"Ice cream lang pala ang katapat mo e." Natatawang wika sa akin ni Ryle. Kasalukuyan kaming nasa Ice cream Parlor ngayon at kumakain.
"Tumigil ka. Minsan ka nga lang manlibre e, tatanggihan ko pa ba?" Sabi ko sa kanya saka sumubo muli ng kinakain kong Ice cream.
"Nga pala, bakit nagpalit ka agad ng fling of the week mo? Biyernes palang ngayon a?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang, kating-kati na ko sabihan siya na itigil niya na iyon.
"Boring kasi si Jezza e. Kaya naghanap na lang ako ng iba." Matabang na sabi niya.
Lihim akong napairap.
"Hobby mo na ba talaga ang maglaro ng feelings ng mga babae? Tandaan mo hindi kami laruan na pagkatapos mong pagsawaan, iiwanan mo na lang sa isang tabi." Seryosong sabi ko sa kanya.
"Dito ako masaya, Samantha." Matabang pa ring sabi niya.
Mapakla akong natawa. Ano pa ba ang aasahan kong sagot mula sa kanya? Playboy siya, e. Hobby niya ang manglaro nang feelings ng iba. Matagal na sana niya iyon tinigilan kung hindi siya masaya.
"Masaya ka sa panglalaro ng feelings ng iba? Kailan ka ba titigil sa panglalaro mo, Ryle? Hihintayin mo bang kamuhian ka ng mga babaeng pinaglalaruan mo? Itigil mo na 'to. Concern ako sayo kasi kaibigan kita. Ikaw ang nag-iisang kaibigan ko alam mo yan." Well, bukod kay Ivan. Pero si Ryle talaga ang tinuturing kong pinakabest friend.
"Titigil lang ako kapag nakita ko na ang babaeng para sakin, Samantha." Seryosong tugon niya.
Sa hindi malamang dahilan kumirot na naman ang puso ko.
Mapait akong napangiti. Nice answer.
"Sana nga makita mo na siya para hindi ka na makapanakit pa ng damdamin ng iba." Makahulugang sabi ko sa kanya. Tumayo ako at akmang aalis na ngunit pinigilan niya ako.
"Aalis ka na agad? Kakabati lang natin, Sam. Masyado naman tayong seryoso. 'Wag na nating pag-usapan ang pagiging mapaglaro ko sa mga babae, please." Natawa siya at alam kong peke iyon. Alam kong pinapagaan niya lang ang tensyon na namamagitan samin.
"Huwag pag-usapan? Babae rin ako, Ryle! Alam ko ang pakiramdam ng mapaglaruan at masaktan..." Dahil isa ako sa nasasaktan dahil sa pinaggagawa mo. "...Sana nga talaga, makita mo na yung babaeng makapagpapasaya sa'yo para hindi ka na makapanakit pa ng damdamin ng iba. At sana hindi mo maranasan ang matinding karma." Seryosong sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.
Hinarap ko siya at pinilit na ngumiti.
"Bukas na lang siguro tayo mag-usap, Ryle. Pagod na ako. Maraming salamat sa Ice cream na libre mo." Pagpapatuloy ko. Pinilit kong gawing totoo ang ngiti ko sa kanya, pero ang totoo ay naiinis ako sa inaasta niya.
Dali-dali akong lumabas ng ice cream parlor saka pumara ng taxi.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit ba kasi ganun na lang ang pagkirot ng dibdib ko sa nakita ko kanina? Hindi kaya... No! Hindi 'to pwede. Hangga't maaga pa, kailangan ko nang pigilan 'to. Magkaibigan kami at hanggang doon na lang iyon.
****
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Teen FictionSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...