Someone's POVNandito ako ngayon sa labas ng bahay nila shane. Tinitingnan ko lang kung paano sya masaktan sa pagkamatay ng kuya nya..
Ang sama kong tao, dba??
Wala na kayong magagawa dun kasi eto na ako eh..
Nakita kong nandun si shane ngayon sa terrace nila habang umiiyak..
How sad naman ng life nya...
Kahit na magkaibigan kami dati ni shane hinding- hindi ko sya mapapatawad sa mga naging kasalanan nya... ng pamilya nya..
***
Shane's POV
Nandito ako sa terrace ngayon. Iyak lang ako ng iyak simula kanina.
Bakit ba kasi sa kanya pa nangyari un??
Sinisisi ko ang sarili ko sa lahat ng nangyari...
Una si Ivan.. dapat ako ang mababaril pero hinarang nya ang bala na paparating saakin kaya sya ang natamaan..
Tapos ngayon si kuya na nagbibigay ng pag-asa para mabuhay ako..
Si kuya lang ang nandyan saakin palagi.. sya lang ang laging nagpapagaan ng pakiramdam ko..
Sya lang ang laging nakakasama ko..
Namimiss ko na agad sya.. ung mga ngiti nya saakin..
Ung mga tawa nya kapag nakikita akong naka make face
Ung mga pang- aasar nya saakin..
Ung mga advice nya kapag may problema ako..
Ung mga mata nyang laging nagtatanong..
Ung presensya nya na nagsasabing nandyan lang sya palagi..
Ung mukha nyang maamo na laging nagsasabi na mahal na mahal nya ako..
Ung mga kamay nya na nakabantay lagi saakin..
Ung mga salita nya na nagpapangiti saakin..
At higit sa lahat ang katawan nya na laging gustong sabihin na nandyan lang palagi at pwedeng pwede kong sandalan..
Lahat un naaalala ko sa kanya.. para ngang gusto ko ng sumunod sa kanya eh.
Pero lagi kong naaalala ung mga sinasabi nya saakin...
'Lagi kang mag- iingat bunso kasi mahal na mahal kita'
'Ingat ka bunso kasi ayaw kong nasasaktan ka..'
'Wag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko'
Un ung mga salitang nagpapatigil saakin sa pagpapakamatay ko..
Mga salitang hinding- hindi ko makalimutan..
"Kuya bakit mo ako iniwan??"
Sabi ko sa hangin habang nakatingin sa langit..
"Alam kong nandyan ka lang kuya... bakit mo ako iniwan?? Bakit hindi ka man lang nabuhay ng matagal?? Bakit kasi ang bait bait mo eh..."
Ang hirap talagang mawalan ng taong mahal mo sa buhay..
"Sigurado akong naririnig ka ng kuya mo ngayon..." narinig kong sabi ng isang babae.
Nilingon ko naman ito at nakita ko si ate mika..
Galing pa siguro sya sa korea.. mahal na mahal talaga nya si kuya..
Tumabi sya saakin at tumingin din sa langit..
BINABASA MO ANG
My Miserable Life [COMPLETED]
RandomSTART: September 26, 2017 END: August 21, 2018 Ang storya na ito ay tungkol sa babaeng miserable ang buhay. Dinadaan lang ang problema sa pagtawa o pagiging masaya. Yung babae na laging nandyan para sa mga kaibigan nya. Hanggang sa may nakilala syan...