9 YEARS LATER
Ilang taon na ang nakalipas pagkatapos ko malaman na hindi totoo ang lahat... naniniwala na ako sa kanila dahil kung saan-saan na ako naghanap pero ni isa sa kanilang lahat hindi ko nakita.
I'm already 22 years old.. tapos na ako sa pag-aaral at nagtatrabaho na ako ngayon. Siguro kung totoo sila jennie at aly, siguro masaya kaming nagtatrabaho ngayon.
"Bunso bilisan mo na dyan malelate na tayo!!" sigaw ni kuya. Nandito ako ngayon sa kwarto ko at nagiimpake na ng mga gamit. Papunta kasi kami ngayon sa korea dahil may imi-meet kami dun na magiging business partner namin ni kuya at dun na din kami magbabaksyon ng dalawang buwan.
Ipapasyal nya kasi ako dun, alam nyo naman na gustong-gusto ko makapunta ng korea dba??
Bumaba na ako dahil baka malate nga kami.
"Tara na kuya. Ready na ako at excited" masigla kong sabi kay kuya kaya naman natawa sya saakin.
Kaming dalawa na ni kuya ang may-ari ng bussiness nila mama at papa dati. Si kuya ang boss at syempre ako ang assistant boss hahaha. Wag nyo ng itanong kung close na kami ng mga magulang ko dahil isa lang ang masasagot ko dyan. Hindi pa rin kami close dahil hindi ko din alam.
"Basta talaga korea, game na game ka ah" natatawa-tawang sabi ni kuya saakin.
Sumakay na kami sa kotse nya at nagdrive na si kuya papuntang airport at ako naman ay natulog na.
*********
Nang magising ako ay malapit na kaming makarating sa airport. Grabe I'm so excited!!!!
Pagkababa namin sa sasakyan ay inilibot ko ang paningin ko dahil ngayon lang ako makakapunta ng korea. Pumasok na kami sa loob at dire-diretsong naglakad papasok sa eroplano. Kami ang may-ari nitong airport na toh kaya hindi na namin kailangan pang magbayad.
Pagkasakay na pagkasakay namin sa eroplano ay namangha ako kasi ang ganda lang. Hahaha. Tumakbo na ako papunta dun sa upuan namin. Umupo ako sa may katabi lang ng bintana dahil mas maganda ang pwesto dun.
Maya-maya pa ay umandar na ang eroplano kaya naman napakapit ako ng mahigpit sa kamay ni kuya. Takot kaya ako sa mga rides na nakakapang-iwan ng kaluluwa, at takot din ako sa heights. Pero hindi naman yung sobrang takot sa heights, kaya ko kasing tumingin sa baba kapag nasa taas ako.
Nang makataas na kami ay tumingin ako sa may bintana. Wala akong nakikita dun kundi mga ulap lang...
"Miss!!" narinig kong tawag ni kuya dun sa isang flight attendant. Bahala silang mag-usap dyan dahil ine-enjoy ko ang view dito.
"Yes sir?" tanong nung babae kay kuya, bakit parang pamilyar ang boses nung babae?? Sinabi ni kuya yung mga pagkain na gusto nya pagkatapos nyang sabihin yun ay tinawag nya ako.
"Bakit??" tanong ko.
"Anong gusto mong pagkain bunso??" -kuya
"Kung anong sinabi ni kuya, yun na din saakin" sabay harap ko dun sa babae na nagtanong. Nagulat naman ako sa dahilan na kilala ko sya.
"Yun lang po ba??" tanong nya habang nakangiti. Shems, hindi ako makapaniwala na nandito sya ngayon sa harapan ko. Sigurado naman akong hindi nya ako kilala, kasi ang sabi nila kuya saakin panaginip lang ang lahat.
Tumango si kuya kaya umalis na sya. Pero bago sya maglakad palayo ay tinawag ko ulit sya, kaya napatigil sya at humarap saamin.
"Yes ma'am??" nakangiti nya pa ring tanong, samantalang ako nakatingin lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
RandomSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...