Chapter 37

207 2 0
                                    

Ivan's POV

Nakita kong tumakbo si Matt palabas ng school.

Kaya naman sinundan ko sya pero bigla na lang akong may nabunggo na babae.

Kaya ang tendency nahulog yung dala nyang mga gamit.

Naka all black sya.

Tinulungan ko syang kunin yung mga gamit nyang nahulog.

Nang ibibigay ko na ito sa kanya ay nakita ko ung mga mata nyang parang natatakot.

Pakiramdam ko kilala ko sya. Bumalik na ang mga ala-ala ko kaya sure akong kilala ko sya.

Tiningnan ko lang syang mabuti pero bigla na lang syang tumakbo paalis.

Bago pa ang lahat ay lumabas na ako ng school at sinundan kung nasaan si matt.

Pumasok sya dun sa mall. Sigurado akong sinusundan nya din si shane.

Pagpasok ko sa loob ay nakita ko na lang silang dalawa na magkausap na.

Masakit tignan na may kasamang ibang tao ang taong mahal mo.

Mahal ko sya, mahal naman nya'y iba.. ano pang silbi ng pagsasabi ko sa kanya ng 'mahal kita' kung ang mahal nya'y iba?? Pero ang mas masakit pa dun, ung taong mahal nya ay kaibigan ko pa...

Sh*t ano bang nangyayare saakin?? Bakit ba kasi ganito ang tadhana eh.. masyadong pasakit sa buhay.

*******

Someone's POV

Nandito ako ngayon nakatingin sa malayo kung nasaan tumakbo sya..

Aish!! Hindi ko sya masundan dahil baka mahalata nyang ako ung sumusunod sa kaniya..

Pero ok lang, kahit papaano nakapag- usap kami..

******

Valentine's Day

Shane's POV

Naglalakad akong mag-isa dto sa oval ng school. Papasok ako ngayon sa room.

Pero bago un, madami akong nadaanan na couple's.. tsk!!

Ang sakit nila sa mata!!

"Happy Valentine's Day!!" Sigaw saakin nung kaklase ko na may bf. Tsk!!

Tiningnan ko lang sya at syaka kinausap.

"Valentine's ba ngayon?? Akala ko ba ash wednesday??"

Tanong ko naman sa kanya, na parang walang intensyon sa mga sasabihin nya.

"Ayy bitter ang lola ko!!" Sabay palo nya sa balikat ko.

Tiningnan ko sya ng masama.

"Lola mo ako?? Edi sana puti na mga buhok ko.." walang kwenta kong sagot.

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha yang mga salita na yan. Actually, nakakatamad magsalita hindi ko lang talaga alam kung bakit madaldal ako ngayon.

"Hindi naman kasi kapag sinabing lola. It means puti na agad ang buhok."

Tiningnan ko lang sya ng masama. Seriously?? Gusto nya ba ng barahan? Pagbigyan!!

"May sinabi ba ako?" Napataas ang kilay nya dahil sa sinabi ko.

"Aish! Grabe ka mambara ngayon! Bitter ka kasi" ngumisi lang ako dahil sa sinabi nya.

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon