Someone's POV"Morning bunso!"
Bati saakin ni kuya.
"Morning din! Sino na naman yang tinitingnan mo jan sa cellphone, at laptop mo??"
Pabalik- balik kasi ang tingin dun sa cp at laptop nya eh.
Hinarap nya saakin pareho ang tinitingnan nya kaya naman nainis agad ako.
"Oh bakit ganyan mukha mo?? Ang ganda nya kaya, sobra!!! Tapos ganyan lang reaction mo?"
Tsss!! Paano ba naman kasi pinakita nya lang naman ung wallpaper nya saakin na ang mukha ay si Shane.
"Kakakilala mo lang nyan??"
Tanong ko sa kanya.. ginayuma ata niyong babaeng toh ang kuya ko eh.
"Yap!! Habang nagiiscroll ako nakita ko toh eh, kaya naman inistalk ko na. Bakit kilala mo?"
Curious na tanong nya saakin.
"Kilalang- kilala kuya as in!!!"
Tsk!! Sa dinami- daming babae sa mundo yan pa nagustuhan nya?? Sh*t lang!!
"Wehh?!?! Talaga?!?!"
Nang tingnan ko ang mukha ni kuya ay muntik na ako matawa sa mukha nya, dahil ung mata nya parang nagiisparkle.
Parang bata na may nakitang candy na matagal na nyang hindi nakakain.
"Yas!!" Sagot ko.
Maglalakad na sana ako papuntang garahe para kunin ang kotse ko at sundan ulit sya.
Pero bigla na lang akong hinila ni kuya....
"Sya ba ung babaeng gusto ni ----"
Pinutol ko na agad ang sasabihin nya dahil ayaw kong may nagsasabi saakin na may nagugustuhang iba ang gusto ko...
"Yah kuya!! Ano masaya ka na?"
Tiningnan lang ako ni kuya. Tsk!! Mukhang inlove ang kuya ko.
"Don't you dare hurt her ok? Or else I will hurt the guy that you like..."
Seryosong sabi ni kuya at agad na umalis. Ganun talaga yung kuya ko na yun, basta may magustuhan syang babae ayaw na ayaw nyang nasasaktan.
Kahit na ba ako ang nanakit, wala yang pake gaganti at gaganti saakin yan hanggang sa maging quits na kami....
******
Shane's POV
Nandito na ako ngayon sa school at naglalakad lakad lang dahil mamaya pa naman ang klase namin..
Habang naglalakad ako papuntang library ay may nararamdaman akong parang may nakasunod saakin.
Lilingon na sana ako pero bigla na lang akong ginulat ni Aly..
"Hello bal~~~"
Tsk! Wala akong gana makipag usap sa ibang tao pero dahil good mood ako...
"Anong trip mo? Masyado kang maingay lip mo izip mo"
Hahaha nangunot naman agad ang noo nya kaya naman hindi ko na napigilang tumawa..
"Oh? Anong trip mo?? Masyado kang maganda para tumawa na lang ng basta basta na parang baliw"
Sumimangot ulit ako..
"Tapos ganyan naman?? Ano bang trip mo??"
Hindi ko sya sinagot at pumasok na sa library. Ramdam ko namang nakasunod lang sya saakin.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
RandomSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...