahay namin kaya naman pwedeng-pwede naman lakarin.

Syempre, ako lang naman ang madaldal sa aming dalawa pero alam ko naman na nakikinig naman siya sa akin.

"Wala pa akong naging girlfriend.. Pero marami akong naging crush. Kilala mo ba si Selena Gomez? 'Yon! Crush ko nga pala iyon!" Sabi ko kay Pech na tahimik lang habang naglalakad.

Lumunok muna ako bago muling magsalita, "Tapos noong 2nd year college naman ako. Pinanlaban ako sa Mr. University! Hindi ako nanalo pero 1st runner up naman ako, naaawa kasi ako sa winner kaya pinagbigyan ko na." Hehehe!

"Kapag may sobra akong pera, ieenroll kita sa tutorial class.. Sa tingin ko naman, okay ka. Tinatamad ka lang sigurong magsalita." Sabi ko pa sa kanya, "O kaya naman ay dahil kita sa doktor? Baka nga naman baliw ka na?"

Hindi naman siya sumagot.

"Bahala na nga. Basta huwag kang mag-alala, Pech. Habang nandito ako, magigibg okay ka." Sabi ko pa sa kanya.

Nang makarating kami sa Pelengke ay dumiretso na kami sa tindahan ng mga damit.

Ako na ang pumili ng mga damit ni Pech. Ang tagal kasi niyang mamili ng mga damit, tinititigan lang naman kasi niya ang mga iyon.

Binili ko si Pech ng anim na damit, at apat na pantalon pati tatlong pajama. Pati underwear ay binilhan ko na siya para complete package na.

Feeling hungry.

Bigla ko na lang na-feel ang pagiging hungry. Eight o'clock na rin kasi ng gabi kaya at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakakain kaya naman kumakalam na ang sikmura ko.

And speaking of hungry ay kailangan na naming pumunta ni Pech sa karinderia.

"Hi Hunter! Anong sa'yo?" Tanong sa akin ni Manang Penang. Paborito niya akong customer, hindi ko naman alam kung bakit.

Siguro dahil gwapings ako.

Binalingan ko naman ng tingin si Pech, "Anong gusto mo? Mechado? Adobong baboy? Sisig? Hotdog? Sinigang? Ano?" Tanong ko pa kay Pech ngunit no response pa rin.

Napa-iling na lamang ako. Bahala na nga, "Isang order ng nilagang pechay po, saka pengeng patis tapos isang order ng adobong baboy." Sabi ko kay Manang Penang.

"Yun lang ba?" Tanong pa niya.

"At saka dalawang extra rice para happy! Tapos malaking RC."

Pumunta na ako sa pwesto namin ni Pech na hanggang ngayon ay tahimik.

Nagtaka naman ako kung bakit nakayuko si Pech na tipa ba may tinitignan sa ilalim kaya naman napakunot ako sa noo ko at saka lumapit sa kanya.

"Anong tinitignan mo diyan, Pech?"

Mas lalong napakunot ang noo ko nang makita kong may hawak pala siyang papel kaya naman kinuha ko iyon at tinignan ang nakasulat pati na rin ang nasa larawan.

Halos manlaki naman ang mata ko sa aking nakita.

Missing

Mia Del Valle
18 years old
Last seen, July 29 2017 on her school wearing a school uniform.

Please contact this number 09999999991

Kung ngayon ay october, ibig sabihin ay dalawang buwan na palang nawawala si Pech?

Pagkatapos kong basahin iyon at pakatitigan ang mukha ni Pech ay saka ko naman siya binalingan ng tingin.

Hindi ko alam pero parang nasasaktan ako.

Feeling hurt?

Ewan ko, basta. Parang ayoko kasing mawala sa akin si Pech.

Inilagay ko sa bulsa ko ang papel na hawak ko at mabilis na pinuntahan si Manang Penang. Ipina-take out ko na lang ang order ko dahil ayoko nang kumain sa lugar na ito.

Mahirap na at baka makilala si Pech.

Bahala na, pero sa ngayon ay akin lang si Pech.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon