Shane's POVHanggang ngayon naiiyak pa din ako, kasi hindi ko na sya makakasama...
Naaalala ko tuloy ung sinabi nya saakin bago sya umalis papuntang Singapore..
" If you need me, call me, I don't care if I'm sleeping, If I'm having my own problems or if I'm angry at you. If you need me and if you need to talk to me, I'll always be there for you. No matter how big or how small your problem is, I'll be there. Babalikan kita dito sa Pilipinas kung gusto mo :)"
Hinding- hindi ko makakalimutan yun dahil yun na ang huli nyang sinabi saakin bago nya ako iwan...
****
Aly's POV
Nandito na kami ngayon sa Singapore, mabilis lang naman ang byahe mula pilipinas papuntang singapore eh.
Habang nasa eroplano kami, naaalala ko ung mga sinabi nya saakin noon. Ung panahong kakasimula pa lang naming maging magkaibigan.
Flashback.....
Nakatambay lang ako dito sa rooftop ng school dahil wala akong magawa.
Eto na kasi ung naging tambayan ko since pumasok ako sa school na toh eh.
Nagulat na lang ako ng biglang may babaeng nagbukas ng pinto.
Pagkatingin ko naman sa kanya ay may kinakausap sya.
Sigaw sya ng sigaw sa kinakausap nya.. tss. Sino kaya yun?
Pero ang ganda nya ha. Pwede kaming maging magkaibigan :)
"Yah!! Neoneun hangsang geuleohge joh-a!! Chuljang? Tsk."
(Translation: Yah! Lagi naman kayong ganyan!! Business trip? Tsk.)
Grabe sya hindi ko naintindihan yung mga sinasabi nya sa kausap nya. Siguro Korean langguage yun. Nakaka nose bleed
Pagkatapos nyang kausapin ung nasa cellphone nya ay humarap sya saakin na ikinagulat ko.
"Hindi ko sinasadyang marinig yung usap----" pinatigil na nya ako sa pagsasalita.
"Ok lang :)"
Ngumiti din ako pabalik sa kanya.
"Nga pala sorry kung naistorbo kita. "
"Hehehe ok lang yun"
Un ung una naming pag uusap at dun din kami nagsimulang maging magkaibigan.
*******
Nandito ako sa school naglalakad lakad lang ng biglang may mabunggo akong babae kaya naman natapunan sya nung dala nyang kape..
"Sorry po, sorry po, hindi ko sinasadya. Sorry po talaga"
Pinupunasan ko ung damit nya na natapunan habang sinasabi ko yun.
"Yah!! Anong sorry ka dyan? Bakit kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo ha?"
Nagulat ako dahil sa pagsigaw nya kaya naman napatungo ako na parang nagsisisi na ako sa ginawa ko.
"Hindi mo ba ako kilala ha?? Ako lang naman ang nag iisang anak ng may- ari ng school na to"
Dagdag pa nya. Hindi ako palaban na babae, mahina ako.
"Kung ayaw mong matanggal sa school na toh. Pagbayaran mo ang ginawa mo saakin."
Mahinahon nyang sinabi yun pero may diin pa rin sa bawat salitang binibitawan nya.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
AléatoireSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...