Kabanata 11

7.5K 256 23
                                    

Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Pech habang kinakabahang tumingin sa mga guards na nakapalibot sa aming dalawa.

"Ah.." Pasimple pa akong napakamot sa ulo ko bago magsalita, "Mga 'tol, aalis na kami ng asawa k—" Hindi ko pa man natatapos ang nga sasabihin ko ay nagsalita na ang isang guard.

"Pwede bang tanggalin mo ang facemask ng babaeng kasama mo?" Tanong ng isang guard sa akin.

Napalunok ako bago sunod-sunod na umiling, "Bakit? Uhm.. May sakit kasi 'tong kasama ko kaya pinagsusuot ko ng facemask."

Maglalakad na sana ulit kami ni Pech palabas ng KFC nang muli na naman kaming harangin ng nga guards. Pansin ko na rin ang pagtitinginan ng mga tao sa amin.

Feeling famous.

Hehehe! Wala lang, feeling ko kasi sikat ako dahil sa amin lahat nakatingin ang mga tao. Gusto ko nga sanang mag-status sa facebook ko, kaya lang lowbat na 'yung phone ko. Hehehe

"Titignan lang ho namin ang mukha ng kasama mo." Sabi pa ng isang guard sa akin.

Umiling ako pero bago ko pa pigilan ang mga guards ay nakalapit na sila sa amin at mabilis na tinanggal ang facemask na suot ni Pech.

"Positive. Anak ni Senator ito."

Mariin akong napapikit at mas lalo ko pabg hinigpitan ang pagkakahawak ko kay Pech.

Si Pech naman ay ramdam kong kinakabahan siya dahil nanginginig ang kamay niyang nakahawak rin sa kamay ko.

"H—Huwag kang kabahan, Pech.. Nandito lang ako."

Isinakay kami ng mga guards sa isang sasakyan at nang marinig ko kung ano ang pinag-uusapan nila ay napag alaman ko na sa presinto pala kami dadalhin.

Lahat na yata ng santo ay dinasalan ko habang nabiyahe patungo sa presinto. Nag-iisip rin ako ng ideya kung paano kami makaka-alis ni Pech dito.

Kaya naman habang busy sa pag-uusap ang mga guards ay bumulong na ako kay Pech.

"M—Makinig ka, Pech.. Kukunin ka nila s—sa akin, kapag nangyari iyon. H—Hindi mo na ako makikita, a—ayaw kong mangyari iyon.. K—Kaya tulungan mo ako sa gagawin ko, okay?" Mabilis kong pinunasan ang luha ko dahil baka makita pa ni Pech.

Ayoko naman na mag-alala pa siya sa akin.

Napa-tikhim ako bago nagsalita, "Mga boss.. Ihing-ihi na kasi ako, pwede bang umihi muna?" Sabi ko.

"Sige, pre. Samahan mo 'yang lalaking 'yan, baka tumakas."

Dalawa lang ang guards na kasama namin. Ewan ko kung nasaan ang iba, ang mahalaga ay malampasan naming dalawa ni Pech ang mga guard na ito.

Sinamahan nga ako ng lalaki at kunwari pa ay umiihi ako, pero pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ng tingin sa akin ng guard na sumama sa akin kaya naman mas madali akong nakagawa ng plano.

"Ah, Sir.. Hindi ko kasi maisara 'yung zipper ko, ang sakit ng katawan ko.. Pwede bang ikaw ang magsara?"

Feeling hot.

Hehehe! Iba talaga ang charisma ko. Pati lalaki na security guard ay pinagpapantasyahan ako. Iba talaga ang epekto ko sa mga tao.

"Oo naman, pre.." Sabi ng guard sa akin na myembro naman pala ng federasyon.

Dahan-dahang lumapit sa akin ang baklang guard na mayroong kumikislap na mga mata.

Kaya naman nang makalapit at makaluhod siya sa harapan ko ay mabilis kong ipinasok ang junior ko sa loob ng brief ko at nang maisara ko ang zipper ay agad ko siyang pinagsusuntok hanggang sa himatayin.

Napatingin ako kay Pech na nakakunot ang noo na nakatitig lang sa akin.

Habang 'yung isang guard naman ay busy sa hawak niyang cellphone kaya hindi n'ya namalayan na bugbog sarado na pala ang baklush niyang friend.

Mabilis akong lumapit kay Pech. Tinakpan ko ang bibig niya gamit ang kamay ko habang maingat ko siyang inilalabas mula sa sasakyan.

Nang makalabas kami ng sasakyan ay pumasok kami ni Pech sa isang eskinita. Wala namang tao kaya medyo napanatag ang loob ko.

Mayroong ding waiting shed kaya pinaupo ko muna si Pech.

Hinugot ko ang wallet sa bulsa ko pero napamura ako nang maalala ko na nakalimutan ko pala ang wallet ko sa lamesa ng KFC kanina.

Lowbat din ang cellphone ko pero sana ay kayanin pa. Kaya.naman muli kong binuksan ang phone ko at nananalangin na sana ay bumukas para humingi ng tulong kay Allan at Peter.

Please, sana bumukas ka.

Bingo!

Feeling happy!

Akala ko kasi ay hindi na mago-open ang phone ko dahil dead bat pero mali pala ako, may natitira pang 2% kaya naman agad kong dinial ang pangalan ni Allan, bahala na kung ano ang mangyari pero tiwala naman ako na tutulungan niya ako.

"Bakit ka napatawag?" Tanong ni Allan sa akin.

"Allan, makinig ka sa akin.. Tulungan mo ako, nandito ako sa may kanto ng roosevelt avenue dito sa waiting shed. Saka ko na ipapaliwanag sa'yo ang lahat, sa ngayon ay kailangan ko muna ng tulong mo." Sabi ko sa kanya.

"Okay sige, hintayin mo ako diyan."

Sakto namang namatay na ang phone ko, lowbat na talaga. Napatingin ako kay Pech na nakaupo lang habang pinagdidikit ang kamay.

Lumapit ako sa kanya at saka siya niyakap ng mahigpit, "Handa akong gawin ang lahat para sa'yo, kahit ang sarili kong kaligtasan ay handa kong isakripisyo. Mahal na talaga kita kaya sana ay huwag kang sumuko."

Kung artista lang siguro ako, malamang ay nanalo na ako ng best actor award. Hehehe!

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon