Someone's POVNandito lang ako as usual sa tabi tabi.. basta kung nasaan si shane nandun din ako.
Nasa harapan sya ngayon-- I mean nasa stage sya ngayon.
Ngingiti-ngiti pa syang nalalaman jan. Tsk!!
If I know, sa loob-loob mo malungkot ka pa rin dahil sa pagkawala ng kuya mo.
Just wait for me to come out...
**
Shane's POV
Kinakabahan talaga ako pero dapat na lakasan ko ang loob ko.. para kay kuya!!
"Ang ginawa kong spoken poetry ay pinamagatan kong Naguguluhan...
Isang araw habang nagbabasa ako ng libro, bigla kang tumawag pero pinatay mo agad ito..
Naguluhan ako dahil sa ginawa mo.. may gusto ka bang sabihin na ikatutuwa ko??
Gusto mo bang sabihin na mahal mo pa ako? O gusto mo lang iparating na wala na talagang tayo??
Natuwa ako dahil sa pagtawag mo, at mas ikatutuwa ko pa sana ito kung ipinagpatuloy mo...
Tinanong ko ang sarili ko.. bakit pinatay mo agad ang tawag na gustong-gusto kong makuha mula sayo??
Bakit hindi mo muna ako hinintay magsalita para naman marinig ko ang mga boses mo??
Bakit mo ako tinawagan kung wala naman palang patutunguhan??
Sinayang mo lang ang load mo, parang ako.. sinayang mo lang ang pagmamahal na ibinigay ko sayo.
Naguguluhan ako sa inasal mo.. pero mas naguguluhan ako sa pag-alis mo..
Kailan pa kaya ako magiging kuntento sa buhay na wala ka sa tabi ko??
Kailan ako bubuo ng sarili kong pangarap ng hindi ikaw ang kasama??
Kailan ako magiging masaya na hindi ikaw ang dahilan ng pagtawa??
Sagutin mo naman ang mga tanong kong noon pa sa aking isipan.. Ang mga tanong na dapat kong malaman..
Hanggang kailan ba ako aasa?? Hanggang bukas na lang ba?? Sa makalawa?? O baka naman habang buhay na."
Nagpalakpakan ang mga taong nasa paligid ko kaya naman ngumiti lang ako sa kanila at bumalik na sa backstage kung nasaan sina paola at patricia.
"Ayy taray!! Ang galing mo dun barbie ka!!" proud na sabi nya saakin with matching pagkurot pa sa singit ko.
"Oo nga. Ang galing mo dun, with feelings pa... how to be you po?"
Sabi naman ni patricia. Minsan masaya talaga magkaroon ng kausap na bakla.
Ang saya kasi nila kasama.
Nginitian ko na lang sila at umupo na sa inuupuan ko kanina.
*****
Nandito sa ibabaw ng stage lahat ng candidates sa spoken contest.
Ia-announce na daw ung winner.
Nakatingin lang ako kay Matt sa may gitna na kanina pa senyas ng senyas pero iniirapan ko lang.
Lakas ng tama, nakasinghot ata kanina o baka naman ndi pa nakakainom ng gamot nya.
"And the winner of this spoken contest is......" minsan talaga nakakainis ang mga mc, masyado silang pabitin.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
RandomSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...