EPILOGUE

703 12 2
                                    

(Insert Song: Kismet-  Silent Sanctuary)

Siguro nga masaya na akong malaman ang lahat.. masaya na akong nakapagsabi sila ng totoo. Bumaba na ako sa kinatatayuan ko at unang-una kong niyakap si jennie.

Naramdaman kong nagulat sya sa ginawa ko pero wala na akong pakealam kung nagulat man sya o hindi, dahil sa pagkakataong ito gusto ko silang mayakap... gusto ko silang mayakap sa huling pagkakataon.

Kanina pa tumutulo ang luha ko pero hindi halata dahil sa ulan... salamat sa pakikiramay ng ulan..

"Sorry shane.. sorry sa pagsisinungaling" naiiyak na sabi ni jennie saakin. Umiling lang ako habang yakap sya na parang ipinapahiwatig ko sa kanya na ok lang yun.

Kumalas na ako sa pagkakayakap at ngumiti sa kanya sunod ko namang tiningnan si aly na nakatingin din saakin, nginitian ko din sya at niyakap ng mahigpit.

"Sorry sa lahat bal... sorry sa pagsisinungaling namin sayo" panghihingi nya ng tawad kaya umiling din ako tulad ng ginawa ko kay jennie. Kumalas ako sa pagkakayakap at nginitian sya.

Tumingin ulit ako kay jennie sabay tingin ulit kay aly. Sila yung dalawang tao na masasabi mong naging totoong kaibigan saakin, oo nagsinungaling sila saakin pero hindi naman maaalis sa memorya ko yung pagiging totoo nila, yung pagsasabi nila saakin ng mga problema, basta!! basta para saakin naging totoo pa rin sila. Naging totoo silang kaibigan saakin.

Nginitian ko silang dalawa. Yung ngiting walang halong pampaplastik. Yung ngiting nagpapasalamat. At yung ngiting nagpapahiwatig ng paalam.

Sunod ko namang tiningnan si ate mika. Si ate mika na nagpapayo saakin tuwing may problema ako. Sya yung taong parang naging ate ko na din. Naglakad ako papunta sa kanya at niyakap sya.

Niyakap naman nya ako pabalik kaya napangiti ako. Masaya ako kasi nakilala ko ang taong tulad nya. Masaya ako kasi nakilala ko si ate mika.

"Sorry shane.. sorry sa pagsisinungaling, promise namin sayo na hindi na namin uulitin pa" sabi nya habang yakap ako. Kumalas ako sa pagkakayakap at tiningnan ko sya sa mga mata nya. Parang gusto kong sabihin sa kanya na ..

'Hindi na talaga yun mauulit pa.. hindi nyo na ako ulit magagawan ng kasinungalingan.. dahil ngayon gusto ko ng magpaalam sa inyong lahat at magpasalamat sa sikretong inyong inilahad'

Pero hindi ko yun masabi, dahil ayaw kong malungkot sila. Nginitian ko na lang sya at tumingin kay kuya na nakangiti na din saakin. Napawi naman ang ngiti nya nung napatingin ako sa kanya, niyakap ko sya.. yung yakap na nagpapahiwatig ng paalam at salamat.

"Sorry talaga bunso ah... I know that sorry is not enough to forgive us but I really mean it" bulong ni kuya saakin. Napangiti naman ako agad, dahil sa huling pagkakataon tinawag nya akong bunso.

Napatingin naman ako sa nasa likod ni kuya na kung saan naka harap ako ngayon. Nakita ko si venice na parang nagsisisi na talaga sa mga ginawa nya. Kaya kumalas ako kay kuya at lumapit kay venice sabay yakap sa kanya. Nagulat naman sya sa ginawa ko...

"Speak.." mahinahon kong sabi sa kanya. Hindi ko alam ang dahilan pero bigla na lang syang umiyak at niyakap ako pabalik.

"I'm really sorry shane... ang totoo nyan magkapatid kami ni Ivan sa ina at sorry din sa pagsisinungaling ko. Kung gusto mo akong saktan, ok lang saakin because I diserve it." panghahamon nya saakin. Napangiti na lang ako sa mga sinabi nya.

"Nah, that's ok. Just.... just don't be a b!tch" natatawa kong sabi sa kanya. Napatawa naman din sya kaya kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa tinuturo nyang tao. Si Ivan.

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon