"Hanggang ngayon pa naman e, warfreak ka pa rin Margarette." Napabitaw si Margarette sa buhok ko nang marinig ang boses na iyon ni Ryle.
Muntik na akong matawa nang makita ko ang naging reaksyon ni Margarette 'the clown' nang makita si Ryle. Nanlalaki ang mga mata at bumalatay ang takot sa mukha nito.
"R-Ryle?" Ang kaninang malademonyong aura niya ay napalitan ng mala-anghel na aura.
Naks, best actress 2018
"Pati ba naman si Samantha, inaaway mo! Stop acting like a child, Margarette. Hindi ka na bata. Magbago ka na!" Inis na sabi ni Ryle.
"Bumalik ka muna sa'kin at magbabago na ako." Maarteng wika niya.
Napairap naman ako. Nakakainis talaga ang kaartehan ng babaeng 'to.
Napangisi si Ryle.
"Sa tingin mo babalikan kita nang dahil dyan sa mga pinaggagawa mo? Lalo mo lang pinapatunayan na hindi ka deserve balikan." Malamig na wika ni Ryle.
"Ganon na lang ba kadali para sa'yo ang itapon ang pinagsamahan natin, Ryle? Mahal kita! Bumalik ka na, please." Pagmamakaawa ni Margarette.
"Wag ka ngang OA, Margarette. Isang linggo lang 'yon. Sinabi ko na sa'yo, laruan at pampalipas oras ka lang."
Sa sinabing iyon ni Ryle, nag-uunahang pumatak ang luha mula sa mga mata ni Margarette. Masyadong masakit ang sinabi ni Ryle, pero ayos na rin siguro iyon para matigil na ang paghahabol ni Margarette sa kanya.
"Please, Ryle. I want-----"
Akmang hahawakan ni Margarette ang kamay ni Ryle ngunit bigla itong tinabig ni Ryle.
"Tumigil ka na, Margarette. Wala ka ng babalikan. Marami pang lalaki dyan. Sa kanila mo na lang ituon ang atensyon at pagmamahal at wag sa'kin dahil masasaktan ka lang." Mariing wika ni Ryle.
"No. Ikaw lang ang gusto ko." Pagmamatigas ni Margarette.
"Hindi kita gusto." Seryosong sabi ni Ryle.
Napatingin ako sa paligid ko. Marami nang nanunuod.
"Pwes, gagawa ako ng paraan para magustuhan mo ako." Pinunasan ni Margarette ang luha sa mukha niya.
Inis na napasabunot si Ryle sa buhok niya.
"Pwede ba, Margarette? Tumigil ka na! Wag ka ngang tanga! Hindi kita mahal at imposibleng mahalin kita kaya magmahal ka na lang ng iba." inis na sabi Ryle.
Aray
Ngumisi si Margarette pero patuloy parin ang paglandas ng mga luha mula sa mga mata nito.
"Magpapahinga lang ako sa paghabol sa'yo pero hindi ako susuko, Ryle. Tandaan mo yan." Sabi niya sabay walk out.
"Mga babae talaga, sakit sa ulo." Iritadong sabi ni Ryle, bumaling siya sakin at napapailing na naglakad paalis.

YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Fiksi RemajaSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...