Chapter 31

202 4 0
                                    

Ivan's  POV

Ngayon ang libing ni bryan.

Ndi ko man sya maalala pero kahit papaano ay may isa akong naaalala sa kanya..

Ung panahon na sumakit ung ulo ko sa park. Un ung panahon na may naalala ako.

Flashback....

Nandito ako ngayon sa park. Naghahanda ng mga props para mamaya kay shane.

"Ano ok na ba toh?" Tanong saakin nung kuya nyang si bryan.

Tiningnan ko ang itinuturo nyang mga petals na nakakalat at ung puno na puro christmas light ang nakapalibot.

Ang ganda.

"Syempre naman ok na yan. Salamat kuya bryan" -ako

"Sus wala un, syaka kuya bry na lang kasi masyadong mahaba kapag kuya bryan eh." Tumango ako sa kanya at ngumiti naman sya.

"Oh paano una na ako ha??" Pagpapaalam nya saakin.

"Ahh sige. Ingat!! Salamat na din sa tulong!!" Sabi ko sa kanya habang naglalakad na sya paalis ng park.

End of Flashback...

Hanggang dun lang ang naalala ko na memory ko dati..

Nung nalaman kong namatay na sya bigla na lang tumulo ung mga luha ko..

At hanggang ngayon ang sakit pa rin ng dibdib ko kakaiyak sa nangyari sa kanya.

Kalalaki kong tao pero iyakin ako.. natural lang un kapag may nawalang mahalagang tao sayo.

Nasa unahan si shane nang paglalakad kasama nya si Matt at ang kapatid nyang si ate mika.

Nagpakilala sila saakin nung pagpunta namin ni josh sa bahay nila shane.

Kahapon ko pa pasimpleng tinitingnan si shane.

Pero kapag nakikita ko sya sumasakit na lang bigla ung ulo ko eh..

Ewan ko ba kung bakit...

Kaya hangga't maaari ay iiwas muna ako sa kanya..

Pero once na bumalik ung mga ala- ala ko.. lalapitan ko na sya..

******

Shane's  POV

Ngayon ang araw na ililibing na si kuya..

Ang araw na nagsasabing hindi ko na sya makakasama pa..

Ang huling araw na makikita ko sya..

At ang araw na magsasabing ala-ala na lang ang lahat..

May mga tumutulo pa rin na luha sa mga mata ko pero hindi na sobra ang pag iyak ko.

Tahimik na lang.. kasi wala na rin namang mapapala ang pag iyak ko eh..

Ndi naman mababalik ng pag- iyak ko ang buhay ni kuya..

Nang makarating kami sa sementeryo ay pinagmasdan ko muna si kuya ng mabuti. Bago nila ito ilibing..

Mamimiss kita kuya.. mamimiss ko lahat sayo...

Pagkatapos ng libing ni kuya ay nagpaiwan muna ako dto.

Gusto ko munang mapag- isa..

Gusto ko kahit sandali makasama ko si kuya..

Nung mag- isa na ako ay syaka ko lang inilabas ung mga luha kong madami..

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon