Chapter 41

193 7 0
                                    


Someone's  POV

Nakita ko ang lahat ng pangyayari.. simula sa una hanggang sa umalis si shane sa tabi ni Ivan..

Hayystt... ano na kayang gagawin ko kung nagbago na lang bigla si shane??

Nawala tuloy sa utak ko ung mga plano na dapat kong gawin..

Aish!!! Ang gulo talaga ng utak ni shane.. lalo naman ung mood nya.

******

Shane's  POV

Nandito ako as usual sa bahay. Kasama ko ngayon si matt-- as always naman.

Buti nga sya hindi ako iniiwan eh.

Gumagawa kami ngayon ng project.. syempre kahit naman na ganun ang mood ko sa school, may utak pa rin ako na nagsasabi na mag-aral ako..

Gusto ko kasing magkaroon pa ng mga taong magiging proud at pwede akong maipagmalaki..

"Huyy ano bang iniisip mo jan?"

Nagulat naman ako dahil sa biglaang pagtanong nya saakin.

Pinasadahan ko lng sya ng tingin at nagpatuloy na ulit sa ginagawa ko.

"Ang sungit naman nito.." bulong nya, na sapat naman para marinig ko.

Masaya ako kasi may isa pang tao na nagmamahal saakin ng totoo.

Ung taong laging nandyan para saakin, kahit na alam nya na ayaw ko sa kanya.

Patapos na ako dito sa ginagawa kong project, nang biglang may nagdoor bell.

"Ako na magbubukas" sabi ni matt saakin kaya naman pumayag na lang ako.

Gabi na pero may pumunta pa din dito sa bahay.. sino kaya yun?

"Goodmorning po ma'am, sir and kids" narinig kong bati ni matt kung sino man yung mga yun.

May kutob na ako kung sino ung mga yun.. tsk nakakawalang gana

Niligpit ko na ung mga ginamit naming gamit..

May mga yabag akong paa na paparating sa kinaroroonan ko.

"Ateeee!!" Dire-diretso silang dalawa pumunta saakin at niyakap.

Hinayaan ko na lang sila at tumingin kay matt na nakangiting- naka ngiti.

Tiningnan ko sya ng Ano-yang-nginingiti-ngiti-mo-jan-look, pero nagchuckle lang sya at umiling-iling.

Kung ano-ano na naman siguro iniisip nung lalakeng yan.

Nawala ako sa pagiisip ng biglang umubo si papa, kaya naman nabaling ang atensyon ko sa kanya

Nakatingin lang sya saakin na parang galit na galit. Ano naman kayang ginawa kong kasalanan sa kanya?

"Ate alam mo ba may ginawa kaming bracelet para sayo, ito oh" sabay bigay saakin ni mara ng bracelet na gawa sa loombands.

Kinuha ko naman agad iyon at tumingin kay matt na nakatayo na dito sa gilid ko.

Binigay ko sa kanya ang bracelet na binigay nung dalawa.

"Bakit saakin mo binibigay to?" Tanong nya saakin habang nakakunot ang noo.

Hindi ko na lang sya pinansin dahil nakakatamad na magsalita.

"Ate pwede bang dun kami matulog sa tabi mo mamaya?" Tanong naman saakin ni hana.

Kaya naman tinaasan ko sya ng kilay na naging dahilan para magplease sign sya.

"Don't. You. Dare" may diin kong sabi sa kanya.

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon