Kabanata 31

6.6K 285 108
                                    

Hunter Ford is Feeling inspired!

#Puso
#AngSaya
#InspiredSiHunter

56 Reactions 16 Comments

Kabubukas ko pa lamang ng facebook ko pero ang status kaagad ni Hunter ang nabasa ko. It's been two days nang huli ko siyang makita.

Gusto pa niya akong ihatid hanggang sa pad ko pero hindi na ako pumayag pa. Nakakahiya na kasi at baka ma-late na rin siya sa trabaho niya.

Oo nga pala, noong tinanong ko sa kanya kung bakit pechay ang profile picture niya ay may sinagit naman siya. Iyon ay dahil love na love raw niya ang pechay at ang pechay na love niya ang tanging nakakapagpatibok sa talong niya.

Ewan ko ba kung nagjo-joke siya nang sinabi niya iyon pero feeling ko nagjo-joke nga.

Pag-scroll ko sa newsfeed ay nakita ko ang selfie ni Hunter na may caption na feeling gwapo, in-fairness. Ang gwapo naman talaga, hindi ko lang masigurado kung may lahing banyaga ba siya.

Ang dami rin namang heart reactions. Umabot sa 36. Ibang klase rin ang isang ito.. Pero wait? May nabasa ako sa comment box.

Allan XD: Napusuan ko na po Kyah!! Para kay #Pech

Hunter Ford also replied... Hehehe Para Kay Pech bro..

Peter Macapagal: Hahahahha! Kaya pala feeling happy ka na naman kasi nakausap mo na si Pechy pechy. hahahahaha!

Wala akong maintindihan sa pinag-uusapan nilang mga magkakaibigan sa comment box.

Itinabi ko na ang aking cellphone sa bag para makapaghanda na para sa pagkasok sa trabaho. Heto na naman, papasok na naman sa trabaho para lang mapagalitan ng aming boss na si Ma'am Irish.

Ewan ko ba kung bakit simula pa kahapon ay pinag-iinitan na ako ni Ma'am Irish. Nagsimula iyon nang ipatawag niya ako kahapon sa kanyang opisina. Ang sabi niya ay puro mali daw ang ginagawa ko sa pag file ng report. Kahit na nagawa ko naman ng maayos ang mga iyon.

Nang makalabas ako sa aking pad ay nagulat ako nang sumalubong sa aking paningin si Hunter. Naka-suot siya ng polo-shirt na pang pulis na bumagay naman sa katawan niya.

"Ohh... Hunter.." Nagtatakang sabi ko nang makita ko siya.

Ngumiti naman siya at saka sumandal sa pintuan na nasa likod niya, "Ikaw pala iyan, Mia.." Aniya kasabay ng pagkamot niya sa ulo niya, "Dito ka pala nakatira. Di 'ba, ikaw yung nirespondehan ng Station IV?" Kumakamot sa ulo na sabi niya.

Tumango ako, "Oo ako nga. Ikaw? Bakit ka nandito?"

Itinuro niya ang pintuan na nasa likuran niya, "Ah.. Eto ba? Nabili ko sa friend ko ang unit na 'to.. Dito na muna ako tutuloy para malapit lang sa trabaho ko.." Sabi niya.

Napatango-tango na lamang ako sa sinabi niya, "Sige. Papasok na ako. Baka kasi ma-late na ako sa trabaho." Sabi ko pa.

"Pwede bang pasabay? Pupunta rin kasi ako sa office."

"Mamaya pa ba ang pasok mo?" Tanong ko pa.

"Yup, 2 PM pa. Maaga lang talaga ako aalis." Sabi pa niya at habang naglalakad kami palabas ng buildiny ay pansin kong palingon-lingon siya sa akin na para bang may gustong sabihin.

"May problema ba?"

"Uhh.." Napahinga siya ng malalim na tila ba nahihiya, "Sa akin ka na kaya sumakay? Uhmm... I mean, sa sasakyan ko pala. hehe." Natatawa-tawang sabi niya sa akin.

Wala na akong nagawa kundi ang makisakay na rin sa kanya. I mean, sa sasakyan niya. Kaya heto at kasalukuyan akong nagmumuni-muni sa loob ng Ford Ranger ni Hunter.

"Ang active mo sa facebook ah?" Sabi ko habang siya naman ay nagmamaneho.

Ngumiti siya at nakita ko ang pantay-pantay at mapuputi niyang mga ngipin, "Nakukulitan ka ba sa mga posts ko?"

"Hindi naman.." Sabi ko habang nakatingin sa labas, "Pero, ang weird lang... Pakiramdam ko kasi, nakilala na kita dati pa." Ani ko pa at iyong ang naging dahilan para mapatigil niya ang sasakyan.

Seryoso niya akong tiningnan at saka nagsalita, "What do you mean?"

Napabuntong-hininga ako bago magsalita, "Wala.."

Muli niyang pina-andar ang kanyang sasakyan at muling bumalot ang katahimikan sa loob.

Habang nasa byahe ay tumunog ang kanyang cellphone, sakto namang traffic sa daan kaya sinagot kaagad ni Hunter ang tawag.

"Yes, baby.. Yeah.. Yeah, You'll be fine. Okay?..... Love you." Rinig kong sabi ni Hunter at saka binaba na ang cellphone.

"Pwede bang... Samahan mo muna ako?" Tanong niya sa akin.

"Saan naman? May trabaho pa ako."

"Nothing to worry about. Akong bahala sa boss mo." Sabi pa niya.

Hindi na ako naka-imik pa, tutal. Asawa naman niya ang boss ko pero, lagot! Paano naman kaya kapag nalaman ni Ma'am Irish na kasama ko si Hunter?

Tiyak, 'Yung kausap naman ni Hunter kanina ay 'yung asawa niya.

"'Wag ka mag-alala, Mia. Walang mangyayaring masama sa iyo hangga't ako ang kasama mo." Seryosong sabi niya habang tutok ang kanyang paningin sa gitna ng daan.

Hanggang sa huminto ang sasakyan sa isang cofee shop. Bumaba kaming dalawa at pumasok sa loob.

Agad ko namang nakita si Allan at Peter na todo ngiting sumalubong sa amin na nakaupo sa may dulong bahagi ng cafe.

"Hi, bro! Hi Mia!" Ani Allan nang makalapit kami.

"Yow, Hunt." Sabi ni Peter kay Hunter at pagkatapos ay tumingin sa akin, "Hi, Mia.."

"Hello sa inyo." Ngiting sabi ko sa kanya.

Magkatabi kami ni Hunter sa upuan, ewan ko ba kung bakit pansin ko ang pagsimangot niya nang makipag-shake hands ako sa dalawa niyang kaibigan.

"So bro, simulan na natin?" Tanong ni Allan kay Hunter.

"Kayong bahala," Seryosong sabi ni Hunter.

Muling tumingin sa akin si Allan at Peter, "Mia.. Open minded ka ba?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Peter sa akin, "Ha?"

"Kung open minded ka at kung gusto mong kumita ng pera. Why don't you try front row? I'm sure, yayaman ka dito." Sabi pa ni Peter.

"What the hell?! Pinapunta niyo kaming dalawa dito para sa networking niyong dalawa?!" Asik ni Hunter sa dalawa.

Umiling si Allan, "Sssshhhh.. Mamaya ka na nga mag feeling angry diyan, Hunt. Oh, Mia, Deal ka ba sa frontrow namin? 'Wag mong pansinin yang isa diyan. Nagseselos lang 'yan."

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon