Chapter 43

191 5 0
                                    

Shane's  POV

Lumakad sya papalapit saakin kaya naman napatayo na lang ako bigla..

"Anong ginagawa mo dito?" Malamig kong sabi sa kanya.

"Ang lamig na nga dito sa park pati ba naman ang boses mo malamig.. wala man lang bang hi jan?" patawa-tawa pa nyang sabi.

Pumunta na lang ako dun sa bench at naupo habang sya naman ay umupo din.

"Nga pala... pwede mo ba akong gawan ng tula??" Tanong nya saakin na naging dahilan ng pagkagulat ko.

"Why would I?" Mataray kong tanong sa kanya habang nakatingin sa malayo.

"Because I want to.."  napatingin ako sa kanya at nakita ko syang nakangisi.

"What will you do if I don't make it??"  Panghahamon ko sa kanya.

"Yah don't try me.." ngumiti sya saakin na naging dahilan ng pag ngiti ko din.

Namiss ko tong lalake na to.

Magsasalita pa lang sana ako ng biglang may magsalitang babae kaya naman napalingon ako kung saan nangagaling ung boses na yun.

At nakita ko na lang na naka-akbay si Ivan kay venice at si venice naman ay nakangisi saakin na para bang nang-aasar.

"Gawan mo na lang kaming dalawa ng tula.. or kung ayaw mo akong kasama, kahit para kay Ivan na lang na iniwan ka mag-isa."  Ngumiti sya saakin bago sya tumingin kay Ivan na naka tingin din sa kanya.

Pagkatapos nilang magtitigan ay tumingin sila saakin ng mapang-asar. Kaya naman naikuyom ko na lang ang mga kamay ko.

"Gusto nyo ba talaga ng tula o gusto nyo lang akong asarin??" Tanong ko sa kanila.

"Hmmmm.. depende sa nararamdaman mo" ngumisi si venice saakin kaya naman naglakad ako papunta sa kanila.

Pero habang papalipit ako, palayo naman sila ng palayo hanggang sa napunta ako sa kwarto ko.

Umupo ako sa kama at syaka umiyak..

Maya-maya pa ay may narinig akong nagbukas ng pinto kaya naman agad kong pinahid ang mga luha ko..

"Ok ka lang bunso??" Tumingin ako sa nagsalita..

Nagulat ako dahil sa lalakeng nasa harapan ko ngayon..

"K-kuya??" Napatayo ako ng wala sa oras habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Bakit bunso?? Ayaw mo na ba akong makita ulit??" Nakangiti sya habang sinasabi iyon.

Kaya naman tumakbo agad ako papunta sa kinaroroonan nya.

Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Alam mo bunso.. dapat gumawa ka ng tula base sa nararamdaman mo ngayon..." sabi ni kuya saakin kaya naman agad akong kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Bakit naman kuya?" Tanong ko ng may pagtataka.

"Alam ko kasing kapag gumagawa ka ng tula, nawawala yung mga sakit na nararamdaman mo jan sa puso mo" tinuro pa nya yung puso ko kaya naman agad akong ngumiti sa kanya.

"Alam mo kuya kung ikaw ang kandila ko sa dilim.. hinding-hindi kita sisindihan.." sabi ko naman kay kuya na ikinakunot ng noo nya.

"Bakit naman bunso?? Baka madapa ka kung hindi mo ako sisindihan."  Sabi nya.

My Miserable Life [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon