Shane's POVSinimulan ko na ang magsalita dito sa harapan dahil baka magalit pa sila saakin.
"Sa umaga wag mo akong itetext ng "Goodmorning!! Gising na Mahal na Prinsesa!!". Dahil mas gugustuhin ko pang matulog ng mahaba kaysa sa magising sa katotohanang wala ka na....
Wag mo ng ipaalala na "kumain ka na". Dahil baka mainggit lang ako sa kape, na hindi isinasantabi kahit malamig na.....
Wag mo na din akong sabihang "Ingat ka" kapag may lakad ako, dahil baka isipin kong may pakialam ka pa....
Wag naman sana kitang makasalubong sa SM, Jollibee, McDo o kahit na sa park. Kasi dito.. oo dito sa mga lugar na to tayo gumagala at kumakain noong mga panahon na meron pang tinatawag na tayo.
Sa hapon, don't ask me kung anong ginagawa ko dahil ayoko lang na malaman mo na sa mga oras na to, ikaw pa rin ang iniisip ko...
Sa pagpe- facebook... hindi mo na kailangan i-like ang mga status ko, dahil baka isipin kong inii- stalk mo pa rin ako. Dahil ako... oo tambay pa rin ako sa wall mo, kahit masakit na sa matang tingnan ang mga masasaya mong litrato...
Sa gabi wag mo ng sabihing "Magpahinga ka na", dahil wala ng mas nakakapagod sa pag-iisip na 'sana pwede pa... na sana pinaglaban pa"...
Wag mo na din tanungin kung anong ginagawa ko sa mga oras na to kasi nakakahiyang sabihin na 'eto, iniiyakan ka'...
Sa madaling araw, oo.... malapit ng mag-umaga pero eto ako umaasa na babalik ka pa...
Marahil ay tulog ka na, baka di mo na din naaalala na dati sa mga oras na to tayo'y magka- usap pa o kung nakatulog ka na kani-kanina, paggising mo'y sasabihin mong "Napanaginipan kita"...
Sobrang lalim na ng gabi, singlalim ng sugat na iniwan mo sa puso ko nung nawala ka...
Natapos ang buong araw ko na ikaw ang sentro, mapagabi man o umaga...
Parang isang aklat na madaming istorya at ikaw ang pamagat...
Bukas, magsisimula na naman ba ang araw ko sa text mong "Gising na mahal kong prinsesa" ??
Sa ngayon ang tanong ko lang.. Ilang araw pa kaya bago ako maka move-on sayo?? Isa? Dalawa? Lima? O baka naman hindi na...."
Natapos ako sa pagsasalita sa harapan. Habang nagsasalita ako ay nakatingin lang ako sa kanya..
Sa taong natingnan ko na din ang mata ng matagal..
Pagkatapos kong magsalita ay nagpalakpakan ang mga kaklase ko..
Ngumiti naman ako sa kanila at dumiretso na sa upuan ko.
"Ang galing mo shane!! Ikaw na the best ka!!" Tuwang-tuwa na sabi saakin ni Matt.
Ngumiti lang ako sa kanya at tiningnan ko si Ivan na nakatingin din pala saakin.
Pero nung tumingin ako sa kanya ay bigla syang umiwas ng tingin.
"Kadalasan kaming mga babae sweet.... nagbabago lang kami kapag nasasaktan" bulong ko kay Ivan.
Nagulat siguro sya sa pagsasalita ko mismo sa tenga nya kasi bigla syang lumingon saakin.
Kaya namang ngumiti ako sa kanya at nakinig na kay ma'am.
*****
Nag-open ako ng facebook dahil wala naman ang teacher namin ngayon.Pagkabukas ko ay nagulat ako dahil tadtad ba naman ang sa notif. ko
Tiningnan ko un at may nila-like sila na nakatag ako..
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
De TodoSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...