Chapter 17

292 2 0
                                    

Shane's  POV

Nagulat naman ako dahil pareho nilang kinuha ung bag nila at pumunta sa magkabilang gilid ko.

Pero ndi naman siguro sila makakaupo dahil may nakaupo na ditong dalawang babae.

Kaso nakakainis lang is nung tumingin si Ivan sa babae ay umalis na agad ung babae, ganun lang din ung kay Matt.

Tsk!! Ano sila buntot ko?

"Ok class, yan na ang groupings nyo hanggang sa matapos ang inyong school year"

What the--?!?! Seryoso??

Paano ako magiging maayos dito?? Kung katabi ko tong dalawa? Ang sama talaga ni tadhana. Goodluck na lang saakin.

*******

Natapos ang klase pero hindi ako ngumingiti kahit na may nakakatawa.

Kahit na paglabas ko ng room poker face lang. Hanggang sa last period ng klase namin poker face lang.

Eh bakit ba?? Wala akong ganang ngumiti o tumawa man lang eh.

Nang mag uwian na ay lumabas na ako ng room at umupo sa hagdan dahil alam ko naman na may hihintayin pa kami ng mga kasama ko.

Syaka nahihirapan din akong huminga kaya uminom na muna ako pero ndi pa rin nawawala.

"Uyy shane may sakit ka ba?"

Tanong saakin ni Diana.

Oo may sakit ako. Hirap na hirap na akong huminga.

Pero sa halip na un ang isagot ko. Nag sinungaling na lang ako, pinaka ayaw ko sa lahat ay ung may nakakaalam ng nararamdaman ko.

"Wala ok lang ako :)" ngumiti ako sa kanila ng pilit lang pero ndi halata.

"Ahhh sige, basta kapag masama pakiramdam mo mag sabi ka lang ha"

Tumango na lang ako sa kanya. Pagkatapos ay umalis na sya.

Tinapik ko ng malakas ung dibdib ko nagbabaka sakaling maalis ung sakit nito.

Actually, madalas akong magkaganito. Ung bigla na lang sasakit ung dibdib ko tapos mahihirapan na lang akong huminga.

Ewan ko kung anong sakit ko. Kahit naman may pagsabihan ako wala naman silang pakealam.

"Uyy ok ka lang ba?? Bakit parang kanina ka pa ndi nagsasalita?? Himala naman ata yun"

Ngumiti na lang ako kay Hana bilang sagot ko sa kanya, kaya naman umalis na din sya.

Ang sakit na talaga ng dibdib ko parang gusto ko ng umiyak sa sakit.

"Uyy shane ok ka lang?? Parang kanina mo pa pinapalo yang dibdib mo ah"

Tanong sa akin ni Cathleen. Gusto kong sabihin sa kanya pero ayaw ko pa rin.

"Wala toh, wala lang talaga akong magawa."

Habang sinasabi ko yun ay hirapan na ako pero nagawa ko pa ring magsalita ng diretso at ngumiti.

"Ahh sige, sure ka?"

Tanong ulit saakin kaya naman tumango na lang ako sa kanya.

Umalis na din sya. Sh*t!!  Paano ba mawala toh?? Ang sakit na hirap na din akong huminga.

Nagulat na lang ako dahil biglang may tumapik sa balikat ko, kaya naman napalingon ako dun.

"Alam kong hindi ka okay, kaya ihahatid na kita. Ok??"

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon