Samantha's POV
*Kinabukasan*
"Hi, Sam." Natigil ang pagbabasa ko ng wattpad ng may bumati sa'kin. Isang babaeng hindi ko kilala.
"Hello." Binigyan ko siya ng isang plastic na ngiti. Pakiwari ko ay may kailangan ito kaya ako nilapitan.
"Pwedeng humingi ng favor?" Nakangiting wika nito.
I secretly rolled my eyes. I knew it.
"What it is?" Pagmaang-maangan ko.
"May number ka ba nina Ryle at Ivan? Pahingi naman oh.. Ikaw kasi ang lagi kong nakikitang kasama nila, e." May pagmamakaawang-tonong wika nito.
Mabilis akong umiling.
"No. I'm sorry. I'm just their best friend. Sa kanila ka mismo humingi, wag sa akin." Diretsong sabi ko sa kanya.
Napasimangot ito.
"Tsss. Damot." Sabi nito saka umalis.
Napairap na lang ako. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ko ng wattpad sa cellphone ko. Mamaya pa naman ang susunod na klase ko. May isang oras pa ako para tumambay. Vacant time kasi namin ngayon kaya heto ako pabasa-basa na lang. Lunch time naman na ang susunod.
"Sam!" Napatigil muli ako sa pagbabasa nang makita ko si Ivan na papalapit sa kinaroroonan ko.
"Oh Ivan, anong ginagawa mo dito? Akala ko nagrereview ka para sa quiz bee niyo mamaya?" tanong ko rito.
Natawa naman ito. I frowned.
"Basic lang 'yon. Nutri-quiz bee lang naman iyon, e." Confident na sabi niya.
"Confident ka, huh?" Natatawang sabi ko sa kanya.
Nakaramdam ako bigla ng tawag ng kalikasan.
"Wait lang ah? C.R lang ako saglit. Hintayin mo na lang ako rito." Paalam ko sa kanya.
Ngumiti ito saka tumango.
"Sige."
**
Habang naglalakad ako patungong C.R, may narinig akong mga pamilyar na boses na nagtatalo.
"You want me back Nathalie? Really? Pagkatapos mo akong iwan at lokohin, gusto mong makipagbalikan?" dinig ko ang pagtataas ng boses ni Ryle mula sa kinaroroonan ko na ilang metro lang ang layo sa kanila.
Nagtago ako sa likod ng puno, sapat na para marinig ko ang pinag-uusapan nila. Ihing-ihi na ako pero gusto ko makinig sa pinag-uusapan nila. Parang may nag-uudyok sa akin na makinig sa pinag-uusapan nila.
"I still love you, Ryle. Hindi ko ginustong iwan ka. Hindi ko lang talaga kayang suwayin ang utos ni papa." Sabi ni....
"Nathalie?"
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...