Shane's POV
Akala ko hindi sya nawalan ng memory.. akala ko lang pala yun..
Pagkalabas ko ng room nya ay umiyak agad ako. Nakita ko naman bigla si Matt.
Kaya agad ko syang niyakap..
"Ano bang nangyare shane??"
Tanong nya saakin.
"H-hindi nya a-ako m-maalala.."
Sagot ko naman sa kanya. Alam ko naman ung ugali ko na, ayaw kong may nakaka alam sa problema ko o sa nararamdaman ko.
Pero hindi ko kayang dibdibin toh habang buhay eh..
Ang sakit kasi sa feeling na ung taong matagal mong hinintay na magising ay hindi ka na kilala..
"Shhh.. tahan na. Walang mapapala ang pag- iyak mo"
Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at hinampas sya sa dibdib.
"Hahaha jwk lang naman eh.."
Patawa- tawa nyang sabi.
"Edi wow!!" Umupo ako sa upuan na malapit at duon umiyak.
"Uyy shane galit ka ba? Sorry na pleasee..."
Hindi ko sya tinitignan. Sorry sya ng sorry sa harapan ko habang nakaluhod na.
Feeling ko wala akong problema ngayon.. kasi feeling ko may isang taong magpapagaan ng nararamdaman ko..
"Yah!! Anong ginawa mo kay bunso??" Nakinig ko ung boses nung knight and shining armor ko simula bata pa lang..
Tiningnan ko sya. Nakita ko ung dala nyang pagkain.. nag- abala pa talaga si kuya.
"Huh?? Hindi ko naman pina- iyak yan bry eh.."
Sabi ni matt kay kuya.
Kumunot naman ang noo ni kuya. Humarap sya saakin at tinanong ako
"Sino nag paiyak sayo bunso?"
Tanong saakin ni kuya, pero imbes na sagutin ko sya ay tumingin ako kay matt ng seryoso..
"Tumawag ka na ng doctor at sabihin na nagising na ung lalakeng yun.."
Tumango naman saakin si matt.
Lumingon ako kay kuya at nakita ko ung nagtataka nyang mukha.
"Gising na sya?" gulat na gulat nyang tanong.
"Ne oppa, tara muna dun sa park kuya. Dun na lang natin pag- usapan para nakaka relax."
Kumunot ulit ang noo ni kuya.
"Anong konek bunso??"
Sinamaan ko lang sya ng tingin ay naglakad na papunta sa kotse nya..
*********
Sa Park
Pagkaupo na pagkaupo ko pa lang sa swing ay dumampi na agad saakin ang nakaka relax na hangin.
"So ano na nangyare bunso?"
Tanong ni kuya habang nakatingin saakin ng seryoso.
"Kuya nakakainis kasi eh...."
Inis kong sabi dito. Tiningnan ko ang reaksyon nya at nakita ko ang mata nya na sinasabing go-on-sabihin-mo-lang-gusto-mong sabihin-look
Kaya naman tinuloy ko ang sinasabi ko dito..
"Eh kasi.. alam mo ung feeling na hinintay mong magising ung isang tao tapos sa huli ang mangyayari lang pagkagising nya hindi ka nya kilala...."
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
RandomSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...