Matt's POV
Masakit para saaming lahat na saktan si shane... masakit saakin na makita syang umiiyak ng dahil saamin.. Masakit para saakin kasi, mahal ko sya..
Gusto ko syang yakapin at sabihing tumigil na sya sa pag-iyak pero hindi ko magawa dahil baka ipagtabuyan nya lang ako..
"Shane sorry, pero pinlano namin ang lahat..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko.. tiningnan ko si shane, nakita ko syang nakatingin lang sa langit habang umiiyak.
"Bibigyan ko kayo ng pagkakataong magpaliwanag... Ipaliwanag nyo saakin ang lahat.." nakapikit na sya ngayon habang nakatingala pa din sa langit. Nararamdaman ko sa kanya yung paghihirap na nararanasan nya ngayon.
"Hindi ka talaga nacomatose bunso--" napatigil sa pagsasalita si Bryan dahil nagsalita si shane habang nakatingin ng masama kay Bryan..
"Wag na wag mo akong tatawaging bunso..." nakikita ko sa mga mata ni shane yung galit at sakit... napatingin naman ako sa gawi ni bryan at nakita kong nakatungo na sya ngayon..
"Nagawa naming magsinungaling para makalimutan mo na kami at para hindi ka na din masaktan.." napatingin naman ng masama si shane kay Ivan ng masama.
"Sa tingin mo sapat lang yung dahilan na yun?? Sapat na bang maging dahilan yun, kapalit ng sakit na nararamdaman ko ngayon?" sarcastic na tanong ni shane kay Ivan.. hindi na ako nakapagsalita dahil wala namang lumalabas sa bibig ko.
"Sa tingin nyo ba madali ko lang kayo makakalimutan??" nakita ko namang tumayo na si shane at biglang bumuhos ang malakas na ulan.. buti pa yung ulan kayang damayan si shane.
"Sa tingin nyo ba madali ko lang makakalimutan ang mga taong nakasama ko ng ilang taon??" galit na galit na sya ngayon at ang mga salitang lumalabas sa bibig nya..
"Kung kayo ang nasa posisyon ko?? Matatanggap nyo pa ba ang mga taong nagsinungaling at sumira ng tiwala nyo?!?! Ano bang nagawa kong mali at ito ang natanggap kong kapalit?!?! Masama ba akong tao?? Binigay ko naman yung tiwala ko sa inyo?? Lalong-lalo na kayong dalawa!!! Ang galing nyong umarte!! Ang galing nyong magpanggap na hindi nyo ako kilala!! Paano nyo ba nagawa yun?? Paturo nga ako para magawa ko din kayong hindi pansinin at para makapagpanggap ng hindi ko kayo kilala.." sarkastikong sabi ni shane dun kina jennie at aly.
Magsasalita pa sana si Jennie pero naunahan na syang magsalita ni shane na nakatayo na ngayon dun sa may pinaka gilid ng rooftop... natatakot ako.. natatakot akong baka tumalon sya jan.
"No need to sorry... Because sorry is not enough to erase the pain" may diing sabi ni shane.
"Let us explain shane.." nagulat na lang ako bigla dahil nandito din pala si venice. Nagsisi na sya sa mga ginawa nya kay shane.. nagsisi na sya sa mga nagawa nyang kalokohan at nagbago na din sya.
"Oh andyan ka pala.. buti naman nakalabas ka na ng kulungan. Nagsisi ka na ba sa mga ginawa mong kag@gvh@n saakin?? Wag ka ng magsalita dahil baka sayo ko maibuhos lahat ng galit ko." tumalikod na sya saamin ngayon kaya mas lalo akong kinabahan dahil baka talaga tumalon sya dyan.
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
RandomSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...