Shane's POV
I'm here at school, walking.
Bored ako ngayon, kaya sana naman walang magpainis ng araw ko
"Ms. Gonzales" narinig kong tawag sa akin nung teacher.
Kaya naman lumingon ako para makita ko sya. Nakita ko syang nakatingin lang sa akin.
Ano toh? Magtititigan lang kami dito? Lumapit na ako sa kanya.
Hulaan ko may iuutos toh saakin.
"Pwede ba kitang utusan?"
As if makaka hindi ako sa mga teacher.
"Yes maam" ngiti kong sabi kay ma'am
"Ok, Go to the gymnasium and get my bag there" tapos umalis na sya.
Pambihira!! Mas nauna pang umalis sa akin!
Tumakbo na ako papuntang gymnasium, pero huminto muna ako sa tapat ng pinto. Napapagod din ako noh.
I have my own feelings -_-
Sinuot ko ung earphone ko at nagpatugtog ng kung ano man ang mapatugtog.
Nagulat naman ako sa nakita ko sa loob.
Play the song: I Need You More Today by Caleb Santos
Bakit sya nandito? Nakita ko na yung bag ni ma'am kaya naman kinuha ko na yun at naglakad na papuntang pintuan para ibalik na kay maam.
Pero nakinig kong tinatawag nya ako..
Hindi ako lumingon sa kanya pero tumigil ako sa paglalakad.
Narinig ko naman papalapit sya saakin.
"W-wag kang l-lumapit sa a-akin.." pautal-utal kong sabi.
Pero napansin kong umiiyak na ako. Sinubukan kong pigilan pero hindi ko kaya eh.
Pinabayaan ko na lang na tumulo ung luha ko.
"S-sorry.." mahina nyang sabi pero narinig ko.
"Sorry?!? May magagawa ba yang sorry mo??" This time humarap na ako sa kanya kahit na umiiyak na ako.
"A-ayaw kitang s-saktan.." ano ba toh joke??
"T*ng*n* naman Ivan!! Tigilan mo na toh, please naman nahihirapan ako lalo eh!! Hindi mo ba alam na ang sakit-sakit na ?!?!" Sigaw ko sa kanya,ayaw ko ng masaktan pa eh
Kailangan kong maging malakas ngayon ayaw kong makita nya akong nanghihina dahil sa kanya.
"S-sorry t-talaga.." nakatungo lang sya.
"Puro ka sorry!! Ano pa bang magagawa ng sorry mo?!?! Kapag nagsorry ka ba saakin mawawala na lang bigla ung sakit na nararamdaman ko ha?? Mawawala ba lahat ng sakit na binigay mo?!?!" inis na inis na ako.. ayaw ko ng magstay dito.
Naglakad na ako papunta sa labas ng gymnasium habang pinupunasan ang mga luha ko.
Pero bigla naman nyang hinawakan ung kamay ko.
"Bitawan mo na ako!! Let. Me. Go." Sabi ko sa kanya na may diin sa boses.
"Hindi kita bibitawan hangga't hindi tayo nag-uusap ng maayos" sabi nya saakin ng maayos.
Pumunta ako sa may upuan at umupo dun.
Nakita kong sumunod sya saakin, ako naman tumingin dun sa may bintana.
"Ayaw kitang saktan, pero--"
I stop him
"Ayaw mo akong saktan pero nagawa mo na.. ano ba toh laro lang? kung laro lang toh dapat sinabihan mo na agad ako para ndi ako natalo.." nakangisi ako habang sinasabi ko un.
Humarap sya saakin.
"Hindi ko sinasadya.."
nakita ko ung mga mata nya na naluluha na.
"Tsk! Mukha mo!!" Sabi ko sa kanya.
"Hindi ko sinasadya lahat.. oo minahal kita, alam ko din na nasaktan kita ng sobra sobra.. Hindi--"
"Puro ka hndi, eh nagawa mo na nga.. ano toh lokohan?"
"Hindi kita niloko, ginawa ko lang ung alam kong tama"
"May tama ba dun? Ang alam ko kasi MALI na saktan ang babae!" Sarcastic kong sabi.
"Alam ko un.. pero para rin sau un" naguluhan ako sa sinabi nya pero hndi ko na rin un pinansin.
"Ano bang gusto mong sabihin?? Pwede ba maging direct to the point ka na?"sabi ko sa kanya.
Nakaharap na ako sa kanya ngayon at nakita ko na naman ung mga mata nya.
Ung mga matang umakit saakin.
Matagal syang hindi nakasagot pero sa huli sinagot na rin nya na ikinagulat ko.
"Gusto ko lang sabihin sayo na mahal pa rin kita at gusto ko na ring maging tayo ulit."
"Can you please shut the f*ck up!! Kung isa na naman tong laro, ayaw ko na dahil pagod na pagod na ako!" Sigaw ko sa kanya.
"If you like it or not. I will court you " nag smirk sya pagkatapos nyang sabihin un.
"Kalokohan na naman ba toh?"
"Totoo ang sinabi ko at gagawin ko yun para lang sayo, kahit na may kaagaw pa ako sayo.."
Naglakad na sya palabas at ako naman naiwan na speechless.
WHAT THE HECK DID JUST HAPPEN?!?!
*****
Aye guyz!! Pasensya na short update lang :DAng ganda kasi nang kanta kaya nag-update na ako hehe.
Just leave a comment, if you have a question to my first story just ask me and I will answer it.
Dont forget to vote ;)
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
De TodoSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...