Samantha's POV
"Mama! Aalis na po ako!" Paalam ko kay mama pagkababa ko ng hagdan.
"Sige anak! Galingan mo sa school huh? Maging friendly ka rin sa bagong school mo." Paalala sakin ni mama
"Mama naman. Grade 11 na po ako alam ko na po ang gagawin ko." Kamot ulong sabi ko.
"Pinapaalalahanan lang kita. O sya lakad na! Baka mahuli kapa sa klase mo. Mahirap na unang araw pa naman ng klase ngayon. Ingat ka huh? I love you anak." Sabi niya sabay halik sa magkabilang pisngi ko.
"Sige po ma. Kayo din po! I love you too." Sabi ko at humalik din sa kanyang pisngi.---
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa gate ng School ay puro bulungan na agad ang naririnig ko.
"Who is she?"
"Ang panget naman niya."
"Ano pa bang asahan mo bes? Basta nerd panget."
"Tama ka dyan bes! Puro pag-aaral lang inaatupag nila. Ang boring."
Hindi ko nalang sila pinansin. Mga insecure lang sila.
Maya -maya sa paglalakad ko ay may nakabangga akong babaeng ang kapal ng make-up sa mukha. Mukhang clown.
"Ouch!" Maarteng sabi niya.
"Sorry po. Hindi ko sinasadya."
Tingin-tingin din kasi.
"Sorry? Look what you've done! Tapos sorry?! You're so clumsy!" Bulyaw niya sakin.
Lihim akong napairap.
Ang OA
Napatingin ako sa katabi niya. Isang gwapong lalaki pero mukhang nananakit lang ng damdamin ng babae.
Sayang ang kagwapuhan ni kuya.
Akmang sasampalin ako ng babaeng mukhang clown pero pinigilan iyon ng lalaking kasama niya.
"Hindi mo naman kailangan dumihan ang napakaganda mong kamay, babe..."
Tumingin siya sakin mula ulo hanggang paa saka ngumisi.Napangiti ako.
Mabait naman pala siy-----"Para lang sa PANGET na gaya niya." Sabi niya sabay kindat sa'kin. Napawi ang ngiti ko. Ganun pala a?
Gwapo nga, sobrang sama naman ng ugali.
Hindi ko na lang sila pinansin. Inirapan ko siya saka umalis. Wala akong oras makipagbangayan sa mga taong gaya nila. Ayokong masira ang unang araw ko sa eskwela nang dahil lang sa kanila.
Kringg!
"Patay! Late na ako."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...