Kabanata 23

5.7K 211 138
                                    

"Mahina ang white blood cells ng pasyente at positibo rin siya sa dengue..."

Napahawak ako sa sentido nang marinig ko ang sinabi ng doktor. Pangalawang araw na namin ngayon ni Pech sa hospital at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumubuti ang lagay niya.

Mabuti na lang at ang doktor na gumagamot kay Pech ay kakilala ni Allan. Napagsabihan na ni Allan na sana ay huwag magsumbong ang doktor kay Senator Del Valle.

"Kung hindi ito magagamot kaagad ay maaari niyang ikamatay ang sakit na iyon at kasama na rin ng bata." Sabi pa ng doktor sa kanya.

Napahinga siya ng malalim habang nakatitig ngayon sa natutulog na si Pech.

"Dok... Gawin mo po ang lahat ng paraan para gumaling ang mahal ko..." Nakikiusap kong sabi sa kanya.

Matapos kong makausap ang doktor ay saka ko tinawagan sila Peter. Ngayon kasi ay nasa Manila sila at araw din ng graduation namin ngayon. Hindi ko na nga kinuha ang diploma ko at iyon naman talaga ang plano ko pa noon para hindi kami mahuli ni Senator Del Valle kung saang lupalop ko itinatago si Pech.

Pero wrong timing naman ang oras ng pagtawag ko dahil ayaw naman nilang sagutin ang calls ko. Kaya sumubok ulit ako, pero wala pa din. Sa pagkakaalam ko nga ay kanina pang bago mag tanghali natapos ang graduation namin ngunit bakit hanggang ngayon ay out of coverage pa rin ang mga kaibigan ko.

Pati sila Marian at Charlene ay hindi ko matawagan.

Kaya nag-alala na ako. Mag-gagabi na at habang patagal ng patagal ay mas lalong lumalala anh kalagayan ni Pech. Hanggang ngayon ay hindi pa siya gumigising at mas llaong tumitindi ang kaba ko sa dibdib ko.

Ano kaya ang nangyari sa mga kaibigan ko?

Kung kailan kailangang-kailangan ko sila para makahiram ng pera para nabayaran ko ang pang-gamot kay Pech.

Naki-usap na kasi ako kanina sa treasury office ng hospital kung pwede bang utang na muna ang pagpapagamot kay Pech pero hindi sila pumapayag.

Kahit yung doktor na kakilala ni Allan ay walang magawa dahil rules and regulations daw sa hospital na ito na hangga't hindi nakakapagbayad ay hindi matutuloy ang pagpapagamot sa pasyente.

Muli akong nagbakasakali na tawagan si Allan at pati si Peter pero out of coverage pa rin. Pati si Charlene at Marian pero out of coverage din.

Gabi na. Simula kaninang tanghali ay hindi pa ako nakakakin kaya ngayon ay ramdam ko na ang pananakit ng sikmura ko dala ng labis na pagkagutom.

Pumunta ulit ako sa traesury office para maki-usap.

"Miss.. Baka naman pwedeng na utang muna? Pakiusap. Magbabayad din ako kaagad. Pangako ko yan sa inyo." Nakikiusap na sabi ko sa babaeng kaharap ko, "K—Kailangan ko lang pong maipagamot ang asawa at magiging anak ko.."

Lumandas na ang luha mula sa mga mata ko habang nakikiusap sa babaeng kaharap.

"S—Sir.. Kasi po mapapagalitan po ako sa office."

Bagsak ang balikat ko na lumabas ng treasury office. Kaya naman nagpasya ako na bumalik na muna sa rest house para kumain at ibalik ang nga nagamit ko ng damit dito sa hospital. Tuwing umaga at gabi kasi ay nauwi ako sa rest house pero bumabalik din naman ako kaagad dito sa ospital para bantayan si Pech.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng mga pedicab papuntang rest house ay bigla akong nakaramdam ng kaba, ewan ko ba kung bakit pero mas lalong umusbong ang kabang nararamdaman ko nang may tumigil na van sa harapan ko at wala pang ilang segundo ay nahila na ako ng ilang mga kalalakihan.

His Name Is HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon