Dinala sa isang pribadong hospital ang mga kaibigan ko. Malala ang lagay nila lalo na ni Allan na nagtamo ng malalim na sugat na dulot ng tumamang bala ng baril sa kanya. Si Peter naman ay hindi rin maganda ang lagay dahil sa matinding bugbog na natamo niya.
Sina Charlene at Marian naman ay kaninang umaga lan nagising. Hindi pa makausap ng maayod dahil sa trauma nila.
Nandito din ang mga magulang nila, at nireport na rin sa pulis ang nangyari pero sabi nila ay iimbestigahan pa rin daw nila ang pangyayari, ako ang tinanong ng mga pulis dahil sa aming mga magkakaibigan ay ako lang ang may malay. Hindi ko naman masabi kung ano ang dahilan dahil bago kami iniwanan ni Senator Del Valle ay binalaan niya akong tutuluyan niyang patayin ang mga kaibigan ko kung sakaling magsumbong ako sa mga pulis.
Si Doktor Gab. Ang Daddy ni Allan ay nandito din. Lahat sila, lahat ng mga magulang ng kaibigan ko.. Hindi alam ang kung anong tunay na nangyari.
Kagabi nang mangyari ang lahat ng iyon, at ngayong gabi ay pupunta si Senator Del Valle sa hospital para makkta si Pech.
Handa na rin ang pribadong doktor na magsasagawa sa pag-alis ng bata sa sinapupunan ni Pech.
Hindi ko na iniinda masyado ang natamo kong sugat mula sa natamo kong tama ng bala sa balikat ko. Wala na akong pakialam pa, ang mahalaga ay nandito ako sa tabi ni Pech.
Sabi ng doktor, bumuti na daw ang lagay niya. Medyo bumabalik na sa normal si Pech at hinihintay ko na lamang na magkamalay siya. Gustong-gusto ko na kasi siyang kausapin at gusto ko ring sabihin na kahit na anong mangyari ay mahal ko pa rin siya.
Nakaupo ako sa isang silya habang nasa gilid ko si Pech at nakahiga sa kama. Pumipikit-pikit na ang mata ko dahil sa sobrang antok, ramdam ko rin ang mahapding sugat ko sa may balikat ko na kagabi pa ginamot ng doktor.
Huminga ako ng malalim at saka muling ipinikit ang mata ko. Antok na antok na ako pero kusang nawala iyon nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Pech na masiglang nakangiti sa akin.
Hindi ko maipaliwanag ang saya ko nanh makita siyang gising na kaya agad ko siyang niyakap.
"Pech ko...." Bumuhos ang luha ko habang yakap ko siya. Kahit na tumatama ang sugat ko sa katawan ni Pech ay okay lang, ang mahalaga ay nayayakap ko siya at maganda na ang lagay niya.
"Uhmm..." Napakamot ako sa aking ulo nang matapos ang yakap, "Na-miss kita ng sobra... Mabuti at gising ka na." Sabi ko sa kanya.
Tulad naman ng dati ay wala siyang imik, ramdam ko rin na masaya siya kahit na hindi aiya makapagsalita, alam ko iyon dahil sa mga tingin niya sa akin.
Napatingin ako sa wall clock, 7:15 PM na, fifteen minutes na lang ay nandito na si Senator Del Valle kasama nh pribadong doktor na mahsasagawa ng pag-alis ng bata sa sinapupunan ni Pech.
Hindi ko matanggap sa isip at puso ko na pumayag ako sa gustong mangyari ni Senator. Pero, kung aayaw ako ay madadamay naman ang mga kaibigan ko.
"May ibibigay ako sa'yo.." Mahinang sabi ko habang nakatitig sa maamong mukha niya. Kinuha ko mula aa bulsa ko ang bagay na matagal ko nang pinag iipunan para lang sa kanya, "Regalo ko sana sa'yo yan noong birthday ko. Kaya lang, wala na akong chance na ibigay sa'yo kasi dinala kita sa hospital at hindi bumuti ang lagay mo." Sabi ko sa kanya at saka dahan-dahang isinuot sa kanya ang singsing na binili ko pa sa isang mall sa bayan.
"P—Para..." Mabilis kong pinunasan ang luha ko bago muling nagsalita, "Para.. Kahit.. Kahit wala ako.. Eh, maaalala mo naman ako.."
Hindi ko na kinaya pa ang pagpipigil ng luha ko, kaya naman hinayaan ko nang dumaloy at napapakunot na lamang ang noo ni Pech habang nakatingin sa akin.
"P—Patawarin mo ako sa gagawin ko.... S—Sana mapatawad mo pa rin ako.." Umiiyak na sabi ko.
"Mahal na mahal——" Hindi ko na natapos pa sasabihin ko nang makita kong pumasok si Senator Del Valle kasama ng isang doktor at dalawang nurse.
"Hunter.."
Napa-ayos ako ng upo ko sa silya nang tawagin ako ni Senator Del Valle. Sumama ako sa kanya sa labas ng kwarto at saka naman niya ipinakita sa akin ang papel na hawak niya.
"Basahin mo.. Iyan ang sasabihin mo kay Mia mamaya." Sabi niya sa akin at pagkatapos ay saka naman siya pumasok sa loob ng kwarto ni Pech.
Binasa ko ang nakasulat sa papel at mariin akong napapikit nang makita ko ang nakasulat.
Mia, sa una pa lang niloko na kita. May gilfriend ako habang tayo, naghanap ako ng iba kasi wala kang kwentang babae. Kaya sana, sa oras na umalis ako dito ay kalimutan mo na din ako. Huwag ka ng umasa na babalikan pa kita kasi hindi naman talaga kita mahal. Ipapalaglag ko ang anak mo dahil ayokong——
Hindi ko na naituloy pa ang binabasa ko dahil bumagsak na ang papel sa sahig kasabay ng muling paglabas ni Senator mula sa kwarto.
"Magsisimula na bata, Huwag ka nang babagal-bagal diyan!" asik niya sa akin.
Nakita kong pinulot ng tauhan ni Senator ang papel at saka iyon inihampas sa akin, "Kung hindi mo kayang kabisaduhin, basahin mo nalang!" Sabi ng tauhan sa akin.
Tumingin ako sa hallway at wala akong nakitang ibang tao, kahit sa kabilanh banda ng hallway at wala ring ibang tao bukod sa amin.
Hanggang sa makapasok ako sa kwarto at nang makita ako ni Pech ay nakita kong napangiti pa siya ng matamis.
Tumingin din ako kay Senator Del Valle na ngayon ay tila demonyo ring nakatitig sa akin. Para bang sinasabi niya na gawin ko na ang pinapagawa niya.
"Hunter.. Ano nga ulit iyong sasabihin mo?" Tanong sa akin ni Senator na may mabait na tono. Mabait lang siya dahil nandito si Pech.
"Pech... I love——" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil narinig ko mula sa may pintuan ang pagkasa ng baril. Hindi kita ni Pech ang pwesto na iyon dahil nahaharangan iyon ng isa pang dingding.
Lumingon ako sa likod at nakita ko ang baril na nakatutok sa akin.
"Hunter... Sige na, sabihin mo na ang gusto mong sabihin kay Mia." Malumanay at nakangiting sabi ni Senator sa akin.
Huminga ako ng malalim at saka muling tumingin kay Pech.
"P—Pech.. Simula noong una kitang makilala, p—pinaglaruan na kita, g—ginawa kitang girlfriend kahit na may girlfriend akong i—iba.." Saglit akong napatigil nang makita kong nag-iba ang reaksyon n'ya.
Sa oras na ito, parang gusto ko na lang na magpalamon sa lupa dahil sa labis na sakit na nararamdaman ko.
"Pech, K—Kalimutan mo na ang lahat sa atin.. N—Nagawa mo ngang kalimutan yung nakaraan mo.. M—Mas maganda na kalimutan mo na ako para mabawasan yung sakit.. H—Hindi kita..."
"H—Hunter.... Bbaba—ba—bakit mo na-nanasasabi yan?" Pilit na salita ni Pech habang tuloy tuloy na lumalabas ang luha niya.
Napa-iling ako, "P—Pech... M—Mahal na——" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil hinila na ako ng mga tauhan ni Senator palabas ng kwarto at ilang saglit pa ay nakita ko rin si Senator na lumabas mula sa loob.
May kinuha siyang isang papel mula sa bulsa niya at iniabot sa akin iyon.
"Good job, ford. Ito ang cheque. Fifteen million 'yan." Sabi niya at saka iniabot sa akin ang cheque, "Deio! Dalhin niyo sa malayong lugar ang lalaking ito." Aniya pa sa kanyang tauhan.
Muli akong napahinga ng malalim, para bang bibigay na ang katawan ko sa matinding lungkot na nararamdaman ko ngayon, "B—Babalik ako, Pech.."
BINABASA MO ANG
His Name Is Hunter
RomanceAko si Hunter. Macho, mabango, mabait, makatao, makakalikasan, makabansa at..... Pogi! Ito ang aking kwento pero bago ko simulan, pwede bang pahingi muna ng singkwenta? Pang yosi lang! Samahan mo na rin ng pang softdrinks! Hehehe Cover by @-euluxuria