Ryle's POV
"Ang sweet niyo ah..."
Napatigil kami sa pagkukulitan ni Sam nang may nagsalita sa likuran namin.
Nilingon namin ito at isang malawak na ngiti ni Ivan ang bumungad samin.
"What are you doing here?" Mataray na tanong ni Sam sa kanya.
"Can we talk?" Seryosong tanong ni Vanz kay Sam.
Hindi pa man nakakasagot si Sam ay hinatak na siya ni Ivan.
Asshole!
--
Samantha's POV
"Can we talk?" Ang kaninang nakangiti ay napalitan na ng seryosong mukha ang mukha ni Ivan.
Akmang sasagot pa lamang ako ay hinatak na niya agad ako at dinala sa Garden na nasa likod ng room namin.
"Ano ba! Let me go, Ivan! Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Matagal na tayong tapos!" Pilit kong tinatanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya ngunit mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito.
Sinamaan ko siya ng tingin.
Akmang aalis na ako ngunit pinigilan niya naman ako.Mariin akong napapikit.
"Ano ba ang dapat nating pag-usapan? May klase pa tayo oh!" Inis na sabi ko sa kanya.
"It's about us." Mahinang sabi niya.
Napatingin ako sa kanya.
"There's no 'us' Ivan. Anim na buwan na tayong tapos. Kung iyan ang gusto mong pag-usapan natin, then I think we're just wasting our time here." Sabi ko. Wala akong oras para pag-usapan pa ang sakit na naidulot niya sakin noon.
"And if you don't mind, papasok na ako dahil malapit ng magsimula ang klase." pagpapatuloy ko at saka naglakad paalis.
"Hindi mo man lang ba pakikinggan ang dahilan kung bakit kita iniwan noon?" Sabi nya na nakapagpatigil sakin.
Humarap ako sa kanya. Gusto kong matawa sa tanong niya pero ni ngiti ay hindi ko magawa.
"Sana noon pa, Ivan. At saka iyan na ata ang pinakatangang tanong ang narinig ko mula sa'yo, Ivan. So, why would I? Anim na buwan na ang lumipas pero ngayon mo lang naisip 'yan, Ivan? Sana noon mo pa ginawa iyan. So , please stop asking nonsense things." Inis na sabi ko.
Napailing ako at saka muling humakbang palayo.
"I still love you, Sam, and I want you back."
YOU ARE READING
Saying Goodbye to my Playboy Bestfriend
Novela JuvenilSabi nila, sa pagkakaibigan nagsisimula ang lahat. Ang kaibigan ang nakakasama mo sa mga paggawa ng kalokohan at sa iyong problemang pinagdadanan, sila ay handa kang damayan. Sila ang iyong naiiyakan sa mga panahong iniiwan ka ng mga mahal mo sa buh...