Chapter 4

57 9 2
                                    

Samantha's POV

Isang linggo pa lang ang nakalilipas pero umabsent agad ako. Hindi ko kasi magawang hindi magpuyat sa kakabasa ng wattpad. Kaya ayan tuloy, tinanghali ako ng gising.

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko ang playboy kong kaibigan na may kasamang bagong babae. Malamang ay 'fling of the week' na naman niya iyon. 'Fling of the week' ang tawag niya sa mga babaeng nilalandi niya.

Natural na iyon sa mga playboy na gaya niya.

"Uy, Samantha panget! Buti naman at pumasok ka na. Namiss kita." Natatawang wika niya. Nakasunod pala siya sa'kin.

Inakbayan niya akong bigla. Inis kong tinanggal iyon saka luminga-linga sa paligid. Mahirap na baka makarinig na naman ako nang hindi kaaya-ayang salita mula sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

"Namiss? Tigilan mo nga ako! Wag mo akong igaya sa mga babae mo na kikiligin sa mga mabulaklak mong mga salita." Mataray na sabi ko.

"Hindi naman. Iba ka sa kanila. Para sa'kin, karespe-respeto ka kaysa sa kanila." Seryosong wika niya.

Tumigil ako sa paglalakad at humarap ng nakapamewang sa kanya.

"So, sila hindi karespe-respeto? Magtino ka nga, Ryle! Hindi ka ba natatakot na baka dumating ang araw na karmahin ka at bumalik sa'yo ang sakit na pinaramdam mo sa mga babaeng sinaktan mo? Hindi ka ba natatakot na baka gawin ito ng babaeng mamahalin mo balang araw." Seryosong tanong ko rin sa kanya.

Tumawa siya.

"Ako magmamahal ulit? I already learned from my past, Samantha.  Hindi na ulit ako magmamahal ulit dahil tama na ang isang beses na masaktan." Malamig na wika niya.

Umiling ako.

"Mag-ingat ka sana. Dahil ang puso hindi kailanman nadidiktahan. Titibok ito sa hindi mo inaasahan. Kahit gaano pa ito kabato, basta puso ang kumilos, wala kang takas. Hindi ka makakaligtas." Malamig ding wika ko saka umalis.

Alam ko ang pakiramdam na masaktan dahil minsan ko na rin iyon naranasan. Sana talaga balang araw ay makakita siya ng babae na magtuturo sa kanya ng kahalagahan ng tunay na pagmamahal.

"Let's not talk about this. Masyado na tayong seryoso, hindi ako sanay." Napalingon ako sa likod ko kung saan nakasunod na naman pala siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at tahimik na lang na naglakad.

"Iba ka nga sa kanila."

Saying Goodbye to my Playboy BestfriendWhere stories live. Discover now