Chapter 33

31 3 0
                                    

Ryle's POV

Two weeks. Two weeks had passed since she confessed to me. Lumipas ang dalawang linggo simula nang putulin niya ang pagkakaibigan namin. Mahirap para sa'kin ang ganito. Pero ito ang gusto niya e, wala akong magagawa. Kailangan ko siyang palayain kapalit ng paglimot niya sa nararamdaman niya para sa'kin. Ayoko siyang saktan. Masyado siyang mahalaga sa'kin para saktan ko lang.

Pero hindi ko alam kung bakit nitong nakaraang dalawang linggo, hindi siya mawala sa isip ko.
Ang bigat sa dibdib sa tuwing naaalala ko yung mga luhang pumapatak sa mga mata niya nung inamin niyang mahal niya ako at nasasaktan siya nang dahil sa'kin. Sa tuwing naaalala ko yung malungkot na ngiti niya, ang sakit na nakikita ko sa mga mata niya, mas nasasaktan ako.

Hindi siya maalis sa isip ko gabi-gabi. Halos lagi akong kulang sa tulog at halos hindi ko na maituon ang atensyon ko kay Nathalie.

Dalawang linggo na rin ang lumipas simula nang iwasan niya ako. Ang bigat sa dibdib sa tuwing umiiwas siya sa'kin, pero wala akong magawa. I have to respect her decision.

Ang bigat sa dibdib na kung iwasan niya ako, parang hindi ako nag-exist sa mundo niya. Kung iwasan niya ako, parang may nakakahawa akong sakit. Ilag na ilag siya sa'kin at sa tuwing nagkakasalubong kami sa daan, siya na mismo ang unang umiiwas at mag-iiba ng dadaanan.

Ang sakit lang.

Hindi ako sanay ng ganito. Ni hindi ko ng magawang tumawa ng malakas simula nung iwasan niya ako. Halos hindi ako makangiti.

I missed her. I missed my best friend, badly. Miss ko na ang pagkamataray niya, ang pagkapikon niya, ang mga tawa at ngiti niya at pagkamakulit niya. Namimiss ko na ang lahat sa kanya. I missed her so damn much.

Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae. Mas nangibabaw ang pangungulila ko sa kanya kaysa sa pangungulilang naramdaman ko nung iniwan ako noon ni Nathalie.

Napailing ako sa naisip ko. 

Why are you comparing them, Ryle? Nathalie is your girlfriend and Samantha is now your ex-best friend.

Natawa ako ng mapakla. Bakit ko nga ba sila pinagkukumpara? Bakit ba ako nagkakaganito?

She needs space. I have to give her space. Kailangan kong dumistansya muna sa kanya kahit halos mabaliw ako sa pagkamiss sa kanya.

I have to give her what she want, even though it was hard for me.

---

"Bye, Ryle." Paalam ni Nathalie nang maihatid ko siya sa room niya. Hinalikan niya ako sa pisngi pero tipid na ngiti lang ang naisagot ko sa kanya.

"Pasok na 'ko. Bye." Matamlay na paalam ko.

Ewan ko ba, simula nang mag-iwasan kami ni Samantha, naging matamlay na rin ako sa lahat ng bagay. Naging matamlay na ako sa relasyon namin ni Nathalie.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang room namin na hindi naman kalayuan sa room nina Nathalie.
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko sina Ivan at Samantha na nagtatawanan sa isang bench.

Ang saya nilang tingnan. Ang saya niyang tingnan. May parte sa puso ko ang kumirot. Dati, ako yun e... Ako yung nagpapasaya at nagpapatawa sa kanya sa kabila ng kalungkutan niya. Ako dapat ang nagpupunas ng luhang pumapatak sa mga mata niya kung hindi ko lang siya nasaktan.

E bakit ko nga pala pupunasan ang luha sa mga mata niya, kung ako naman ang dahilan ng pagpatak nito?

Baliw ka na, Ryle.

Dapat masaya na ako ngayon kasi nakikita kong nakakatawa na siya. May tao nang sumalo sa kanya at handang pasayahin siya. Pero bakit parang kabaligtaran ang nararamdaman ko? Bakit naiinis ako? Bakit nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko silang magkasama? Bakit nagseselos ako?

Hindi kaya... Mahal ko na rin siya?

Okay I admit. Bakit ba ako, bakit ng bakit? Para akong tanga. Simple lang naman ang dahilan e, nahulog na ako sa kanya. Mahal ko na siya. Nasa akin na noon e, nainlove na siya sa'kin pero pinagtulakan ko lang siya palayo. Abot-kamay ko na e, pero sinabihan ko pa ng mas makakasakit ng damdamin niya.

Bakit ngayon ko lang narealize 'to? Bakit ngayon lang kung kailan may nagpapasaya na sa kanya. Ngayong nakakatawa at nakakangiti na siya.

Ang tanga ko.

Nagtama ang mata naming dalawa pero sa pagkakataong ito, ako naman ang umiwas at naglakad palayo. I should stop this feeling towards her. Mali 'to. Girlfriend ko si Nathalie. Kailangan kong panindigan to. I already let go. Habang maaga pa, habang hindi pa ako nalulunod sa pagmamahal ko sa kanya, aahon ako. Dapat tigilan ko na ang kahibangang ito. Pero,...

Kaya ko ba?

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now