Bakit ba kasi napaka miserable ng buhay ko?
Bakit lagi na lang ako yung may kasalanan?
Ako na lang palagi ang nasisisi.
Wala na ba akong karapatan na magalit?
Wala na ba akong karapatang maging masaya?
Wala na ba akong karapatang magsalita para sa sarili ko?
Pakiramdam ko nga ay parang wala na akong kwenta dahil lahat naman ng ginagawa ko ay nababalewala lang.
Akala nila lagi akong masaya.
Akala nila sa tuwing tumatawa ako ay sobrang saya ko na.
Pero yun ang isang bagay na hindi dapat pinapaniwalaan. Na dapat, wag silang maniniwala sa isang akala lang. Na dapat kilalanin muna nila ang isang tao bago sila manghusga.
Hindi lahat ng taong mukhang inosente ay inosente na talaga, yung iba nagpapanggap lang para sa ikabubuti ng reputasyon nila.
Hindi lahat ng mukhang mataray ay mataray na, yung iba mabait, at yung iba naman ay pinangatawanan na dahil yun ang sinasabi ng iba.
Tandaan nyo, hindi lahat ng nakikita nyo ay totoo.
Katulad ko- madami silang alam sa akin, pero alam ba nila yung totoong ako?
Alam ba nila na nalulungkot din ako?
Alam ba nila na nagkakaroon din ako ng problema?
Sana nga ganoon lang kadaling malaman at maintindihan.
Isa lang naman ang sinasabi ko, ito ay meron akong isang- Miserableng Buhay.
*********
Enjoy Reading Guyz!!
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
LosoweSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...