Shane's POV
Nandito lang ako sa kwarto ko, tutal wala namang pasok ngayon.
Nagscroll lang muna ako sa fb, dahil wala nga akong magawa.
Maya- maya lang ay may nag notif. saakin.
Sino kaya yun?? Nang tingnan ko ay agad akong napangiti.
Binasa ko ung pinost nya na nakatag ako. At dahil dun bumalik lahat ng ala- ala naming dalawa.
Bumalik saakin ung mga masasayang nangyari saaming tatlo..
Hindi kayo nagkakamali ng basa. Tatlo kaming magkakaibigan nun dati. Si Jennie, aly at ako.
Kaso ang nangyari ngayon. Naiwan akong magisa dito sa pilipinas. At silang dalawa naman ay nagaaral sa magkaibang bansa.
'True friends are never apart, maybe in distance... But never in heart'
Napangiti ako sa pinost nya. Kakapost lang yun ni aly kaya agad ko itong nilike at nagcomment ng
'I miss you na, balik ka na dito...'
Maya maya pa ay may nagcomment sa comment ko.
'Bakit anyare?'
Si jennie yun. Namimiss ko na talaga tong dalawang toh.
'Wag kang mag alala babalikan kita :)'
Reply naman ni Aly..
Pumunta ako ng gc namin at dun nagchat.
"Balikan nyo na ako dito... wala na naman akong kasama eh" -ako
"Ano ba kasing nangyare sayo??" -jen
"Iniwan ako ni aly eh.. dun na sya nag aaral sa singapore :(" -ako
"Ha?!?! Iniwan ka? Aba, sabi ko wag kang iiwan at baka kung ano na namang mangyare sayo" -jennie
"Hala... ano kasalanan kong dito ako magaaral??" -aly
"Hahaha ndi naman, dont yah worry shane babalik din kami jan, hindi nga lang ngayon.." -jen
"Oo nga, basta surprise na lang yun kung kailan ;)" -aly
"Haha sge sge na, matutulog na muna ako. Miss ko na kayo" -ako
"Sge sge bye girl may klase pa ako eh" -jen
"Ako din, bye guyz" -aly
******
Hayystt... babalik na naman ako sa dati nito. Papasok na lang ako lagi mag- isa.
Mag- isa lagi... nandito ako sa kwarto at nakatanaw lang sa bintana. Wala akong magawa eh.
"Bunso!! Sinong may sabing mag isa ka na lang lagi??"
Haha oo nga pala nakalimutan ko si kuya. Si kuya na isa pa sa mga kaibigan at pwede kong masandalan.
Pero teka lang paano nya nalaman ung iniisip ko?? Seryoso? Manghuhula ba sya?
"Hindi ako manghuhula..."
Sabi nya habang nakangiti saakin.. magtatanong pa lang sana ako kung pano nya nalaman pero bigla syang nagsalita...
"Tsk! Sadyang halata lang talaga sa mukha mo. Tingnan mo nga yang noo mo nakakunot"
Sabay turo nya sa noo ko. Kaya naman napa simangot ako sa kanya.
"Oh? Smile na bunso ko :)"
I swear ang cute talaga ni kuya kapag ngumingiti.
Ngumiti ako at syaka niyakap sya...
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
De TodoSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...