Chapter 42

186 4 0
                                    


Shane's POV

Nandito ako ngayon sa bahay kasi nakakatamad pumasok..

Nakakawalang gana.. as in.

Pumasok si matt ngayon sa school kaya naman pinadala ko na sa kanya ang project ko. Pumayag naman sya.

Gumagawa ako ng kung ano-anu dito sa kwarto ko..

Nakakatamad talaga ang buhay ko, I wanna die right now.

Kung hindi ako tinatamad.. nanghihina naman ako. Hayystt ang buhay ko talaga parang life.

Feeling ko nga ngayon may sakit ako eh. Pinaka-ayaw ko pa naman is yung nagkakasakit ako, kasi naman nagbabago ung mood ko--basta nagbabago ung pakikitungo ko sa lahat ng tao.

Nakakatakot talaga magkasakit.. baka kasi kung ano pa ung magawa ko eh.

****
4pm na.. antagal naman dumating ni matt.

Sabi pa naman nya pupunta sya dito sa bahay para ituro saakin ung mga lesson nila kanina.

Pero nasaan na kaya yung kupal na yun??

*Knock!! Knock!!*

Speaking of a weird matt...

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko kaagad si matt na nakasimangot at may dalang pagkain sa kamay nya.

"Oh bakit ka nakasimangot??" Tanong ko sa kanya.

"Eh kasi naman.. nakakainis ka!" Dire-diretso syang naglakad papuntang salas at pabagsak na umupo.

Problema nito???

"Aish!! Shane!!" Inis na inis nyang sabi habang ginugulo ang buhok nya at padyak pa ng padyak.

"Laki ng problema mo?!?!" Sigaw ko sa kanya.

Actually hinang-hina na ako kanina pa, pinipilit ko lang na maging masigla sa harap nya.

"Alam mo ba ung feeling na sobrang antok ka na pero hindi ka makatulog kasi kailangan mong makinig ng mabuti kasi may tuturuan kang babae na hindi pumasok kasi tinatamad?!?!" Panenermon nya saakin.

Haysst nako!!

"So??" tanong ko sa kanya with a sarcastic tone.

"Anong so ka jan?!?! Hindi mo ba alam na sobra-sobrang sakripisyo na ang nagawa ko para sayo?!?!" Sigaw nya saakin na parang inis na inis talaga .

Is he serious about that thing??

"Are you yelling at me?" Seryoso kong tanong at nakatingin lang ako sa kanya ng diretso kahit na hindi sya nakatingin saakin.

Unti-unti syang lumingon sa gawi ko, nang makita na nya ang itsura ko ay ngumiti sya ng pilit at nagpeace sign.

Daming alam..

Humarap na ulit sya sa tv at nanuod na lang.. habang ako..

****

Matt's POV

Grabe ayaw ko na talagang galitin si shane o kahit inisin.

Nakakatakot talaga ung itsura nya tuwing nagagalit o kahit na naiinis eh. Samahan mo pa ng nakakatakot na tingin at take note mata sa mata sya tumingin.

Sa tuwing ginagawa nya yun, hindi ko lagi nababasa ang nasa isip nya. Ang hirap nya i-spelleng-in...

Humarap na ako sa tv at nanuod na lang. Para iwas takot at kaba na din.

Nagulat na lang ako ng may marinig akong bagsak sa likod ko.

Pagkatingin na pagkatingin ko sa likod ko, kung saan kanina lang ay nakatayo si shane... ngayon nakahiga na sya at walang malay.

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon