Chapter 52

237 7 0
                                    



Shane's  POV

Nandito ako ngayon sa bahay na tinutuluyan namin ngayon ni kuya. Ako lang mag-isa nandito, kasi sabi ni kuya mauna na daw ako dito dahil gusto pa daw nyang makasama si ate mika. 


Hangga't maaari ayaw kong mahulog ng tuluyan kay matt, dahil ayaw ko na ulit masaktan.. ayaw ko ng magmukhang t*ng* ulit.. ayaw ko ng magmahal pa... siguro nga tatanda akong walang asawa.


May nagu-udyok nga saakin ngayon na umalis muna ako dito sa korea dahil masyado ng madami ang nakakapag-paalala saakin dito. Nakakapag-paalala ng mga hindi na dapat pa.


Pumunta ako ng kwarto ko at kinuha na ang mga bagahe ko. Kinuha ko na ang lahat ng gamit ko. Aalis na ako ngayon, magpapakalayo-layo na muna siguro. Siguro naman wala ng susunod saakin dun sa pupuntahan ko.


Kinuha ko na ang passport ko at pumunta na sa airport na pag-aari namin. Hindi ako nagpakita dun sa driver namin ni kuya dahil baka isumbong pa ako nun kay kuya.


May suot ako ngayon na black shirt, black pants, black shoes, black shades, black cap at black mask. Hindi naman halata na puro black ang suot ko noh?? Ganito suot ko ngayon kasi ayaw kong may magsabi kay kuya na umalis ako. Dire-diretso lang akong naglakad papunta sa eroplano pero agad naman akong napatigil dahil may tumawag saakin.


"Miss!!" tawag nung pamilyar na boses. Lumingon naman ako sa kanya, at pagkalingon ko napangiti na lang ako. Gusto ko silang makita... gusto ko silang makita bago ako umalis at magpaka-layo-layo.


Lumapit sila saakin at tinanong ako..


"Can I see your passport ma'am?" sa halip na ibigay ko sa kanya yung passport ay niyakap ko sya na ikinagulat naman nya. Sino ba naman ang hindi magugulat kapag bigla kang niyakap ng hindi mo kilala, dba?


"Don't worry... this is me, Shane" bulong ko sa kanya sabay kalas sa pagkakayakap.


"Pero bakit ka nandito?? Hindi mo pa kasama kuya mo tapos ganyan suot mo" tanong ni aly saakin. Remember?? dito sya nagtatrabaho ngayon.


Hinila ko silang dalawa papunta dun sa isang upuan. Nakita ko pang parang nagtataka si jennie saakin.


Konti lang naman ang dumadaan dito at medyo tago kaya wala namang makakakita saamin dito. Tinanggal ko ang mask, shades at cap ko para makilala ako ni jennie. Nginitian ko naman silang dalawa.


"Asan kuya mo?? Bakit hindi mo sya kasama?" nagtatakang tanong saakin ni jennie. Napangiti naman ako dahil nag-aalala pa sila saakin kahit papaano.


"Wala si kuya, hindi ko sya kasama dahil tumakas lang ako sa kanya---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla na lang nagsalita si aly at jennie.


"Bakit ka tumakas?? / Ano??" natawa na lang ako bigla dahil sa inasal nila. Buti na lang binigyan ako ni lord ng panahon para makita sa huling pagkakataon itong dalawa.

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon