Nakabusangot ang mukha ko na pumasok sa aming classroom.
Buti na lang late yung teacher namin kaya walang mambubulyaw sa akin na late ako.
Rinig ko ang mga bulungan nila pero wala akong pakielam.
Kailangan kong masanay sa mga ganito habang nandito ako. Masasayang lang ang oras at laway ko kung papatulan ko sila.Minsan nga napapaisip ako,
Ganun ba ako kapangit para laitin nila ako ng laitin?
May mali ba sa itsura ko? Mali bang magsuot ng mahabang palda at magsuot ng makapal na salamin? Ngayon lang ba sila nakakita ng simpleng babae at sige na nga, panget na babae? Oo na, panget ako, tanggap ko na. Pero kailangan talagang ipamukha?
Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang makita kong may nakalahad na panyo sa harap ko.
"Hindi ka dapat nagpapaapekto sa sinasabi ng iba. Gawin mong positibo ang mga panlalait na sinasabi nila sa'yo. Hindi ka yayaman kung magpapaapekto ka sa mga sinasabi nila at iiyak ka na lang sa isang tabi. Gawin mo na lang inspirasyon ang mga sinasabi nila sa'yo at ipakita mong hindi ka apektado. Ngiti lang. Kayang takpan ng ngiti ang sakit na nararamdaman. Lagi mo iyon tatandaan." Mahabang lintanya niya. Bagamat, nagulat ay tagos sa akin ang mga sinabi niya. Masyado kasi akong marupok. Masyado akong nagpapaapekto sa sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin kaya wala akong magawa kundi umiyak.
Tiningala ko ang nag-abot ng panyo sa'kin at nakapagpagaan ng loob ko kahit papaano. Nanlaki ang mata ko nang mapagsino iyon. Ito yung isa sa nanlait kanina. Yung gwapo pero masama ang ugali.
Kinapa ko ang mukha ko. Napagtanto ko na kanina pa pala pumapatak ang luha ko at hindi ko namalayan ito sa sobrang lalim ng iniisip ko.
Napairap ako at saka kinuha ang panyong inaalok niya. Siningahan ko iyon saka binalik ulit sa kanya.
Napatawa siya saka umiling.
"Sa'yo na yan, may sipon mo na e." Umupo siya sa tabi ko. "Tabi tayo huh?" Nakangiting wika niya."Nagpaalam ka pa." Sarkastikong sabi ko.
"Pasyensya ka na sa inasal ko kanina ah? Kung hindi ko kasi ginawa 'yun, malamang lalo ka ng pumangit ngayon." Sinamaan ko siya ng tingin na kinahalakhak niya.
"Nakakatawa 'yon? Nakakatawa 'yon? Siraulo." Asar na sabi ko.
"Pikon agad? War freak kasi 'yon kaya sinabi ko iyon kanina para maipagtanggol ka mula sa kanya. Konting sanggi mo lang dun, nananakit na yun." Paliwanag niya.
"Magtatanggol ka na nga lang, manlalait ka pa! Akala mo kung sino kang gwapo!" Iritadong sabi ko.
"Sorry. I hope we can be friends?" Napakagat-labi pa siya.
Itsura.
"I am Ryle Marcus Ortillo. You are?" Nakangiti niyang nilahad ang kamay niya.
Napatawa ako at napangiti.
"Samantha Gail Arcellana." Inabot ko ang kamay niya.
"Friends?" Hindi matanggal ang malawak na ngiti sa kanyang labi.
Wala naman sigurong masama kung makipagkaibigan ako ulit diba?
Tumango ako saka ngumiti ng matamis.
"Friends."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...